Ang young actress na si Anne Curtis ang naging partner ni Angel Locsin nang maisipan ng huli na buuin ang Shop and Share auction na makikita sa eBay.ph. Sinimulan nila ito noong halos kasagsagan pa ng bagyong Ondoy at Pepeng. Ngayon, ika-third batch na raw itong pag-release nila ng mga items in cooperation with the Philippine National Red Cross. Isa sa mga items ay galing kay Manny Pacquiao.
Kagabi, sa launching ng Shop and Share sa 4th floor ng Gateway Mall, naikuwento ni Anne kung paano nagsimula ang proyektong ito.
"Actually, for a while kasi, hindi namin plano to go super-multimedia about it. Parang okey na kami by word ng Twitter namin or mga Facebook, mga ganyan. Makapag-guest kami kung saan-saan basta ma-announce lang. Sobrang okey na kami ro'n.
"And then, yung eBay nilapitan namin kasi medyo nahirapan na kami sa listing, kasi napaka-specific nila. Tapos yun, na-approach naman namin, may letter ng Red Cross, so tumulong pa sila."
ANGEL'S INSPIRED IDEA. It was really Angel who thought of Shop and Share first.
"Si Angel ang tumawag sa akin. Tapos, tinanong niya ako kung gusto ko raw ba yung mga auction-auction ng bags. Siyempre, gusto ko 'yan, forte ko 'yan, e," natatawang sabi ni Anne. "Tapos yun na, after, super nag-brainstorming na kami kila Ate Kris [Aquino] kung paano namin gagawin.
"Then, yun nga, online ang napagdesisyunan namin. Si Ate Kris ang nag-suggest na online bidding na lang."
Masayang-masaya sila sa naging turnout ng auction.
"It really, really worked out in a way na parang people not only give their help, meron pa silang gamit na in good condition pa."
Ayon kay Anne, $15,000 na ang inaabot ng sales nila at may mga pending items pa na isusubasta. Target daw sana nilang kitain through their fundraising campaign ay one million pesos.
Itutuloy-tuloy na ba nila ang auction ng mga celebrity items sa eBay?
"Well, only until we have certain items siguro. Pero, after nun, wala na. Basta for the love of na lang... sana next year maulit. Sana not because [of] another typhoon but merely because makatulong na lang."
Nakapag-bond nang husto ang dalawang pasimuno ng fundraising activity dahil inaabot minsan ng 4:30 a.m. sina Angel at Anne sa pag-aasikaso nito.
FRIENDS WITH SAM. Ibinalita ni Anne na sisimulan na raw ang pelikula nila ni Sam Milby under Star Cinema na Maybe It's You, at sa TV naman ay uumpisahan sa January ang taping ng bago nilang soap opera.
Balik-tambalan na sila ni Sam sa telebisyon at pelikula. Balik-tambalan na rin ba in real life?




CALLED OUT
ALL COMMENTS
27 quietrose
26 careermuna
25 careermuna
24 rcbshcbscb
23 lucky_7
22 brooke
21 steff
20 lola_madonna
19 missie_LA
She made it clear that she isn't with Erwan anymore but just like most of her exes, she's friends with Erwan.
Don't try making sht up. Stop making her look bad.
Anne and Angel, you both deserve all the great things that are happening to both of you.
Screw the haters, both of you are great people. I hope you continue what you guys do best - helping and entertaining people.
18 custard
17 totoysipa
16 toruo
15 toruo
14 ultimatejew
13 ultimatejew
12 PhilEntPortal
11 maedominguez
10 jaced4581
9 fine_then
8 nhegsie
more comments