"It's impossible for her to do that."
Ito ang reaksiyon ni Dingdong Dantes nang tanungin siya ng Startalk (Sabado, Nobyembre 14) tungkol sa napabalitang panunulak daw ng rumored girlfriend niyang si Marian Rivera sa isang 12-year-old girl sa autograph signing nito para sa isang boutique kamakailan.
Galing daw ang report sa isang entertainment columnist na may radio show rin. Ayon sa kolumnistang ito, itinulak daw ni Marian ang bata. Hindi rin daw siya nagsisinungaling dahil kaibigan niya raw ang ina ng bata.
Ayon naman sa mga nagtatanggol kay Marian, may mag-ina nga raw na gusto sanang magpa-autograph sa aktres sa opening ng boutique na yun. Pero may schedule na sinusunod ang pagpipirma, kaya hindi nakapagpa-autograph ang mag-ina. Dahil naubusan na ng oras, dinala raw ni Marian ang bata sa labas ng boutique para doon na lang gawin ang pagpapapirma. Pero na-misinterpret daw ito ng ina ng bata na akala ay tinulak ni Marian ang kanyang anak.
Ayon naman kay Dingdong, "Wala talagang puwedeng paraan para mangyari yun. I think they have to get their facts straight from people before lumalabas na ganyan-ganyan, because hindi lang yung morale ng tao ang dina-down nila kung hindi pati yung paniniwala ng bata na ginawa talaga sa kanya yun.
"Well, sa pagkakakilala ko sa kanya all these years, hindi niya magagawa yung bagay na yun dahil si Marian ang isang tao na sobrang mahal niya ang bata, lalung-lalo na ang mga batang humahanga sa kanya."
GOODBYE STARSTRUCK V. Sa primer naman ng StarStruck V last week, pormal nang nagpaalam si Dingdong. Si Dingdong ang napili ng GMA-7 na pumalit kay Richard Gomez bilang host ng daily game show na Family Feud. Tatakbo kasing congressman sa Ormoc City si Goma sa 2010 elections kaya kailangang iwan na muna niya ang kanyang programa.
Ayon kay Dingdong, malungkot din na iiwan na niya ang StarStruck.
"Nakakalungkot. Isipin niyo, five years, five generations ng iba't ibang batch ng mga artista, nandoon ako to witness those at nakita ko rin kung papaano sila nag-grow, kung papaano sila minahal ng industriya rin. So, imbes na nalulungkot ako, mas nagiging proud ako that I've been part of this five years of StarStruck,"saad niya.
At the same time, excited na rin daw siya to be the new host of Family Feud.
"Excited na excited na, pina-practice ko na sa bahay!" natatawang sabi niya.
Halos kasabay naman ng pag-pinch-hit niya kay Richard sa Family Feud ay ang nalalapit na pagtatapos ng primetime series nila ni Rhian Ramos na Stairway To Heaven.
Malungkot man sa pagtatapos ng Stairway To Heaven ay masaya naman si Dingdong dahil sa tumataas na ratings ng kanilang programa. Sa katunayan, ito na ang nangungunang primetime show, batay sa overnight ratings ng AGB Nielsen Phils. sa Mega Manila.
"Maraming salamat sa lahat ng sumusuporta, sa lahat ng nanood. Kumbaga, nawawala lahat ng pagod namin, lahat ng sakripisyo, lahat ng hirap namin," sambit ni Dingdong.






SNA FOREVER NA CLA.LOVE THEM
and to RR STOP USING MARIAN PARA LNG MAG RATE STH SAD TO SAY MATATALINO N VIEWERS NGAUN AND TEK NOTE DEY WATCH STH BEC OF DD NOT quot;Uquot; UTANG N LOOB
hahah! Ows? Gaano kasama si Marian? Kapatid mo ba sya? Close kayo? Hahah!
Kahit demohnyita pa si Marian, bakit pa siya pinapanood ng mga bata? Mag aral ka ng Logic101. Siya lang ang nagiisang artista na may pinakamaraming endorsements.
Siya rin nagppauso ng Corned Tuna kaya halatang gumaya lang ung Century for competition purposes, ganyan kalakas si Marian! Nauso na rin ung couture apparel na Karimadon dahil sa kanya.
Kaya ang karmma napupunta sa mga detractors at hindi kay marian! Which proves na paninira lang talaga ang lahat! lalong napapamahal siya sa mga tao.
Ano ba yan, OBVIOUSLY naiinggit lang talaga ung gumawa ng issue na ito na as if naman na mauuto nya ang mga Pinoy!
Hindi na tahhngah ang Pinoy sa issue kay Marian kasi napatunayan na lahat ng ito ay pure paninira lang kasi siya ang nagiisang SIKAT sa TV. Ganyan dina ang sinapit ni Angel Locsin noon nung kasikatan nya pa.
Mabait si Marian sa mga bata at yan ang totoo! Mas may tiwala sya sa mga bata kasi sila rin ang dahilan kung bakit hit ang Darna! Ay naku! Mabuti na lang at number 1 palagi ang Darna!