Iniiwasan ni Angel Locsin ang kung anu-anong puwede niyang sabihin na malalagyan ng ibang kulay tungkol sa breakup nila ni Luis Manzano.
"Hindi maiiwasan yung may samaan ng loob right after the split-up," sabi ni Angel sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "Normal yun. Pero, siyempre, you give the benefit of the doubt na baka maayos pa, makapag-usap. Yun naman ang importante doon dahil mahalaga pa rin sa akin ang pinagsamahan namin ni Luis.
"Mahirap yung mapasukan yun ng grabe pang mga intriga. Kaya naghintay ako ng pagkakataong makapag-usap. Nang magkita kami ni Luis sa ASAP, that was the only time na nagkaroon kami ng chance para makapag-usap. Ang tagal naming hindi nakapag-usap. Alam mo yun, may mga bagay ka na gusto mong kalimutan, pero hindi agad maalis sa utak mo. Parang ganoon, e.
"Espesyal si Luis sa akin. May pinagsamahan kami. Hindi ganoon kadali. But, I'm okay. Never naming sinagot yung mga tanong sa tunay na dahilan ng split-up. Hindi na importante 'yan, lalo na ngayong nakapag-usap na kami. Maski sa mga dati kong nakarelasyon, kung nagtatapos yun, hanggang doon na lang. Hindi ko ugaling magsalita," tuluy-tuloy na pahayag ng aktres.
ANGEL MISSES ATE VI. Kung mayroon mang laging gustong alalahanin ni Angel sa naging relasyon nila ni Luis, ito ay ang napakagandang trato sa kanya ng Batangas Governor at Star For All Seasons na si Vilma Santos.
"Tita Vi is really like a mom to me, too," banggit ni Angel. "She's really nice. Yung times na nagkakilala kami, naging malapit agad ang loob ko sa kanya. Whatever happened, I don't think maaapektuhan yung naging bonding namin ni Tita Vi. And I am assuring her, kung kailangan niya ng support ko, hindi siya magdadalawang-salita.
"In that aspect, mami-miss ko siya. In special gatherings kasi, may time na nakapag-usap kami. At ngayong wala na kaming relasyon, it won't be easy for us to meet na ganoon lang. Pareho naman kaming busy. Pero if time allows, I will always have that time for her. Gagawa at gagawa ako ng paraan."
Ang feeling nga raw ni Ate Vi, phase lang ito sa personal life nina Angel at Luis. Magkakabalikan din daw ang dalawa. Ano ang masasabi rito ni Angel?
"Talaga?" tila hindi makapaniwalang tanong ni Angel. "Ang bait talaga ni Tita Vi. Alam mo yun, tiyak na may mga naikukuwento si Luis tungkol sa aming dalawa."
Dagdag niya, "Hindi ko naman maisasara ang pinto nang ganoon lang, at magsasalita ako nang patapos. Sa ngayon kasi, to be honest about it, I want to focus on other things. Nakapag-move on naman ako kaya tingnan na lang muna natin yung mangyayari na may kanya-kanya kaming buhay muna ni Luis."
MARICAR REYES. Nakaladkad pa ang pangalan ng baguhang aktres na si Maricar Reyes sa isyu ng hiwalayan kina Luis at Angel. Ano ang reaksiyon dito ni Angel?
"Hindi ko alam kung paano sasagutin 'yan, kasi ang focus ko lang, yung sa aming dalawa ni Luis," sabi niya. "Huwag na tayong mandamay pa ng ibang tao. Hindi ako dapat magsalita. At kung may nadamay pang ibang tao, sorry talaga. May pinagsamahan kami ni Luis. Ayoko yung dahil wala na kami, doon ako magsasalita ng kung anu-ano."





Case
November 20, 2009
10:08 AM
Congrats! iba tlaga pag galing kapuso... pang International.
=======================
wow nang angkin. hehehe.. kung hindi dahil sa ganda ng script at tatalino ng writer at galing ng director ng ABS ewan ko lang kung manominate siya diyan.
hindi kayang gumawa ng kapuso ng ganyang serye kaya wag mong ipagsiksikan yung bakuran mo dito. haaha
angel goodluck sa emmy awards, i pray that you'll bring home the bacon. i'm sure kahit na may pinagdadaanan kayo ni luis,he's very, very proud of you.
god bless angel and god bless luis!
ano ba talaga date ng EMMY? 20th ba or 23rd? kasi tanda ko nabasa ko 20th kaya gulat me dahil ang alam ko 23rd nga....
as if naman aattend ako lol excited lang me makita mga pics ni angel doon..
oks na oks ba ung bag? heeheheheh kahit man lang sa iyo mafeel ko ung LV from Angel...bongga!
win or lose.....winner ka na sa aming puso...
sobra sobra na ang binigay mo sa aming mga angelights this year!
next year madami ka na namang achievements!
myrnav
parang tama ka. hehehe. syempre kung pinag-hirapan, mas may value at mas may challenge. men are born to be hunters so baka na-inlove lalo si luis ni toni.
toni made a wise decision. chikboy itong si luis!
ai sori ahaha walang pic? waaaaaaaaa!
checked ko web ang daming bago ah.....
wow, natanggap mo na iyong LV bag mo? what's in it ba? pic of angel and a dedication?
nyahahahaha parang pag nagtanong ako excited talaga ako..parang bata lol.
akala ko 20th ung emmy? may nabasa ako dito eh....
ano ba tamang date? excited na rin me paano ilalampaso ni angel ang mapuputi sa emerika ehehehehehhe. Star of the night idol natin of course!
Angel is not only a Star....she is also an Actress...international pa!