Christian Bautista wants to focus on his international career next year


 
"I just laughed about it because it reminds to always do my best also after. At saka, it reminds me na kapag naiisip ko ang position ko ngayon, kahit anong mistakes, puwede kang makaangat dun, puwede kang makabalik at mag-turn around. Huwag mong hayaang mag-stuck lang dun. Yes, nasa record mo na yun, pero puwede mong matabunan yun sa dami ng extra success na puwede mong gawin after that," says Christian Bautista two years after his National Anthem booboo.

Christian Bautista wants to focus on his international career next year

Rose Garcia

Rating

"Alam mo, na-pressure talaga ako noong sinabi sa akin. Pero mas na-excite ako noong sinabi sa akin ang idea. That's a great idea because I love Jose Mari Chan's songs and I always dreamed of singing it before, especially in Jakarta kasi naririnig ko pa ang Jose Mari Chan [songs] dun hanggang ngayon sa radio. Tapos, ang isip ko pa ngayon, palaging international.

 

"Next year, gusto kong mag-focus sa international. Para something different naman. And somehow ma-recognize ang Philippines ulit na we are a talented nation. We are a great nation. We are a kind nation. Although, there are some unkind people!" natawa niyang sabi. 

 

"Pero, alam mo yun," patuloy niya, "ang tingin nila sa Pilipinas ngayon ang gulo-gulo, lots of tragedy. So, it's time to tell the world na kaya pa natin, we're still okay."

 

LIFE AFTER ANTHEM BLUNDER. More than two years ago—September 16, 2007—kinanta si Christian ang Philippine National Anthem sa boxing match nina Gerry Peñalosa at Concepcion Bernabe. Umani ng sangkatutak na batikos si Christian pagkatapos niyang magkamali sa pag-wit ng "Lupang Hinirang."

 

Sa tingin ba ni Christian ay nakaapekto ito sa pag-slow down ng kanyang career?

 

"Oh, yeah," sagot niya. "It's a bad mistake. Sales were down. Nobody  wanted to hire me kasi, parang... E, some people or a lot of people, mas gusto nilang tirahin ang tao kesa sa iangat. Mas palalakihin pa nila [ang pagkakamali] kesa sa iangat ka.

 

"E, ang challenge dun, una, lahat nagkakamali. Siguro, yung iba lang, hindi masyadong publicized kasi hindi sila nasa limelight. Pero ang challenge, ano ang gagawin mo? Magtatago ka na lang ba sa States? Di ba, yung iba pag nagkamali, punta na lang sa States? Ako, patuloy lang. After a few months, may concert ako, Christian Inspired sa Cuneta [Astrodome], marami namang tao.

 

"So, dyino-joke ko na lang yun. Bawat guesting ko na may National Anthem, sinasabi ko, 'Gusto n'yo ako ang kumanta? Sorry, late ako, e.' I just laughed about it because it reminds to always do my best also after. At saka, it reminds me na kapag naiisip ko ang position ko ngayon, kahit anong mistakes, puwede kang makaangat dun, puwede kang makabalik at mag-turn around. Huwag mong hayaang mag-stuck lang dun. Yes, nasa record mo na yun, pero puwede mong matabunan yun sa dami ng extra success na puwede mong gawin after that."

 

Sa success na tinatamasa niya with his new album, aniya, "Puwede na nating sabihin natabunan na yun and I hope marami pa ring mangyayari.  And in a way, nakanta ko na rin ang National Anthem sa opening ng NCAA."

 

ZERO LOVELIFE. Cliché man daw, pero parang nagpi-fit kay Christian ang kasabihan sa showbiz na "bongga ang career, pero zero ang lovelife."

 

Pareho na ulit silang single and available ng kanyang ex-girlfriend na si Rachelle Ann Go, who recently broke up with dancer Gab Valenciano. Kumusta na sila ni Rachelle?

 

"Friends naman kami," sagot ni Christian. "Hindi naman nawala yung friendship. Of course, it will not be as close definitely as before. Ngayon lang, e, she's going through another breakup. Pero sabi ko naman sa ilang interview, I'll be praying for both of them. It's sad, it's sad na nagka-break sila."

 

Nagkausap na ba sila personally?

 

"Sa ASAP lang, parang we were in a group. Tapos, parang may nagsabi na, 'Rachelle, okay ka lang?' And she said, she's okay naman daw. And I believe naman na in a relationship, it's good to still be the best with that person kasi you will continually see that person, whoever that person is. So, I'll just gonna pray for her and Gab as well."

 

If ever, posible kayang magkabalikan sila ni Rachelle?

 

"I'm enjoying my single life right now. Tiningnan ko ang schedules ko, punong-puno. Totoo pala yung there's no time. Pero kung ma-meet ko ang girl, I will make time for her, definitely. Pero sa ngayon, wala pa dun ang focus.

 

"Ayoko rin namang sabihin na wala nang chance kasi si God lang ang makakaalam, who knows the future. Right now, right at this moment, hindi na muna kasi you have to balance this thing. Unfair din naman sa girl kung hindi ko siya makikita madalas," paliwanag niya.

 

Hindi raw advisable sa kanya ang magkaroon ng lovelife sa gitna ng career niya.

 

"Hindi, siguro hindi lang ako marunong before kung paano i-juggle ang career and any other things. So, ngayon, feeling ko, mas wise na naman ako. And I will need a really, really understanding girl. Pero right now, I enjoy my life. I can go out with anybody at wala kang iisipin muna. Okey rin, e," nakangiti niyang sabi.

 


Join us on Facebook


Pages: « Prev  1  2  

Related Articles
1 2

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just key in PEP ON and send to 4627. Available to all Sun, Globe, and Smart subscribers.



Bookmark and Share
Email this link
32 Comments
Follow us on Facebook Follow us on 4ter Subscribe on RSS Subscribe to Newsletter



Advertisement