Kapansin-pansin ang pagpayat ni Rosanna Roces nang dumalo siya sa Cinema One Originals Awards Night last November 15 sa Dolphy Theater ng ABS-CBN. Si Rosanna ang itinanghal na Best Actress para sa pagganap niya sa Wanted: Border.
Mabilis namang sumagot si Osang nang tanungin kung bakit siya pumayat. "Binubuwisit pa rin ako ng mga Revilla, e!" sabi niya.
Bakit niya ito nasabi?
"Hindi pa rin isinosoli ang apo ko," ani Osang, na ang tinutukoy ay ang anak ng panganay niyang si Grace Adriano kay Jolo Revilla na si Gab.
Dagdag niya, "E, kanino ba yun? Sabi nag-aaral daw yung bata. Pero ano ba naman yung dalhin sa akin minsan sa isang linggo? Naku, e, kung hindi ako makikipag-cooperate sa kanila, may kaso laban sa kanila."
Sa isang panayam ni Jolo, sinabi nito na naghihintay lang siya ng text mula kay Osang para dalhin si Gab niya sa kanya. Gusto ba ng aktres na dalhin ni Jolo sa kanya ang bata?
"Kahit huwag na siyang magpakita sa akin, e," sagot ni Osang. "Dahil ako, talagang eto sasabihin ko ha, lilibutin ko ang Bacoor para ikampanyang huwag manalo ang ina niya [Lani Mercado]. At hangga't kaya ko, gagawin ko. Through Facebook, through bloggings, through whatever. Huwag lang, pag hindi nila ako... Ako, kapag ako nag-Pasko wala ang apo ko, tandaan mo, magiging kulay abo ang langit nila!
"Alam mo si Jolo, kasi parang puppet, uto-uto. Uto-uto ng magulang, walang sariling isip. So, tumatanda, dapat umaayos; hindi paurong, lalo na may anak ka. Hindi sapat yung nahiram mo, magpapanggap ka nang tatay.
"Apat na taon nasa amin yun [Gab]. Nakasama mo lang sandali, e, akala mo mabuting ama ka na, hindi ba? O, tama ba ako o hindi? E, paano yun? E, di nakikita nung bata yung ginagawa ninyo nung ano... Maganda yung... Tama na yung nakita niya ang nanay niya, nag-asawa ng iba, may kapatid siya doon, madali nang iesplika yun. Pero kapag nakita pa ng bata may iba pa, maguguluhan pang lalo, di ba? At para ilagay mo sa isa pang magulong pamilya, di ba?
"I suggest nga na... Ay, huwag na, baka hindi naman lumabas," bitin na sabi ni Osang.
CHRISTMAS DEADLINE. Pero itinuloy pa rin niya ang gusto niyang sabihin pagkatapos ng ilang sandali. Aniya, "Siguro hiramin na lang ni Lani yung anak ni Bong kay Jo Canonizado [former beauty queen]. Alagaan niya, baka dakilain ko pa siya. Pero yung apo ko, e, November na, ha...
"Pero kung hindi ninyo isosoli dahil sasabihin ninyo nag-aaral kunu-kuno, pag 'yan, Pasko, hindi ko nakita, pasensiyahan tayo. Susugurin ko kayo talaga sa bahay ninyo. Kakasuhan ko na talaga.
"Hindi na ako basta, kaya kong manahimik kung mali ako. Pero kapag sumusobra na, kapag masyado ka nang nilalaktawan at hindi ka na... Nalilimutan na yung mga ginawa nilang kawalanghiyaan. Akala nila, e, kung nag-iisa ako, ang tapang ko. Ngayon pa ba na merong nasa likod ko na?" matapang na pahayag ni Osang.
Ang tinutukoy ba niyang "nasa likod" ay ang boyfriend niyang abugado?
"Hindi sa ganun," sabi ng aktres. "Pero mabuti na rin yung may tao ka na sa likod mo, kesa porke wala kang asawa kasi, pinagsasamantalahan ka, e. Akala nila wala kang ano, e. Hindi nila alam, mas matapang pa ako sa asawa ko dati, e."





puro pananakot...haggang doon lang naman...may naipanalo na ba itong kaso?!
hay please lang...hindi suya kawalan sa mundo ng showbiz...
paiwarang na prinsipyo at walang moral
hay naku ana maceda, rosanna roces, or whatever name u wanna assume... BUMALIK ka na lang sa pegasus dahil dun nababagay ang madumi mong bunganga!
kapalllllll ng mukha mo! adik!
Wag mu na rin isumbat na hndi nakasama ni Jolo ang bata for a long tym,dahil namn un sa pgmamatigas mu.Hndi ba ikaw ang ayaw magpa-hiram ng bata noon kay Jolo..Nagbibigay nman ng sustento yan mga Revilla sau kahit nung mga panahon wla yun bata sa kanila.Hndi nakikita ni Jolo ang anak nya nun kse nakikialam ka.
Kung magsalita ka parang ang galing mong magulang,khit nabuntis pa c Ina,mas pariwara pa rin yan mga anak mu kesa sa mga anak ng Revilla.Grabe,maski highskul di nkatapos yan mga anak mu.Wag mong takutin mga Revilla,mas halang ang kaluluwa nung mga yun kesa sau maniwla ka.
anyway, ang hirap naman intindihin ng away ni osang at revillas.. sabi kasi nagka problema sa lung ang bata sa pagaalaga ni osang, sa puntong yon naiintindihan ko ang side ng mga revillas. BUT, bakit nila inangkin ang bata? maski naman pinapaaral nila si bugoy pwede naman siyang magpunta kina osang pag may bakasyon or one weekend a month. perfect example ng power struggle ito, at ang mga revillas ay power hungry. nagsa suffer ay ang bata dahil lola din naman niya si osang at hindi pwedeng kalimutan na lang. they all need to grow up, theyre all selfish people in my opinion. its no wonder nagkaluko luko ang mga anak nila.
GO GO GO OSANG|||