"Nirerespeto ko naman ang opinion ng tao, so wala lang 'yan, tinatawanan ko lang 'yan. There's really no point in sulking or feeling bad when issues come out about you. Sayang ang oras para malungkot at magtimpi," says Carla Abellana.

Photo: Noel Orsal

"Ano bang mga intriga?" nakangiting tanong ni Carla Abellana sa PEP (Philippine Entertainment Portal) nang tanungin namin siya tungkol sa intrigang nagtataray na raw siya ngayon sa set ng primetime soap nilang Rosalinda.

"Hindi po totoo yun. Tanungin n'yo ang aking mga co-stars. Hindi ko po alam kung bakit may ganun. Yung isyu na lumabas na nagsusulat daw ako na 'bawal maingay, bawal gumamit ng laptop,' ako, gumagamit ako ng laptop sa taping. So, bakit ko naman sasabihan ang mga tao na huwag gumamit ng laptop when I use my laptop and go on the Internet and even play music in the middle of the night? Ako, nag-iingay ako. Kuwentuhan lang kami, magkakasama kami kadalasan sa isang standby area," paliwanag ni Carla sa presscon ng SRO Cinemaserye Presents Carinderia Queen kagabi, November 8.

Pero may naisulat nga ba siyang ganun sa standby area nila?

"Meron akong isinulat once, pabiro," pag-amin niya. "Nakasulat dun, 'no noisy people,' may smiley face at saka glitters. Tapos sa baba, 'O, sige, puwede na pala.' Dalawa yun, magkapatong pa yun. Wala yun, joke-joke lang namin yun."

Naiintriga rin ang co-star nila na si Sheryl Cruz, na noong una'y hindi pa pinangalanan, pero kalaunan ay lumabas din na ang aktres daw ang nag-react sa mga isinulat diumano ni Carla. Sabi pa raw ni Sheryl patungkol kina Carla at Geoff Eigenmann, bawal pala ang maingay, pero sila raw ang madalas naghaharutan at nag-iingay.

Ano ang masasabi ni Carla rito?

"Hindi, mabait sa amin si Ms. Sheryl. Walang ganun. Okey kami ni Ms. Sheryl. Wala naman. At saka, wala kaming narinig or anything. Lahat kami makukulit at nag-iingay kami palagi sa dressing room. Lahat kami nagla-laptop, nagpi-play ng music, kanya-kanya. So, wala naman," sabi ni Carla.

FACING INTRIGUES. Nakakatikim na ng mga intriga ngayon si Carla. Pero ayon sa baguhang aktres, it's something na ine-expect niya na mangyayari simula nang mag-join siya sa showbiz.

"Wala, e, okey lang. Kahit noong una pa lang akong mag-showbiz at mag-decide, alam ko na magkakaroon ng ganyan. Kahit na ano ang gawin mo, people will always come up with stories. People will always say something kasi everybody is entitled to his or her own opinion.

"Okey lang din kasi nirerespeto ko naman ang opinion ng tao, so wala lang 'yan, tinatawanan ko lang 'yan. There's really no point in sulking or feeling bad when issues come out about you. Sayang ang oras para malungkot at magtimpi," saad niya.

In fairness to Carla, sa lahat ng mga isyu o intrigang tinanong namin sa kanya, kaswal at maayos niyang sinagot ang lahat. Kahit yung naging usap-usapan sa nakaraang Bench fashion show kung saan hindi ganun kainit ang pagtanggap sa kanya ng mga tao.

How does she feel about it?

"Ay, talaga?" nakangiti niyang sabi. "Actually, nagulat nga ako noong lumabas ako at pumalakpak ang mga tao nang makita nila 'ko. I saw a lot of familiar faces and they were clapping for me. So, super exciting for me. Okey lang kahit hindi kasing-lakas para sa akin. As a Bench endorser, first time kong magrampa na kasama ang mga malalaking artista na yun. Ay, my goodness, ang sarap ng feeling!"

Natawa lang naman si Carla nang hingan namin siya ng reaction sa puna ng iba na sana raw ay hindi na lang siya nag-short shorts para hindi nakita ang malaki niyang legs.

"Wala akong magagawa, hindi ako perfect!" natatawa niyang sabi. "So, okey lang, okey lang. Ano ba naman ang ide-deny ko, di ba? And like I've said, people will always have their opinion, so okey lang. Ako naman, okey lang sa akin kahit anong ipasuot n'yo. Hindi naman ako mareklamo sa kailangan kong gawin or kailangan kong isuot or kailangan kong sabihin."