Hindi ma-explain ng Survivor Philippines: Palau castaway na si Justine Ferrer ang kanyang nararamdaman dahil malapit nang matapos ang naturang reality show ng GMA-7.
Isa si Justine sa apat na natitirang castaways na maglalaban-laban para sa three-million cash prize at sa titulong Pinoy Sole Survivor. Ang tatlo pang castaways na natitira ay sina Amanda Colley Van Cooll, Jef Gaitan, at Charles de Vera Fernandez.
Inamin ng pamosong transsexual na nalulungkot siya dahil tuwing napapanood niya ang mga pinagdaanan nilang hirap sa show, hindi niya mapigilang maiyak dahil kinaya nilang lahat ang mga matitinding pagsubok sa nagdaang mahigit isang buwan. Lalo na nga raw siya dahil nasubukan niyang tumirang mag-isa sa Isla Purgatoryo ng ilang linggo, kung saan ang tanging nakasama niya ay ang asong si Jumbo.
"Sa totoo lang, mas nami-miss ko si Jumbo!" tawa ni Justine nang makapanayam siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa dressing room ng Showbiz Central last Sunday, November 8. "Kasi noong mag-isa lang talaga ako sa Isla Purgatoryo, na pugad ng mga ahas, ng kung anu-anong mga hayop na hindi ko maintindihan kung ano sila, si Jumbo lang ang naging companion ko doon.
"Masasabi ko nga si Jumbo yung naging source of strength ko sa lugar na 'yon. Kung wala siguro siya, nag-give up na ako. Mahirap na ikaw lang ang nandoon. Minsan nga kinausap ko si Jumbo. Sinabi ko na kapag itong aso na ito ay bigla akong sinagot, it means na baliw na ako talaga! Sobra ang trauma ko sa lugar na 'yon."
Gusto raw sanang hingin ni Justine si Jumbo, pero ayaw raw ng may-ari nito na Pinoy rin.
"Gusto ko sana, kaso ayaw yatang ipaampon ng may-ari. Mabait kasi si Jumbo at turuan. Kaya pag-uwi namin ng Pilipinas after manggaling sa Palau, bumili kami ng aso at pinangalanan kong Jumbee kasi girl ang nabili naming aso. Hindi ko man naampon si Jumbo, may Jumbee naman ako," lahad niya.
THE CREATURES IN ISLA PURGATORYO. Ikinuwento rin ni Justine sa PEP na nagugulat daw siya noon dahil may mga gumagapang sa katawan niya habang natutulog siya. Minsan ay nakakakita raw siya ng mga mapanganib na hayop.
"Sobrang dilim sa isla na 'yon, as in pitch black talaga. Kahit may bonfire ka, hindi kaya dahil sa sobrang dilim. Kaya ako, natutulog ako kapag lumalabas na ang araw, e. Hindi ako makatulog sa sobrang dilim kasi may kung anu-anong pumapasok sa tinirhan kong kubo.
"One time, tulog ako tapos biglang may naramdaman akong gumagapang sa katawan ko. Malaking daga pala 'yon! Talagang hindi ako makakilos. Hindi ako kumibo hangga't hindi siya nakakaalis sa katawan ko. Kasi baka bigla akong kagatin, di ba?
"Isang gabi naman na sobrang lakas ng ulan, may nakita akong malaking crab na dumaan sa labas ng kubo ko. So, hinabol ko kasi pagkain ko siya the next day. Noong mahuli ko, tamang-tama dumating ang cameraman. Bigla akong sinabihan na, 'Justine, sa likod mo!' Noong tumingin ako sa likod, ang laki ng sawa! As in sobrang laking sawa na nakaangat ang ulo kasi umiinom yata ng tubig o kung ano ang ginagawa niya, basta nakaangat ang ulo niya. Napa-'Diyos ko!' ako talaga dahil kung hindi dumating ang cameraman at hindi niya nakita yung napakalaking sawa na 'yon, baka natapilok ako sa sawa at nilapa na niya ako."
Pero kahit nga raw sobra-sobrang hirap ang naranasan ni Justine sa isla na 'yon, nais pa rin niya itong balikan kasama ang ilang mga kaibigan para ipagmalaki na kinaya niyang mabuhay nang mag-isa doon.
"Hindi nga ba't ginawa na nila akong reyna doon?" tawa niya. "Gusto ko lang siyang balikan with my friends para ipagmalaki ko na I survived that island. Kahit na marami akong naranasan na never pang naranasan ng mga kaibigan ko, magiging parte ng buhay ko ang isla na 'yon."
HEALING PROCESS. In the healing process pa rin daw si Justine—physically and mentally. Though magagaling na raw ang mga sugat na natamo niya sa kanyang mga pambihirang challenges sa isla, yung kanyang mental balance ang nangangailangan ng konti pang panahon na gumaling.
"Pinatingin naman kaming lahat sa isang psychiatrist at normal lang daw na may mga maranasan kaming kakaiba sa katawan at isipan namin, especially nga't nasanay kami na tumira sa isla.






Ay nko Justine.Im really disappointed wd u bakla,kala q pa nman mabait ka,ur behavior last nyt was foul,u even mentioned Amanda's family,wla nman cla sa game bkit pati pamilya nya gus2 mu pa isali.Ikaw ba gus2 mo pati magulang mo gamitin sa ganong kalokohan..Justine,u dont make pipol swear lyk as if the world is going 2 end if they tell u lies..sna napanood mo sarili mu kgbi Justine,muka kang nasapian.
Kasi as what I've said kahit makasama ka sa top 3 hinding hindi ka na pipiliin ng jury kung alam nilang may condo unit ka na ano ka sinuswerte? lol
Lagi cnasabi ni Justine na she never convinced Jef en Charles to connive wd her,that Jef en Charles are both free 2 choose who they want 2 save,pro last nyt Justine's eyes were fiery upon finding out that Jef en Charles are actually talking abt other options wd Amanda..so wheres the freedom there Justine? If Amanda is tryng 2 convnce dem,why can u just let it be? Di lng nman ikaw Justine ang may karapatan mang-gapang ng boto..kahit ba given na c Amanda na yun ivo-vote out nyo,shes still part of the game hangang ksma nyo pa xa sa isla,she still has the right 2 play the game and save hersel
ewan ko ba kay charles bat gusto pa nya ng 3m eh may nakuha na syang condo na worth 2m bat di pa nya sabihin sa tatlo na siya nalang i vote out kasi kahit anong angulo mo tingnan pag pinili nya yung condo unit hinding hindi sya pipiliin ng mga jury kasi kung ako yung jury kahit sya bet ko hindi ko na bibigay sa kanya yung title eh may condo unit na sya eh ang swerte naman nya
ikaw ba naman kaya mo ba ipaputol yun sayo at palitan ng gaya kay eba kung di sukdulan ang tapang mo...high maintenance pati sya at kelangan nya pati ng pang sustento sa mga boypren nya kya mkikipagpatayan tlga sa 3M.
Kapal naman ng mukha ni Amanda na sabihing demonnyo mga kasama niya eh siya nga yung sinungaling.
tama lang na tinalakan sya ni justine, naturingan na babae pero ang dumi mag laro..............
go justine!!!!!!!!!
consistent ang takbo ng utak mo at mga desisyon..............
wala kang hinikayat na umanib syo nag paka totoo ka lang at sinasabi sa kanila ang totoo..........
go justine!!!!!!!!!!!!
ikaw ang sole survivor ng season 2...
justine played the game well..
s/he had been the subtle manipulator all throughout..
s/he deserves to win but s/he has nothing to boast that s/he had been true to all people all throughout because certainly s/he had not been sincere with people around her..
but then, if ur n d game, u r fri to do any last minute move to save yourself..
havent u notice, it was justine ang nagpakita ng totoong kulay dahil sa pagka desperada..
in fairness to jef, at least she had been a true person though gullible... though, its a pity if she would be the sole survivor..
as for charles, i dont know with you..
you had been the confusion all throughout..
he was the one who promised amanda.. thats all..
are you listening to the conversation well..
amanda never talked to charles and jef aand used her family..
omg..