Hiningan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ng kanyang opinyon ang tinaguriang Philippines' King of Talk na si Boy Abunda hinggil sa mainit na topic ngayon sa mga usap-usapan at umpukan—ang diumano'y relasyon nina Manny Pacquiao at Krista Ranillo.
"Kayo nga yung may litrato diyan, sa'n nyo nakuha yun?" balik-tanong naman ni Boy sa PEP. Ang screen capture na inilabas ng PEP mula sa YouTube video ang siyang tinutukoy ni Boy.
Nagkaroon ng pagkakataon ang PEP at iba pang miyembro ng press na makausap ang talent manager-TV host sa presscon na ibinigay sa kanya ng Pacific Meat Co. Inc. Para sa bagong Argentina Corned Beef TV commercial ni Boy ang presscon na ginanap kaninang tanghali, November 19.
Para kay Boy, kung totoo man ang mga tsismis tungkol kina Manny at Krista, hindi lang daw kasalanan ng isa yun o dapat sisihin ang isa lang sa dalawang pumasok sa gano'ng klaseng relasyon.
"Well, it takes two to tango," sabi niya. "Wala akong masyadong detalyeng alam. Assuming na may katotohanan yung mga kuwento, desisyon nilang dalawa [Manny and Krista] yun. Pangalawa, what drove them into that dalliance or relationship, I don't know, e. Pero my general statement, do I go for a girl or a man having a relationship outside of marriage? Of course not! Ilagay mo na lang ang sarili ito sa sarili mong pamilya... nanay mo, tatay mo, hindi mo naman nanaisin yun.
"Pero to say na [only] one is guilty, naaalanganin ako dun," pahabol niya.
Kung kaharap ba niya ang asawa ni Manny na si Jinkee Pacquiao, ano ang masasabi niya rito?
"Alamin mo ang totoo. Alamin mo talaga ang totoo," sagot agad ng TV host. "Exert every possible effort to know the truth. Again, take it from your husband, kausapin mo. At hangga't kaya mo, as long as there is still love, fight for it.
"You have the right for that marriage. Asawa ka, e. And I know saving the marriage for the sake of the children is one of the reasons, but don't just do it for the children. Do it for yourself. Do it for yourself.
Napasok na ba siya sa ganoong sitwasyon?
Una munang inamin ni Boy na dumaan din siya sa sitwasyon na nababaling sa iba ang kanyang paningin.
"Oo naman. Nangyayari naman 'yan na nanghihina ka at napapatingin ka, at nate-tempt ka, at nagkakasala ka. But I think the issue here is nakakabalik ka ba? Doon sa daan na gusto mo? Nakakabalik ka ba sa relasyon? Nabubuo mo ba ang sarili mo? Oo naman! Pinagdaanan naman ng lahat 'yan. Pinagdaanan ko rin 'yan."
E, siya ba, naranasan niya na bang "maagawan"?
"Oo, guwapo partner ko. Oo naman... Actually, when he was still involved in Philippine Airlines, I was warned by a friend, ako daw ang mag-ingat...," natatawang pagbabalik-tanaw ni Boy.
Nakaranas daw sila ng maraming pagsubok. "You go back to the basics, you go back to the relationship, you go back to the friendship, you go back to the love. You go back to what is real, what is true. And awa ng Diyos, we are on our 26th year."






megs11
Ganoon? Totoo ba ito? Me pagkakautang si Mat Ranillo ke Chit Ramos. Kaya pala sa isang article ay ipinagtanggol ni Chit Ramos si Krista na kelangan ng pera pampagamot sa kapatid na me cleft palate. Kinunsinti pa ni Chit Ramos ang pag prostitute ni Krista ke Manny para naman daw kasi sa kapatid na me sakit.
Yun pala...umaasa ang Chit Ramos na MABABAYARAN na siya ni Mat Ranillo ng pagkakautang sa kanya. Manigas ka, Chit Ramos!!Hindi ganyan ang prinsipyo ni Mat Ranillo. Utang sabay takbo iyan.
Krista, tukso ka!! ang arte mo!!
alagaan mo na lang mga anak mo and sarili mo. Hayaan mo na si Manny and Kirsta na ma-karma ng bongga.
Manny, nakakawala ka ng respeto. Hindi mo na ginalang ang asawa mo at pamilya mo. Nakuha mo pa talagang dalhin yang babae mo na nandyan ang misis mo.
Kung ako si Jinkee, kung ayaw layuan ni manny si K, hayaan na niya, settle na lang siya sa pera na makukuha niya...di naman habang buhay mag boboksing yan, tatanda and he will lose evrything, magkakasakit and iiwanan din iyan ng mga gamiterong tao and pulitiko..hayan mo na si K ang mag alaga. lol.
At hirap na hirap ang kalooban ng lahat na kondenahin si Pacman kahit obvious na halata na me ginagawang hindi maganda ang Pambansang Ibon. Baka kasi mawala sila sa payroll ni Pacman, paktay tayong bata diyan.
i like your wisdom. in this world nothing is really constant. we just have to accept that things happen for a reason.
During Pacman’s post-fight concert at Mandalay Bay, he ignored a request to acknowledge and thank Jinkee onstage, making people conclude that, yes, there must be some trouble in the couple’s marriage, especially when Jinkee cried during the thanksgiving Mass for Pacman where the homily was about the importance of keeping the family intact at all costs and preventing anything that would break it.
When Pacman fought Cotto last Saturday Sunday, Manila Time in Las Vegas, Krista was there, seated at the far end with her father, Mat Ranillo III also seen in some of the Krista-Pacman “sightings,” maybe acting as chaperon because the family is said to be “conservative”, and other members of the family;
while Jinkee, with her twin sister, and their friends were at the ringside.
Of course, it’s not the first time that Krista, who is in her mid-20s, is being linked to a married man.
When she was sweet sixteen, Krista’s name cropped up as one of the reasons behind the break-up of Gina Alajar and Michael de Mesa.
I asked Michael about it then and he answered only with an enigmatic smile.