KC'S HALF-SISTERS. Masaya rin si KC na mas lalo raw silang nagkakalapit ng mga kapatid niya sa ama niyang si Gabby Concepcion, like Gabrielle na anak ng aktor sa businesswoman na si Grace Ibuna. Ano ang reaction ni KC na nagpapakita raw ng interes si Gabrielle to join showbiz?
"Si Gary? I don't think so. I think si Gary, we talk and she's interested in Tourism and Law," paglilinaw ni KC
Nagkakausap sila lately?
"Oh yeah, we're sisters," mabilis niyang sabi. "Kapag nakita niyo kami, nakakatuwa. Nagti-text kami, like, 'Hi ate, what are you doing?' 'Heto baby girl, I'm getting tea in, for example, Starbucks.' Tapos siya, 'Ako rin! Ako rin nandito.' Tapos kapag kasama namin si Papa [Gabby], para kaming mga chicks ni Papa, tapos pare-pareho yung mga sinasabi namin. Alam mong may lukso ng dugo."
Si Chloe, na anak ni Gabby sa dating aktres na si Jenny Syquia, na lang talaga ang hindi niya nakakasama?
"She got in touch with us through Internet like when I was in college. Kaso naglipat-bahay ako, nawala ko yung number niya. Parang one time pa nga, nanawagan pa nga ako sa TV," sabi ni KC.
Constant na ba ang communication nila ngayon?
"Not yet, we're getting there. One at a time."
Wish niya ba na silang lahat na magkakapatid ay magkasama kahit isang beses lang?
"I would love that!" sambit ni KC. "Bilang ate nila. Pero siyempre, it has to be with consent ng mga parents nila. Pero siyempre, bilang ate, gusto ko talaga na magkakasama-sama kami. Pero siyempre, may mga sari-sariling mommies 'yan na mababait naman din. But one at a time."
A VERY GOOD YEAR. So far, masasabi ni KC na 2009 has been a very good year for her. How will she assess her 2009?
"Well, like I've said po, yung pagpasok ko po rito sa film, sa music, sa TV, ang dami pong nagtatanong, 'Kailan ka babalik ng Europe?' Parang, 'Base ka na ba rito?' And I always say, 'Habang may work, nandito ako.'
"I don't know until when I'll be here. Ang katawan ko, ready na bumalik ng Europe. Pero while there's work, nandito ako. So, I'm just making the most of everything. Hopefully, 2010 will be just as big and exciting as 2009. Enough to keep me here para mapasaya naman ang mga nagiging supporters ko."
Nami-meet naman ba ang mga expectations niya sa pagpasok niya sa showbiz?
"More than I ever expected and more than anything, character building siya. So, parang pakiramdam ko, nahahasa rin ako bilang tao, bilang babae. It's teaching me so much."






Peace ahihihi
hindi ako masyadong nanunuod ng tv pero nakikita ko minsan ung lovers in paris, in fairness naaliw ako. at natuwa ako sa kissing scene nila ni Piolo.
wag nyo na intrigahin yung ring, dahil if you look at it closely si jewel mische and ka terno ni rg dun sa ring na yon, as in hindi lang -kamukha- saktong pareho sila. compare nyo yung pics.
anyway gusto ko na malaman kung anong movie ni kc for next year at kung sino ka partner nya!
PO
hehehehe
2 know more wats n her myn and we knw she has wat 8 takes...
pra na rn d lumalaki panga nia za sobrang zlep, xmpwe lili8 kc maaga xang magi2cng...hayp