Dito sa Pilipinas, ang ka-duet ni Christian sa "Please Be Careful With My Heart" ay si Sarah Geronimo. Ang original na kumanta nito, siyempre, ay sina Jose Mari Chan at Regine Velasquez.
Ayon kay Christian, hindi naman bawal ang mangarap kaya ang dream daw niya talaga ay maabot ng bagong album niya ang Diamond Record award.
"Sana mag-Diamond!" tawa niya. "Ang platinum kasi, sampung platinum, so medyo matagal-tagal pa. Pero gusto ko yun. With Jose Mari Chan before, yung Christmas In Our Hearts na album niya, it has reached Double Diamond Record at yung Constant Change, yun ang Diamond. Wala pang piracy yun.
"At ang Platinum noong araw, nasa 100 thousand yata. Ngayon, 20,000. Binabaan ng PARI because of piracy. Kung ang status pa rin, e, 100,000, walang makakaabot. So, talagang more than a million albums ang naibenta ni Jose Mari Chan."
So, malaking bagay na kahit meron nang kopya ang maraming Pinoy ng album ni Jose Mari, heto't tinatangkilik pa rin ang revival album ni Christian.
"Alam mo, na-pressure talaga ako noong sinabi sa akin. Pero mas na-excite ako noong sinabi sa akin ang idea. That's a great idea because I love Jose Mari Chan's songs and I always dreamed of singing it before, especially in Jakarta kasi naririnig ko pa ang Jose Mari Chan [songs] dun hanggang ngayon sa radio. Tapos, ang isip ko pa ngayon, palaging international.
"Next year, gusto kong mag-focus sa international. Para something different naman. And somehow ma-recognize ang Philippines ulit na we are a talented nation. We are a great nation. We are a kind nation. Although, there are some unkind people!" natawa niyang sabi.
"Pero, alam mo yun," patuloy niya, "ang tingin nila sa Pilipinas ngayon ang gulo-gulo, lots of tragedy. So, it's time to tell the world na kaya pa natin, we're still okay."
LIFE AFTER ANTHEM BLUNDER. More than two years ago—September 16, 2007—kinanta si Christian ang Philippine National Anthem sa boxing match nina Gerry Peñalosa at Concepcion Bernabe. Umani ng sangkatutak na batikos si Christian pagkatapos niyang magkamali sa pag-wit ng "Lupang Hinirang."
Sa tingin ba ni Christian ay nakaapekto ito sa pag-slow down ng kanyang career?
"Oh, yeah," sagot niya. "It's a bad mistake. Sales were down. Nobody wanted to hire me kasi, parang... E, some people or a lot of people, mas gusto nilang tirahin ang tao kesa sa iangat. Mas palalakihin pa nila [ang pagkakamali] kesa sa iangat ka.
"E, ang challenge dun, una, lahat nagkakamali. Siguro, yung iba lang, hindi masyadong publicized kasi hindi sila nasa limelight. Pero ang challenge, ano ang gagawin mo? Magtatago ka na lang ba sa States? Di ba, yung iba pag nagkamali, punta na lang sa States? Ako, patuloy lang. After a few months, may concert ako, Christian Inspired sa Cuneta [Astrodome], marami namang tao.
"So, dyino-joke ko na lang yun. Bawat guesting ko na may National Anthem, sinasabi ko, 'Gusto n'yo ako ang kumanta? Sorry, late ako, e.' I just laughed about it because it reminds to always do my best also after. At saka, it reminds me na kapag naiisip ko ang position ko ngayon, kahit anong mistakes, puwede kang makaangat dun, puwede kang makabalik at mag-turn around. Huwag mong hayaang mag-stuck lang dun. Yes, nasa record mo na yun, pero puwede mong matabunan yun sa dami ng extra success na puwede mong gawin after that."
Sa success na tinatamasa niya with his new album, aniya, "Puwede na nating sabihin natabunan na yun and I hope marami pa ring mangyayari. And in a way, nakanta ko na rin ang National Anthem sa opening ng NCAA."
ZERO LOVELIFE. Cliché man daw, pero parang nagpi-fit kay Christian ang kasabihan sa showbiz na "bongga ang career, pero zero ang lovelife."






wag lang kalimutan ang karir d2 sa pinas....
baka sa sobrang focus sa international karir kalimutan ang pinas makalimutan ka din ng tao....
Congrats Christian for ruining the song...Bigla ko lipat TV nung kinanta nila ni Sarah sa ASAP...Buti pa Tell Me Your Name medyo maganda...
Like ko talaga siya, super humble pa din. Palangiti at very friendly sa mga fans.
More blessings sa career!
I really like your latest song right now..
just keep your feet on the ground! Godbless...
ang gwapo nia!!!!at super ganda ng voice!!!!!!!!!!!
buti ka nga kahit isang aspect ng life mo may successful.. samantalang aq, flop na ang career, flop pa din ang lovelife! haayy...
goodluck sa career
truly worldclass KAPAMILYA
cheers