"Very thankful po ako talaga kay Tita Gina kasi ano, e, sa totoo po, actually lumalim yung bonding namin. Si Tita Gina kasi, sobrang tutok niya sa trabaho. Yung pag-uwi niya ng bahay, ginagawa niyang homework yung script niya. And then, pati yung script ko ginagawa niya ring homework, pinag-aaralan din niya para sa akin. 'Tapos tinuturuan niya ako kung paano ang tamang pag-arte na gagawin ko pagdating niya sa set. Ganoon siya sa akin," says Coco Martin about Tayong Dalawa co-star Gina Pareño.
Coco Martin thanks veteran actress Gina Pareño for the improvement of his acting
Friday, November 13, 2009
12:32 PM
Rating
Nominado si Coco Martin for Best Drama Actor sa darating na Star Awards For TV—na gaganapin sa Philippine Amusement and Gaming Corp. (Pagcor) Grand Theater sa November 29— para sa pagganap niya bilang Ramon sa defunct series na Tayong Dalawa ng ABS-CBN.
Nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Coco noong Miyerkules, November 11, sa compound ng ABS-CBN, ay nagpasalamat siya sa nominasyong nakuha niya.
"Actually, nabalitaan ko lang po na nominated ako siguro mga two days ago. Sobrang thankful. At least nagbunga yung pinagpaguran namin, yung pagtutulungan namin," saad ni Coco.
THANKFUL TO "LOLA GETS." Ang veteran actress na si Gina Pareño ang gumanap na Lola Gets ni Coco sa Tayong Dalawa. Nagpapasalamat din si Coco kay Gina dahil kung hindi raw dito ay hindi lalabas na maganda ang akting niya sa nasabing serye.
"Very thankful po ako talaga kay Tita Gina kasi ano, e, sa totoo po, actually lumalim yung bonding namin. Si Tita Gina kasi, sobrang tutok niya sa trabaho. Yung pag-uwi niya ng bahay, ginagawa niyang homework yung script niya. And then, pati yung script ko, ginagawa niya ring homework, pinag-aaralan din niya para sa akin. Tapos tinuturuan niya ako kung paano ang tamang pag-arte na gagawin ko pagdating niya sa set. Ganoon siya sa akin.
"Pero ako, sa sobrang galing ni Tita Gina, napi-pressure ako. Naiisip ko noon na baka sa mga eksena namin, hindi ako maka-deliver nang tama. Siyempre, lalo akong kinakabahan kasi tinutulungan niya ako, tapos tinututukan niya ako na, 'Anak, anuhin natin ito, trabahuhin natin ito,' ganyan, ganyan. Siyempre ako, napi-pressure, lalo dahil baka hindi ko maabot yung level niya.
"Natutuwa ako kay Tita Gina dahil sa sobrang suporta talaga na ibinigay niya sa akin sa bawat eksena namin noon sa Tayong Dalawa. Kaya ang nangyari talaga, para kaming naging tunay na mag-lola. 'Tsaka iba yung ano... hindi bilang magkatrabaho. Nagkaroon talaga kami ng sobrang bonding."
Ano ang maituturing ni Coco na memorable na eksena niya sa Tayong Dalawa?
"Yung death scene niya [Gina]. Talagang inano ko na parang... kasi sa sobrang pagmamahal ko kay Tita Gina, yung eksenang yun... ano, e, parang naipakita ko sa acting ko na sobrang nasaktan ako na namatay yung lola ko."
PRINCE OF INDIE FILMS. Si Coco Martin ang binansagang "Prince of Indie Films" dahil marami siyang nagawang ganitong klaseng pelikula. Pero sa kabila nito ay hindi pa rin umarangkada nang husto ang kanyang career. Napansin at nakilala lang talaga siya ng publiko mula nang mapasama siya sa Tayong Dalawa.
"Ano naman po, actually, sobrang happy ako sa ano ko, sa career ko sa indie. Kasi ako naman po, dati talaga, hindi ko naman inaakala at hindi ko naiisip na makakapagtabaho ako sa mainstream o sa TV. Talagang ang focus ko noon is puro indie lang.
"Kasi lagi po kaming lumalaban sa abroad. Yung mentality ko po parang... Sabi nga nila, bakit parang naging ganoon ako ka-daring. Kung bakit ganoon kalakas yung loob ko, lalung-lalo na nung bata ako. Kasi namulat ako sa mundo ng indie. And then sa international, kasi yung mga ganoong eksena, yung may mga sensitibong eksena, hindi big deal.
"Kumbaga, dahil doon ka namulat, parang hindi na big deal sa 'yo yung mga ganoong proyekto. At naniniwala ako na the more na tama yung mga taong nasa paligid ko, at alam ko na tama yung mga project na ginagawa ko, hindi ako nagbibigay ng limitasyon. Kasi para sa akin, parte ng pagiging artista mo yung katawan mo. Hindi lang naman totally yung acting mo. Kailangan lahat yun kasama.
"Ngayon naman po, nung ayun nga, nabigyan ako ng chance na mapasama sa Tayong Dalawa, talagang ang laking tulong nun sa akin. Marami na nga po ang nakakakilala sa akin ngayon. Dati, halos walang pumapansin sa akin. At dahil sa show na yun, siyempre, marami akong problema noon, yung financial, ganoon, biglang nagbago ang buhay ko," saad ni Coco.
- Coco Martin remains "ordinary" despite his popularity; says "Kasi simple lang akong mangarap."
- Coco Martin, on his role as Daniel in Walang Hanggan : "Susubukan ko naman ngayong magpa-ibig."
- Coco Martin on prediction he will father Kris Aquino's child: "Siguro malabong mangyari 'yon."
- Coco Martin's performance in soap gets nod of two award-giving bodies
- Coco Martin regrets brawl with Matteo Guidicelli; imposes no-duet rule with Maja Salvador
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just key in PEP ON and send to 4627. Available to all Sun, Globe, and Smart subscribers.
More News
- Marian Rivera on working with Dingdong Dantes: "Mas tumindi kung ano man meron kami ni Dong. Hindi lang as partners...pati friendship namin."
- Comedienne Mosang says she lost P105,000 in a scam
- JC Tiuseco denies rumors he's courting Sarah Lahbati
- Alex Gonzaga hosts new game show with Chris Tiu
- Saab Magalona enjoys playing a villainess in new series
- Liz Uy keeps mum about rumored romance with Ely Buendia; refuses to comment on PNoy-Grace Lee hookup
-
PEP Finder
Sharmaine Suarez says showbiz will always be her home
After seven years, Sharmaine is back to acting.
-
Homes and Family
Priscilla Meirelles reveals how pregnancy made her world "turn 360 degrees"
She says her initial plan was to get pregnant two years after her wedding, but she realizes, "God's time is the perfect time."
-
Looking Back
Star For All Seasons Vilma Santos looks back at her 50 years in showbiz
Vilma names her most memorable films and favorite leading men.
-
Weddings
FIRST READ ON PEP: Ms. Jolina Magdangal is now Mrs. Mark Escueta!
The bride and groom shed tears while reciting their vows.
Most Popular
- Marian Rivera explains visit to taping of a TV5 show; comments on Iza Calzado's transfer to ABS-CBN
- Grace Lee on President Noynoy Aquino: "I like him."
- Kris Aquino: "Annulment is not a cause for joy. The truth is, it was a marriage that failed but it's a cause for optimism."
- Talent manager Shirley Kuan on columnist Dolly Anne Carvajal: "She can stick to her story. She has a story to tell, fine. But it's a lie."
- PEP SPECIAL REPORT PART I: Why the marriage of Kris Aquino and James Yap was declared null and void
- Mark Bautista remains friends with Piolo Pascual after being involved in the actor's breakup with KC Concepcion
- Hayden Kho, Jr. insists there is "NO infidelity issue" between him and Dra. Vicki Belo; apologizes to Nancy Castiglione
- Director Mac Alejandre talks about his four-year contract with TV5 and reveals the real reason he left GMA-7
- Part 2 Ynna Asistio to Annabelle Rama: "Bakit napakahirap na pakawalan kami kung talagang ayaw mo sa amin at ipinilit lang kami ng nanay ko sa iyo?"
- Is it over between Dra. Vicki Belo and Hayden Kho, Jr?
Advertisement

