Masayang-masaya si Rhian Ramos dahil patuloy sa pagtaas ang ratings ng pinagbibidahan niyang soap sa GMA-7 with Dingdong Dantes na Stairway To Heaven. Base sa recent Mega Manila ratings ay lumalapit na ang ratings ng Stairway To Heaven sa current leader na Darna, na mula rin sa Kapuso network.
Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Rhian sa taping ng Stairway To Heaven sa Malolos, Bulacan kahapon, November 11.
"Happy na happy, siyempre!" bulalas niya. "Kasi parang sayang naman yung napakagandang love story kung hindi siya natanggap or napansin for any reason. Ang saya lang namin ngayon na hindi nasayang yung efforts namin para gumawa ng magandang show. Kasi hindi rin naman madaling gawin itong show na ito. Napaka-emotionally tiring nitong show na ito."
Sa tingin niya ba yung magandang ratings ng soap nila ay patunay na natanggap na ng mga manonood ang tambalan nila ni Dingdong as Jodi at Cholo?
"Ako naman, from the start, hindi ako masyadong nag-worry about kung bagay ba kami, yung ganun. Kasi hindi naman talaga kami love team, partners lang kami sa show na ito. I think yung chemistry kasi ay isang bagay na you can work on, e. And we're really working on it. Kasi, siyempre, ngayon ko lang siya nakatrabaho and hindi naman puwedeng close kami agad.
"And then, sa success na nakukuha namin, parang nabibigay ko yung credit sa story dahil napakaganda naman talaga nung kuwento. Mahirap i-ignore yung ganun kagandang kuwento, e. Napanood ko yung original version and talagang direkta sa puso ang tama. Also, ang ganda ng treatment na ginawa nila for this version. Hindi namin totally ginaya yung original. Iba yung Jodi nila, iba yung Cholo nila," saad ng 19-year-old actress.
Ang Stairway To Heaven ay base sa isang Koreanovela na tinampukan ng Korean superstars na sina Choi Ji Woo at Kwon Sang Woo. Ipinalabas ang original version sa GMA-7 din.
Ano naman ang comment niya sa pag-link sa kanila ni Dingdong?
"Sa totoo lang, I was thinking na one of these days it's bound to happen," pag-amin ni Rhian. "Yung sa start pa lang, sabi ko, kahit anong mangyari mali-link kami in some way or may lalabas tungkol sa amin. Kasi sa totoo lang, nakakita na ba kayo ng mag-partners na hindi tsinismis kahit konti? And then, nandiyan pa yung kissing scenes.
"Siyempre, naiintindihan ko na rin yung logic na tingnan niyo na rin kung gaano ka-intense yung mga ginagawa namin para sa eksena. Parang it's hard to imagine na wala talaga. Kasi pag nakita mo yung eksena, sobrang intense yung love nila—ni Jodi at ni Cholo. So, parang mahirap intindihin na sa totoong buhay ay wala naman talaga. Parang mahirap siguro para sa ibang tao yung seriously hinahalikan mo ng ganyan, tapos pagkatapos ng take, wala lang. Kaya siguro may mga lumalabas. Kaya kailangan kaming lagyan ng kuwento or something."
WILLING TO WORK WITH DINGDONG & MARIAN. Sa isang interview ng rumored girlfriend ni Dingdong na si Marian Rivera, wala naman daw reason para magselos siya kay Rhian. Ano ang reaksiyon dito ni Rhian?
"Oo, wala naman talaga, e," pagsang-ayon niya. "I think kung ano lang yung nire-require ng trabaho, yun lang yung ginagawa namin. Wala din naman kaming ginagawang 'extra-curricular activities.'"
Close ba sila ni Marian?
"No, e, kasi never ko pa siyang nakatrabaho," direkta niyang sagot. "Usually kasi yung nagiging bonding ko sa ibang artista, yung nagka-show kami. For example kami ni Dong, never kaming nakapag-usap before until nagkaroon kami ng show. And yun ang usual na case sa lahat ng mga nakakatrabaho ko."
Willing ba siyang gumawa ng love triangle movie or soap with Dingdong and Marian?






teenager pa ba siya? kung ganun, sabagay appropriate lang ang age niya sa kinikilos niya.
syempre naman, kasi kahit sinong artista ang i-pair kay dd bagay.
magaling kasing magconnect si dd ng personality niya sa ka partner niya. dd knows how to make people believe what he's portraying in front of the camera.
in fact, he knows how to create a chemistry with his partner on tv.
pero, let's say naglalakad lang sila sa kalye na magkasama on a regular day, hindi taping, sa tingin niyo ba bagay silang tingnan?
ano yon, ang pogi at ang bading!
napaka-feminine ang face ni taylor shift
si rhian, ang face niya mukhang bading...tingnan niyo nalang dito sa pic niya dito.
some couples may not get along well but still they have chemistry; others do get on well but we cant see any zing -- it's a fact of life
sana si jennilyn mercado or sino man wag na lang sana ikaw..for sure mas patok ang rating ng STH..nuknukan ka kase ng plastic at arte!
angel38
you think instinct na ang beautiful people now? hahahahha...bakit siya lang ang anak ng Briton?hahahahah...
isipin mo uso na ang half breed ngayon...