Para kay Marvin Kiefer, hindi raw nagtatapos ang buhay niya sa Survivor Philippines: Palau dahil gusto niyang balikan ang mundo ng modeling at pagrampa. Pero given the chance, susubukan daw ng binata mula sa Cagayan de Oro City ang mundo ng showbiz kapag binigyan siya ng pagkakataon ng GMA-7.
So, how's life after Survivor Philippines: Palau?
"Okay naman, actually, hindi pa tapos ang Survivor. Naguguluhan na rin nga ako, hindi ko na maisip kung sino ba talaga [ang mananalo]. Although, before we left Palau, lahat ng members ng Jury, nakaboto na. Pero magulo pa.
"Let's just wait until the finals night. Dun na natin makikita kung sino ba talaga. I had already cast my vote, pero walang nakakaalam. Mamayang gabi lang bubuksan ni Paolo [Bediones, host ng programa] yung kinalalagyan ng mga boto namin. So, walang nakakaalam.
"Lahat ng Jury [members], walang alam kung sino. Kahit si Paolo, wala ring knowledge who won. Pati staff ng show, walang alam sa mangyayari tonight," kuwento ni Marvin sa PEP (Philippine Entertainment Portal) nang makausap namin siya sa GMA-7 compound kaninang hapon, November 13.
Nangulit pa rin kay Marvin ang PEP. Sa tatlong remaining castaways—Justine Ferrer, Amanda Colley Van Cooll at Jef Gaitan—sino sa palagay niya ang karapat-dapat na manalo at mag-uuwi ng three million cash prize?
"Actually, nagboto na kami. Dun pa lang sa island, we already cast our vote. Pero yun nga, hindi ko alam kung sino," pag-iiwas uli niya. "I think, kahit sino sa kanila, puwedeng manalo. Deserving naman yung tatlo for the title and the money."
Pero ano ba yung pinagbasehan niya sa pagboto?
"Marami, marami," ani Marvin. "Yung mga alyansa niya, kung paano niya nilalaro yung game. Kung gaano ba siya kagaling sa game, or sumakay lang ba siya or siya ba yung strategist, tapos yung pinaka-least na nasaktan at magaling na strategy. Stuff like that. Yun ang objective ko.
"And, of course, kung kakampi ko ba siya dati. Kung ka-alliance ko ba siya dati. Parang ganun. Lahat-lahat, may factor. Also, kung gaano mo siya kagusto bilang tao. Yung personal attachment. Hindi rin maiaalis 'yon, di ba?"
Kahit anong pangungulit, ayaw talagang i-divulge ni Marvin kung sinong castaway ang ibinoto niya.
Sa tingin ba niya, deserving yung taong ibinoto niya sa title at sa perang ipagkakaloob ng network?
"Masasabi ko, yung taong ibinoto ko, sobrang deserving na maging winner. And if anyone will ask me kung bakit siya yung binoto ko, may maisasagot ako sa tanong," maikling tugon niya sa tanong.
DESERVING OR NOT? Sa opinion ng nakararami, may ilang castaways na hindi deserving mapasama sa Final 5 or Final 3. Ganito rin ba ang opinyon niya?
"Well, sa simula nung katatanggal ko lang sa game, and nung bumalik na kami sa Pilipinas, sa tingin ko sa iba, hindi deserving mag-stay. Kasi parang walang masyadong ginawa o naitulong sa tribe," sabi niya.






DIRTY MOVE!....
ang sama ng paraan ng pagkapanalo ni amanda ginamit niya ang emotions at yung speech niya para sirain yung dalawa niyang kalaban....
anong karapatan niyang icompare ang buhay niya sa buhay ng mga kalaban niya for the title....di niya alam kung anong mga hirap din ang pinagdaanan nila JUSTINE at jef....
hanggang sa huli manipulator pa rin si mika....glad she lost....
for me, JUSTINE will be our 2nd season PINOY SOLE SURVIVOR....
he's soooo cute and i wanted him to him because he is the best castaway for me. sayang nga hindi talaga sya gumawa ng alyansa. kala nya kaya nya on his own kasi malakas talaga sya.
PERO SI AMANDA ang SOLE SURVIVOR.she is deserving kesa kay Justin na plastik din naman.the devil transexual.
from the root word SURVIVE! justine yun! akalain mo nag survive sha mag isa... tinaloo nia mga natanggal! nagpakita sha ng totoong emotion nde nia pinigilan yun.. unlike amanda! CHICKEN FARM? hoyyy echusera ka! hanggang sa finali nakaka asar muka ni AMANDA AT MIKA... ang tigas ng muka ni amanda! wala daw shang pinagsisisihan.. ALAM MO AMANDA DAHIL IKAW NANALO SA SURVIVOR... dapat unang bilhin mo eh TV! at MALAKAS NA SPEAKERS! demonyita! panoorin mo sarili mo sa TV! ng makita mo pinag gagawa mo... at bumili ka ng COMPUTER.. para makita mo marmaing nagsasabi nde ka deserving... ok lang kung ilan lang eh,... eh halos lahat dito ayaw ka... TRY TO SURVEY AGAIN THE JURY... kung ikaw tlaga dapat!... PAAWA EPEK!
nde ka fan ha pero kung makapagcomment ka kung anu anu na ang lumalabas..
bat mo dinadamay ang restaurant ni mika..
its just a matter of acceptance.. bawi ka na lang ng bet sa season 3.. o kaw na lang mismo ang sumali..
biglang nawala!!!!!!!!!!!