"Masasabi ko, yung taong ibinoto ko, sobrang deserving na maging winner. And if anyone will ask me kung bakit siya yung binoto ko, may maisasagot ako sa tanong," says Survivor Philippines: Palau jury member Marvin Kiefer.

Photo: File photo

Para kay Marvin Kiefer, hindi raw nagtatapos ang buhay niya sa Survivor Philippines: Palau dahil gusto niyang balikan ang mundo ng modeling at pagrampa. Pero given the chance, susubukan daw ng binata mula sa Cagayan de Oro City ang mundo ng showbiz kapag binigyan siya ng pagkakataon ng GMA-7.

So, how's life after Survivor Philippines: Palau?

"Okay naman, actually, hindi pa tapos ang Survivor. Naguguluhan na rin nga ako, hindi ko na maisip kung sino ba talaga [ang mananalo]. Although, before we left Palau, lahat ng members ng Jury, nakaboto na. Pero magulo pa.

"Let's just wait until the finals night. Dun na natin makikita kung sino ba talaga. I had already cast my vote, pero walang nakakaalam. Mamayang gabi lang bubuksan ni Paolo [Bediones, host ng programa] yung kinalalagyan ng mga boto namin. So, walang nakakaalam.

"Lahat ng Jury [members], walang alam kung sino. Kahit si Paolo, wala ring knowledge who won. Pati staff ng show, walang alam sa mangyayari tonight," kuwento ni Marvin sa PEP (Philippine Entertainment Portal) nang makausap namin siya sa GMA-7  compound kaninang hapon, November 13.

Nangulit pa rin kay Marvin ang PEP. Sa tatlong remaining castaways—Justine Ferrer, Amanda Colley Van Cooll at Jef Gaitan—sino sa palagay niya ang karapat-dapat na manalo at mag-uuwi ng three million cash prize?

"Actually, nagboto na kami. Dun pa lang sa island, we already cast our vote. Pero yun nga, hindi ko alam kung sino," pag-iiwas uli niya. "I think, kahit sino sa kanila, puwedeng manalo. Deserving naman yung tatlo for the title and the money."

Pero ano ba yung pinagbasehan niya sa pagboto?

"Marami, marami," ani Marvin. "Yung mga alyansa niya, kung paano niya nilalaro yung game. Kung gaano ba siya kagaling sa game, or sumakay lang ba siya or siya ba yung strategist, tapos yung pinaka-least na nasaktan at magaling na strategy. Stuff like that. Yun ang objective ko.

"And, of course, kung kakampi ko ba siya dati. Kung ka-alliance ko ba siya dati. Parang ganun. Lahat-lahat, may factor. Also, kung gaano mo siya kagusto bilang tao. Yung personal attachment. Hindi rin maiaalis 'yon, di ba?"

Kahit anong pangungulit, ayaw talagang i-divulge ni Marvin kung sinong castaway ang ibinoto niya.

Sa tingin ba niya, deserving yung taong ibinoto niya sa title at sa perang ipagkakaloob ng network?

"Masasabi ko, yung taong ibinoto ko, sobrang deserving na maging winner. And if anyone will ask me kung bakit siya yung binoto ko, may maisasagot ako sa tanong," maikling tugon niya sa tanong.

DESERVING OR NOT? Sa opinion ng nakararami, may ilang castaways na hindi deserving mapasama sa Final 5 or Final 3. Ganito rin ba ang opinyon niya?