Dingdong Dantes (right) passes the StarStruck baton to Dennis Trillo (left) as he takes over the reins of Family Feud from Richard Gomez (center), who will be leaving the game show as soon as campaign season for the 2010 elections gets underway. Richard is running for congressman of Ormoc City.

 

Photo: Noel Orsal

Sa GMA-7 Startalk kahapon, November 7, kinumpirma nang hindi na si Dingdong Dantes ang magiging host ng StarStruck nitong Season 5.

Instead,  Dingdong will replace Richard Gomez as host of Family Feud, once kinakailangan na ng huli na mag-withdraw sa telebisyon pagdating ng campaign season para sa 2010 elections. Tatakbo si Richard bilang congressman ng Ormoc City.

Si Dingdong ang napisil ng Kapuso network na humalili kay Richard dahil napatunayan na nito ang kanyang kakayahan bilang host.

Sa puntong yun, after hosting the primer of StarStruck, ipapasa na ni Dingdong ang kanyang hosting task sa isa pang Kapuso star na si Dennis Trillo.

Kinumpirma rin ni Dennis sa Startalk ang pagiging bagong host niya ng reality artista search ng GMA-7.  Aniya, "Opo, nag-pictorial na ako for StarStruck. May plug shoot po kaming kinunan kahapon."

Makakasama ni Dennis sa show sina Raymond Gutierrez at  Carla Abellana.