Dahil na rin sa kasikatan ngayon ng ina ni boxing champ Manny Pacquiao na si Nanay Dionisia ay nag-level up na rin ang mga intriga sa kanya. Matapang naman niyang hinarap sa kanyang live guesting sa The Buzz last Sunday, November 8, ang mga matitinding tanong ng co-host na si Kris Aquino sa "Tough Ten" segment ng show.
Tough Ten Question No. 10: Kung bata pa po kayo at this moment, let's say you're in your thirties, sino po sa apat na ito sa palagay ninyo ang bagay sa inyo—Piolo Pascual, Jericho Rosales, Sam Milby or John Lloyd Cruz?
"Lahat sila idol ko kasi parang kapatid... Kung bata ako, talagang parang kapatid ko lang sila," mahiyaing sagot ni Nanay Dionisia.
Pero pinilit pa rin siya ni Kris na pumili ng isa na talagang pinakagusto niya.
"Sinalita ko na kung may pelikula pang iba, gusto ko siya naman ang maging kasama ko, si Piolo Pascual," sagot ni Nanay Dionisia, na ikinatili ng mga tao sa studio ng The Buzz.
Ibinuking naman ni Kris na nagbago na nang gusto si Nanay Dionisia dahil two days ago ay si Jericho ang gusto niya, pero that day ay si Piolo na nga.
Tough Ten Question No. 9: Gaano na po kayo kayaman: A. Tamang yaman or B. Super-megaduper yaman?
"Tamang-tama lang ang yaman," pa-humble na wika ni Nanay Dionisia.
Pina-explain naman ni Kris kay Nanay Dionisia ang sagot niya.
"Bilang simple lang na hindi naman sobrang mayabang na yaman. Tamang-tama lang."
Nag-follow up question naman si Kris kung totoo bang niregaluhan daw siya ni Manny ng bahay sa Dasmariñas Village o sa Forbes Park?
"Hindi naman, sa GenSan [General Santos City], may ipinagawang bago. Dito, hindi naman ako nagsagot sa kanya. Sabi ko sa GenSan lang ako. Dito parang bisita lang ako kasi, marami nang bahay si Manny dito, marami nang nabili."
Tough Ten Question No. 8: Kumanta po kayo noong isang araw ng isang song ni Imelda Papin. Kung meron po kayong kanta para sa mga fans, ano po ito?
"Kasi mahilig ako na... may favorite ako na song kay Imelda Papin pero hindi ko pa [siya] nakita sa personal."
Dito nag-segue si Kris sa pag-introduce ng VTR ni Imelda Papin, na kasalukuyang nasa U.S., para kay Nanay Dionisia. Sa VTR ay nagpapasalamat si Imelda na siya ang idolo ni Nanay Dionisia at sinabi pang magkita raw sila pagpunta ng States ni Nanay Dionisia.






QuickHits
November 11, 2009
03:13 AM
Hoy ANGAT alam ko, hindi ako Angat na KATULAD MO, na banned ako dun sa timelessmusic eh kaya dinagdagan ko na lang ng S. Eh bakit yung Quickhits mo one word lang instead of two words, pero hindi ko sya pinupuna dahil naintindihan ko kung bakit one word lang sya dahil hindi ako slow na katulad mo, kase di ako angat na tulad mo,,ANGAT!
It shows tuloy na ang badoy or crude ang dating.
walang plural form ang music.
go mommy dion! maganda ka sa aking paningin, promise! dahil ang nakikita ko ay ang iyong kabutihang loob!
Peace y'all!!
kakaaliw
nakaka alis sya ng stress
so cute
Goodluck sa movie mommy dionne
goodluck din ka manny