Nasa Beijing, China ngayon si Ciara Sotto para sa shooting at pictorial ng Mano Po 6. Kasama niyang lumipad papunta roon kaninang umaga, November 19, ang iba pang cast ng pelikula na sina Sharon Cuneta, Zsa Zsa Padilla, Dennis Trillo, at iba pa.
Pero bago siya umalis ay nakausap muna siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal). Ayon sa kanya, masaya siya na nakasama siya sa naturang pelikula at maganda at challenging ang role na ginagampanan niya rito.
Si Ciara ang gumaganap na panganay na anak ni Sharon sa pelikula. Feeling daw ng character niya ay she is the most neglected sa kanilang magkakapatid.
Masayang-masaya si Ciara na sa kanya napunta ang naturang role.
"Maganda yung role ko. It's very challenging at saka ngayon ko lang ginawa ang ganitong klase ng character. At ano ka, may bed scene!" natatawa niyang sabi.
Si Ryan Eigenmann ang ka-partner niya sa movie at ka-bed scene. First time daw niyang magkaroon ng bed scene sa pelikula. Wala raw namang naging problema sa ina ni Ciara na si Helen Gamboa dahil tiwala ito sa direktor ng pelikula na si Joel Lamangan.
"Sobrang kaba ko, grabe yung nerbiyos ko!" sabi ni Ciara tungkol sa kanyang bed scene. "Feeling ko, noon lang ako ninerbiyos nang ganoon katindi. Pero totoo, talagang sobrang kaba ko nung isu-shoot na namin ang bed scene."
Thankful din daw si Ciara na sa first bed scene niya ay si Ryan ang naging kaeksena niya dahil naging very supportive daw ito sa kanya.
"Yes, he's very supportive. Inaalalayan niya 'ko dahil alam niyang first time ko pa lang. At saka, gentleman siya," sabi pa ng singer-actress.
Para kay Ciara, isang malaking blessing ang pagkakasama niya sa Mano Po 6 at pagganap sa naturang role.
"Aside sa Mano Po, may ginagawa rin akong indie film. Magkasama kami ni Danica Sotto [her cosuin]. Yung role namin, mga SPED [special education] teacher kami," banggit pa niya.
Hindi naman itinanggi ni Ciara na engaged na siya sa boyfriend niyang si Joe Oconer.
"Matagal na, pero hindi pa naman ngayon ang kasal. Maybe next year. Pero if ever man, ang gusto ko yung very intimate and private wedding lang talaga," sabi ni Ciara.






di ka artista, nagkataon lang, anak ka ng artista but you cannot act.
If it is the case that John Lloyd was the one who moved out of their relationship.. then that guy is a real oportunista.
This is again sounds familiar just in the case of Dingdong - Karylle - Marianne.
hindi totoo yan. c john lloyd ang nag give up sa relationship nila dhil kasikatan nuon ng bea-johnlloyd love team.. close c JL at helen gamboa. hindi totoong against ang parents ni ciara sa kanila.
may show siya dati sa dos..ung buttercup? dami nila doon...like ko siya doon....
the rests like ciara, danica, oyo...ordinary looking lang... PERO may alas sila ...being a Sotto...AT dahil may pera...nadadamitan at nalilinisan parati ang katawan...BONGGA na rin sila..
otherwise, wl nmng mag kk interes d2.