"I love Coco! Ang bait-bait na bata nun. Sobra! 'Tsaka ayun, pinapangarap ko na maging tanyag siya, na maging bankable star siya. Para naman akong nanay, ano ba 'yan?" says Gina Pareño about Coco Martin.
Gina Pareño considers former Tayong Dalawa co-star Coco Martin as her own son
Thursday, November 12, 2009
06:13 PM
Rating
Sa darating na PMPC Star Awards For TV, na gaganapin sa Pagcor Grand Theater sa November 29, ay nominado ang veteran actress na si Gina Pareño for Best Drama Actress dahil sa pagganap niya bilang Lola Gets sa defunct drama series na Tayong Dalawa. Masayang-masaya raw si Ms. Gina sa nominasyong nakuha niya.
"Naku, thank you naman at napansin ulit tayo ng PMPC. Talagang looking forward ako na makasama ulit sila. A-attend ako sigurado. Pero simple-simplehan na lang tayo ng damit. Huwag nang mag-effort-effort ng bonggang damit kasi masyadong magastos. Ang mahalaga, nandoon yung presence mo," sabi ni Gina nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kahapon, November 11, sa compound ng ABS-CBN.
Ano ang maituturing niya na pinaka-memorable na eksena niya sa Tayong Dalawa?
"Nung si Coco [Martin, gumanap na apo ni Ms. Gina sa serye] kunwari ay namatay siya sa ambulansiya. Nag-lock jaw ako. Kasi sabi ni Direk [Trina Dayrit], 'O, kayo ha, sa dami ninyo sa eksenang 'yan, Tita, ikaw, iba naman ang akting mo rito. Hindi ka puwedeng papalahaw ng iyak.'
"Ang hirap palang i-akting yung hindi ka iiyak, na hindi ka papalahaw. Yun bang tago na pigil. Mas mahirap yun. Nag-lock jaw ako. Ang tagal bago kami nag-take ulit. Pero siyempre, yun ang ipinapagawa sa 'yong akting. So ayun, ganoon pala yun, nagla-lock jaw ka pala pagpigil," lahad ng beteranang aktres.
Kahit wala na sa ere ang Tayong Dalawa ay may communication pa rin si Ms. Gina sa mga nakasama at nakatrabaho niya rito.
"Hanggang ngayon, lahat kami nagkakausap-usap pa rin. We love each other, sobra-sobra! Lalo si Coco... I love Coco! Ang bait-bait na bata nun. Sobra! 'Tsaka ayun, pinapangarap ko na maging tanyag siya, na maging bankable star siya. Para naman akong nanay, ano ba 'yan?" natatawang sabi niya.
So, parang anak-anakan na talaga ang turing niya kay Coco?
"Opo, sobra!" sagot niya. "Si Coco, ang naging dating niya sa akin, parang iniluwal ko, ganoon."
May susunod nang teleserye na gagawin si Ms. Gina sa ABS-CBN after Tayong Dalawa, pero bawal pa raw itong sabihin.
"Basta sigurado na yun. Sabi sa akin kasi ni Sir Deo [Endrinal], 'Tita, may next kang teleserye.'"
Sobrang nagpapasalamat si Ms. Gina kay Deo dahil lagi siyang isinasama nito sa kanyang mga proyekto.
"Sa totoo lang, gustong-gusto ko under Sir Deo. Napakabait niya at inuunawa niya kami. Hindi kami yung mga slave na bayaran na ano, hindi. Gusto ko si Sir Deo," ulit niya.
WORKING GIRLS REMAKE. Hindi lang sa telebisyon busy si Ms. Gina, maging sa pelikula ay lagare rin siya. Dalawang pelikula ang sabay niyang ginagawa ngayon, Working Girls 2010 at Umboy and Berns, na pinagbibidahan nina Aga Mulach at Regine Velasquez.
Ang Working Girls ay pelikula ng Viva Films noong '80s, kung saan kasama rin sa cast si Gina; along with Hilda Koronel, Rio Locsin, Carmi Martin, Maria Isabel Lopez, and Baby Delgado.
"Working girl pa rin ako dito, tapos nagkaanak ako. Si Kimmy Dora ang anak ko, si Eugene Domingo. Ang galing-galing ng bruha na yun!" natatawang sabi ni Gina tungkol sa kanyang co-star.
GINA AS A COMEDIENNE. Nakilala si Ms. Gina bilang dramatic actress, pero gustung-gusto rin niyang nagpapatawa. Kaya naman nang tawagan siya ni Ms. Malou Santos ng Star Cinema para sabihing magkakaroon siya ng sitcom sa ABS-CBN ay sobrang natuwa siya.
"Malalaman ko by next week kung tuloy na tuloy yung sitcom. Pero sana, ipinapanalangin ko na matuloy. Kasi gustong-gusto ko ang mag-comedy. Hinahanap-hanap ko ang mag-comedy naman. Puro na lang kasi ako drama," saad niya.
Saan ba mas nag-e-enjoy si Ms. Gina, sa comedy o sa drama?
"Pareho! Basta umaarte ako!" tawa niya.
- Gina Pareño defends acting of Kris Aquino in Kung Tayo'y Magkakalayo
- Gina Pareño wins as Best Drama Actress for her performance in Tayong Dalawa
- PEP EXCLUSIVE: Gina Pareño spent two weeks in Tondo for Baseco Bakal Boys
- Gina Pareño sees lovelife as "problema" and acting as "inspiration"
- Gina Pareño proud of her Asian Film Awards victory
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just key in PEP ON and send to 4627. Available to all Sun, Globe, and Smart subscribers.
More News
- Madonna slams M.I.A. for her "teenage" antics at Super Bowl
- Marian Rivera: "Lahat na yata ibinigay na sa akin Lord... In return, ano ang dahilan para malungkot pa ako, magmaldita pa 'ko or ano pa?"
- Comedienne Mosang says she lost P105,000 in a scam
- JC Tiuseco denies rumors he's courting Sarah Lahbati
- Alex Gonzaga hosts new game show with Chris Tiu
- Saab Magalona enjoys playing a villainess in new series
-
All About
Eugene Domingo: "I hope that the 'woman in the septic tank' gets to wear a gown and walk on the red carpet at the Kodak Theatre!"
-
Starbiz
Marvin Agustin on producing music concert: "We work hard to get the artist."
Marvin Agustin sees no problem about the regulation of foreign acts in the country.
-
Music
The MYX Music Awards will take place on March 13 at the Music Museum with a '70s-OPM-themed event.
-
In Focus
John Lloyd Cruz chooses to keep silent about Shaina Magdayao
John Lloyd: "I am indeed better than ever."
Most Popular
- Marian Rivera explains visit to taping of a TV5 show; comments on Iza Calzado's transfer to ABS-CBN
- Grace Lee on President Noynoy Aquino: "I like him."
- Kris Aquino: "Annulment is not a cause for joy. The truth is, it was a marriage that failed but it's a cause for optimism."
- Talent manager Shirley Kuan on columnist Dolly Anne Carvajal: "She can stick to her story. She has a story to tell, fine. But it's a lie."
- Mark Bautista remains friends with Piolo Pascual after being involved in the actor's breakup with KC Concepcion
- PEP SPECIAL REPORT PART I: Why the marriage of Kris Aquino and James Yap was declared null and void
- Hayden Kho, Jr. insists there is "NO infidelity issue" between him and Dra. Vicki Belo; apologizes to Nancy Castiglione
- Director Mac Alejandre talks about his four-year contract with TV5 and reveals the real reason he left GMA-7
- Is it over between Dra. Vicki Belo and Hayden Kho, Jr?
- Part 2 Ynna Asistio to Annabelle Rama: "Bakit napakahirap na pakawalan kami kung talagang ayaw mo sa amin at ipinilit lang kami ng nanay ko sa iyo?"
Advertisement

