Ano ang reaksiyon dito ni Jennylyn?
"Grabe! Hindi ko alam yun!" bulalas niya.
Ayon kay Jennylyn, lahat daw ng sampal at pananakit ni Pauleen sa kanya sa mga eksena nila sa Ikaw Sana ay totohanan at walang daya.
"Lahat naman po totoo, e."
So, nasasaktan na siya ni Pauleen?
"'Sakto lang po," sabi ni Jennylyn. "Pero hindi, naiintindihan ko naman kasi kailangan. Pag kay Direk Joel [Lamangan], totoo, e, hindi puwedeng dinadaya. Si Pauleen, marunong siyang mag-ano, marunong siyang magkontrol."
Pero yun nga lang, naaapektuhan ang fans ni Jennylyn at galit na ang iba kay Pauleen.
"Ibig sabihin, effective siya, magaling siyang artista," sabi ni Jennylyn. "Siguro ano, magaling siyang artista kaya ganun. Pero sana huwag naman nilang personalin. Kasi kung ano yung nakikita nila sa TV, yun lang yun. Ano lang yun, kumbaga, part lang yun ng trabaho namin bilang artista. Pero hindi naman kami magkaaway sa totoong buhay."
PATRICK GARCIA. Hindi pa rin daw sila nagkikita at nagkakausap ni Patrick Garcia, ang ama ng kanyang anak na si Alex Jazz.
"Hindi pa. Wala rin akong plano. Hayaan mo na, huwag na yun. Huwag na nating pag-usapan," pag-iwas niya.
Walang move si Patrick na kausapin siya?
"Hayaan mo na."
Wala pa ring suporta?
"Wala."
Paano kung mag-offer si Patrick na magbigay ng financial support?






style bulok! lol
comment ko lang yun sa sinabi niya. not going against jen at all. as a matter of fact I like her. It's just, yung irony ng statement niya.
Sana tuloy tuloy na ang magagandang ratings ng Ikaw Sana, napakaganda naman kasi ng story at magagaling ang mga nagsisiganap. Congrats Jen, Mark, Pauleen, Direk Joel at sa lahat ng kasama sa Ikaw Sana. More Power!!!!!
pangitkopangitkarin
sadly, that's the truth. kaso, ang madalas maparusahan naman ay mga maliliit na kriminal. walang makagalaw sa malalaking kriminal kasi marami ang sasabit na nakakatakot banggain. haay..
wiseguy:
yun nga yun mula sa baranggay Captain hanggang sa kataasang position sa gobyerno e puro mga kura...... mabibilang lang natin ang hindi, ikulong na ang magnanakaw..
para silang mga uwak kahit nakatangay na wala pa rin ng wala. tiklo na sabihin pa rin di sila nagnakaw......
wiseguy888
hehe... agree ako sa'yo. kaso pag nangyari 'yon, mass re-election ang kakailanganin hanggang barangay captain position kasi walang matitira halos. :D
nangnguna na ang Ikaw SAna..