Credited for masterminding some of the biggest surprises at the Tribal Council, chef and restaurant owner Mika Batchelor's journey in Survivor Philippines: Palau ended nang i-vote off siya kahapon sa reality show ng GMA-7.
Sa kanyang pagkakatanggal, apat na lang ang natitirang castaways na maglalaban-laban para sa tatlong milyong pisong cash prize at sa titulong Pinoy Sole Survivor. Ang apat na natitira ay sina Amanda Colley Van Cooll, Justine Ferrer, Charles de Vera Fernandez, at Jef Gaitan.
Hindi man naging emosyunal ang Tribal Council ngayon kumpara noong natanggal si Shaun Rodriguez, nagkaroon naman ng samaan ng loob sa pagitan nina Mika, Amanda at Jef, na parehong nanggaling sa original Airai tribe. Inaasahan kasi nina Mika at Amanda na hanggang sa dulo ay magsasama-sama silang tatlo, pero nag-iba ng direksiyon si Jef.
Pakiramdam naman ni Jef ay "outsider" siya sa samahan nilang tatlo. Nang tanungin ng host na si Paolo Bediones ang mga castaway sa isang Tribal Council kung sino ang gusto nilang makasama sa Final 2, ang isinagot nina Mika at Amanda ay ang isa't isa. Dito na nabuo sa isip ni Jef na wala siyang pag-asang manalo kapag nagpatuloy ang pakikipag-alyansa niya sa mga dati niyang kasamahan sa Airai.
Dito na rin nabuo ang alyansa ni Jef at ng mga dating taga-Koror na sina Justine at Charles, na naging dahilan ng pagkaka-vote off nina Shaun at Mika.
AMANDA RULES! Ipinakita naman ni Amanda ang kanyang tunay na lakas nang magwagi siya sa back-to-back Reward at Immunity challenges.
Sa Reward challenge ay nakapiling niya ang kanyang pinsan sa isang five-star resort sa Palau, kung saan nakasama rin nila si Mika at ang British father nito. Si Mika ang pinili ni Amanda nang sabihin sa kanya ni Paolo na maaari siyang magsama ng isa niyang tribemate para makapiling din ang mahal nito sa buhay.
Dahil dito ay muli na namang sumama ang loob ni Jef kay Amanda dahil hindi siya ang pinili nito na makasama sa Reward.
Sa Immunity challenge naman ay sina Amanda at Mika lang ang halos naglaban, ngunit sa bandang huli ay nanaig nga si Amanda. Pero mas malaki sana ang tsansa ni Mika na manalo kung hindi niya tinulungan si Jef, na muntik nang malunod sa challenge.
Nang makabalik sila sa camp ay kinausap nina Mika at Amanda si Jef upang kumbinsihin ito na mag-stick sa original alliance nila. Pero inamin ni Jef sa kanila na hindi pa siya sigurado sa kanyang magiging desisyon. Dito na siya sinumbatan nina Mika at Amanda na tinalikuran niya ang kanilang samahan at usapan, na nagpaiyak kay Jef.
Sa kanyang solo interview, sinabi ni Mika na kung meron mang hindi deserving na manalo sa Survivor Philippines, yun ay walang iba kundi si Jef. Wala raw naman kasi itong ginawa o napatunayan para manalo sa laro.
"Para sa akin, it's unacceptable. It's like, 'Ang kapal ng mukha mo!' And at no point do I think that you're deserving at all," sabi ni Mika.
Bago ang Tribal Council ay inamin na ni Amanda kay Jef na siya ang iboboto niya. Sinabi rin niya kay Jef na masama ang loob niya dahil sa pagtalikod nito sa usapan nila.
MIKA ACCEPTS HER FATE. Bagamat disappointed, tinanggap naman nang maluwag ni Mika ang kanyang pagkaka-vote off.
"Medyo nadi-disappoint ako... Overall, ginawa ko lahat para makarating sa point na 'to. Ipinakita ko sa sarili ko na kaya kong mag-survive. After 37 days, I'm okay... Good luck na lang sa inyo [castaways]. Amanda, ipakita mo ang lahat ng kaya mo," pahayag ni Mika sa kanyang exit interview.






Mejo nabastusan aq sa reaction ni Echo en Tara when Mika was eliminated.They just proved na tama lng ma-eliminate cla dahil sa mga ugali nila.Kung nsa game pa din cla,Im sure gnwa rin nila lahat 2 stay in d game kya wag cla mag-inarte.Sa totoo lng,khit malins na c Echo en Tara,muka pa rin silang napulot kung saan,lalo na yan Tara na yan,mukang lalake.
Basta aq kay Justine,pnka-deserving xa bcoz xa nman tlga may pnka-mrmi hirap sa game.
chaka ang reaction ni TAra!
nanalo din si mika at shaun sa saluhan ng bola, tgakuha nga lang ng bola si jef sa basket si shaun, ganun lang ang effor ng idol mong si JEF wa kwenta ni hindi mkausad ng balsa.. ni hindi kaya lumangoy kelangan pa iligtas ni marvin at mika
nanalo si mika dun sa auction diba sya nga pinaka mdami pera, kaya nakautang si charles sa kanya, at sya namili kung san reward ssama kung coffeewd president or camp,
at mas malaki po ang utang na loob ni mika kay charles remmeber kung tumupad lang si charles sa usapan nila ni Tara before baka dun palang before ng merge eliminated na si Mika