Parehong visible sa Kapuso network ang dating magkarelasyon na sina Patrick Garcia at Jennylyn Mercado, pero kahit papano ay hindi pa rin sila nagkukrus ng landas. Hindi pa sila nagkakausap at nagkikita simula nang magkaroon ng malaking hidwaan sa pagitan nila, at kahit halos isang taon na ang anak nilang si Alex Jazz or AJ, hindi pa rin ito nasisilayan ni Patrick.
Patuloy lang ang takbo ng buhay ng dalawa na busy sa kani-kanyang career.
Si Jennylyn ay featured sa cover ng FHM magazine ngayong November habang si Patrick naman ay kasama sa bagong series ng GMA-7 na Fullhaus.
Ayon kay Jennylyn, iisa lang daw ang mensahe niya sa pagpo-pose nang sexy sa FHM: "Kahit na mommy ka na, hindi naman ibig sabihin na papabayaan mo na ang katawan mo. Kailangan, di ba, palagi kang fresh, palagi kang maganda, maganda ang skin, yung katawan mo slim. O kahit hindi masyadong payat, kailangan fit ka, di ba?"
Loveless raw si Jennylyn, pero wala raw masama kung mag-date man siya. "Single naman ako. Open ako. Pero, wala pa naman."
CHILD'S LAST NAME. Bukod sa trabaho, priority raw ni Jennylyn ang pag-aasikaso kay Alex Jazz. Pero handa na ba siyang ipakilala ang anak sa ama?
"Darating din naman ang time na yun, pero, ayoko nang isipin. Pinaghahandaan ko naman yun."
Napag-isipan na raw niya na mas gusto niyang ipagamit sa anak ang apelyido ng kung sinumang lalaking pakakasalan niya at hindi ang "Garcia."
"I'm sure darating din yung time na maghahanap si AJ ng father figure. Sasabihin ko ang totoo. Walang reason para magsinungaling."
What if makasalubong nilang mag-ina si Patrick?
"Ano, I'll say... 'Anak, say hi na lang,'" at saka tumawa siya.
PATRICK REMAINS OPTIMISTIC. Positive naman si Patrick na isang araw, makikita rin niya nang personal ang anak.
"I'm optimistic that one day, mari-realize niya na it's not about both of us anymore, it's about our son. I may have failed so many things in my life, pero, in being a father, at least, give me a chance to be a father."
May binili raw siyang birthday gift para sa anak.
"Actually, meron ako sa bahay for him. Pero I'll just give it na lang once na maging okey na. Siguro isipin na lang niya ang anak namin na one day, baka makilala ko rin."






Hanap ka ng ibang GIMIK not at the expense of yoru son.
May level ba ang pagmamahal ni God?...wala ata...ang alam ko kasi mahal Nya tayo to the extreme na. Siguro it was more of, matutuwa sayo si God? Preacher ka ba? Parang di ata bagay sa isang showbiz/entertainment site yung advices mo...
Tsaka wala sa pagpopose s isang men's magazine ang pagharap sa babae sa altar. Para namang sinasabi mo na ang mga babaeng karapat dapat lang na iharap sa altar eh yung mga di nagpopose sa men's magazine...wag ganun!...hehehehe
u dont deserve to be a dad!