Patuloy ang pag-iinit ng love team nina Kris Bernal at Aljur Abrenica dahil muli na naman silang pagsasamahin ng GMA-7 sa isang bonggang telefantasya na may working title na The Last Prince.
After ng kanilang successful na Dapat Ka Bang Mahalin? at All My Life, muli masusubukan ang lakas ng tambalang Kris at Aljur. Mahuhusay na mga artista pa ang kinuha para suportahan sila sa bago nilang TV drama. Kabilang rito ay sina Eula Valdez, Emilio Garcia, Chanda Romero, Angelu de Leon, Karen delos Reyes, Chynna Ortaleza, Paolo Ballesteros at marami pang iba. Sa ilalim ito ng direksyon ni Mac Alejandre.
Pang-opening salvo ng GMA-7 for 2010 ang telefantasya na ito, at di lang excited ang dalawa kundi tinitingnan nila itong malaking hamon sa kanilang kakayahan.
"Gagawin pa rin namin ang best namin para hindi kami mapahiya," diin ni Kris.
Sabi naman ni Aljur: "Huhusayan namin ang pagganap namin para marami kaming mapasaya."
DEBUT FILM SANK BY ONDOY. Tinanong namin ang dalawa tungkol sa hindi magandang resulta sa box-office ng unang pagbibida nila sa pelikulang Nandito Ako... Umiibig Sa 'Yo. Nalungkot sila dahil sumabay ang showing ng kanilang pelikula sa aftermath ng bagyong Ondoy, pero tanggap naman daw nila ang nangyari.
"Wrong timing lang talaga kasi kakatapos lang nung matinding bagyo at halos lahat ay sa pagtulong sa mga nabiktima ng bagyo ang hinarap," ani Kris. "Kesa nga naman manood sila ng sine, ang pagtulong ang inuna nila at yung iba ay mas inuna kung paano sila magsisimula ulit sa buhay nila."
Medyo na-depress si Aljur noon dahil alam niyang make or break ang pelikula nila ni Kris. Pero nagpapasalamat siya na hindi nawala ang tiwala sa kanila ng GMA-7.
"Yun naman ang maganda kasi hindi nawala ang trust ng GMA-7 sa amin ni Kris. Magaganda naman ang reviews ng movie namin kaso talagang hindi naging priority ng marami ang manood ng sine that time. Nakakalungkot pero 'yan ang katotohanan.
"Natuwa lang kami ni Kris nang mabigyan kami ng bagong show at kinuha pa kaming endorser ng Bench. Nakabawi na kami roon kasi nangangahulugan na nagtitiwala pa sila sa love team namin kahit hindi kumita ang movie naming dalawa."
TERM OF ENDEARMENT. "Bebs" na ang tawagan ng dalawa sa isa't isa.
"Hindi ko alam ko kung kelan kami nagtawagan ng Bebs. Basta yun na lang ang tawag namin ngayon sa isa't isa. Dati pangalan, ngayon ay Bebs na lang. Nagustuhan namin yung Bebs kasi wala pang nagtatawagan no'n, e. Meron na kasing Baby at Babes, di ba? Kaya parang original na namin ang Bebs," ngiti ni Kris.
Para kay Aljur, senyales na raw iyon na may malalim na silang pagkakaunawaan ni Kris.
"Hindi pa ba obvious?" ngisi pa niya. "Kami naman ni Bebs, ayaw naming ma-disappoint ang mga sumusuporta sa love team namin. Kaya pinapakita namin na seryoso rin kami at kung ano ang gusto nilang mangyari sa amin, e mangyayari iyon. Basta kami ni Bebs, bukod sa nagtutulungan, nagmamahalan talaga kami."






AHEHE...
toToO YuN.. pRomIsE..
bkit ang dami daming gimik nitong dalawang to??? di na sila nkakatuwa.
archeryrich
November 9, 2009
11:51 AM
Feeling Dingdong at Marian naman ito. Naku,wag kayong magfeeling. Nung naririnig ko nga yung interview nila sa Startalk,bwisit na bwisit ako. Ito na yata ang labtem na may hawak ng record na pinakacorny na labtem ever.
===============
korek tinalo pa nga ang Love Team ni Madam Auring at Archie sa mga Korning Gimik ng dalawang i2....
They are like spencer pratt amp; heidi montag!!!!
huwAG IDAMAY ang kimerald dito...ka cheapan ang issue na to...purihin nyu na lng nang todong-todo tong dalawang to...pero huwag idamay ang kimerald..la clang kinalaman dito...kalurkey tong issue na to..
magkaroon muna cla ng kahit isang commercial man lng...kasi nakakahiya sa kimerald na sangkatutak ang TVC's.
huwag na mag react ang iba dyan, kasi may basihan ang sinasabi ko at yan ang totoo...gud day.
hala kah....n_n
patawa kaba?! eh kamusta naman tong dlawang toh? na Th sumikat! LoL x.x