Isang babaeng nagngangalang "Krissa," na miyembro ng isang bagong all-female sing-and-dance group ang diumano'y nagbabalak magsampa ng demanda laban sa young actor na si Mark Herras.
Ayon sa report sa isang tabloid, nagkakilala raw sina Mark at Krissa sa isang gimikan sa Timog, Quezon City. Sinabi rin ng babae na may nangyari raw sa kanila ng talent ng Kapuso network dahil naging mag-on daw sila nito.
Buntis daw ngayon si Krissa at ipinaalam na raw niya ito kay Mark. Pero wala raw balak si Mark na panagutan ang ipinagbubuntis niya kaya maghahabla siya ngayon.
Nang makausap sa radio program na Wow! Ang Showbiz sa DWIZ si Mark kaninang tanghali, November 20, agad na naitanong sa kanya kung kilala niya si Krissa?
Natawa muna ang young actor bago nakasagot. "Wala! Wala po!" tanggi niya. "Mamatay man ako. Sa sobrang busy ko sa trabaho, wala akong panahon d'yan, saka mabait na po ako."
Siya raw ang ama ng diumano'y ipinagbubuntis ni Krissa?
"Hindi ko alam!" muling natatawang sagot ni Mark. "Pero seryoso po, wala po akong alam sa mga ganyang bagay. Hindi ko alam ang isyu na 'yan. Wala akong idea sa mga nangyayaring 'yan, kaya wala po akong alam diyan."
Sa ganitong klaseng isyu, tila napuntirya ang kauna-unahang Ultimate Male Survivor ng StarStruck na gamitin upang mapag-usapan ang bagong grupo na ito ng mga kababaihan.
"Actually, hindi na naman bago 'yan, e," sabi ni Mark. "May nangyaring aksidente before na, yun nga, may nagsasabi nga na may nabuntis nga akong isang babae. Pero sabi ko naman, 'Sige, labas niyo kung meron kayong ilalabas. Tingnan natin kung totoo.' E, wala naman po, kaya hindi ako natatakot. Alam ko naman po pag sa isyu, at alam ko naman na pag tama ako, hindi naman ako natatakot sa mga ganyan."
Sa ngayon ba ay wala siyang nililigawan o idine-date na babae?
"Wala, wala po. Sobrang busy po talaga sa trabaho, araw-araw po," aniya.
Nakatutok daw nang husto ang atensiyon ng young actor sa mga TV show niya sa GMA-7, kaya wala na raw siyang panahon para gumimik pa.
Dagdag pa ni Mark, "Itong Ikaw Sana, MWF po ang taping. Yung ibang araw ko for SOP rehearsal, then yung ibang araw ko dahil co-host din po ako ng StarStruck."
Pahabol pa ng young actor, ang kilala niya lang daw na "Krissa" ay si Krissa Mae na dating na-link kay Polo Ravales.





stand corrected, sisikat pa si jen kahit may anak kasi talaga naman inihahanda na sila nuon, inuna lang niya ang magkababy kaya na side tracked.
siguro nga dapat magkahiwalay na ang landas ng dalawa. tutal magka-iba sila ng priorities. kung di iniwan ng tatay yun baby, magpursigi pa kaya si jen sa career niya??? tinapon nga niya lahat yun sa hangin nun nakipaglambutsing siya. di na naisip yun binigay sa kanila na opportunity....
o, kapag totoo ito, e di pareho na sila ni jen na may anak pero walang asawa! kaso mas pangit sa babae yun naanakan kaysa sa lalaki na may inanakan...
si jen sisikat dahil may anak na siya? ano kinalaman nun sa pag sikat? yun pwede na siya kahit anong role kasi wala na naman siyang itatago tago eh. ganun ba???
sino ba ang nangailangan ng comeback dahil nawala sa limelight dahil may ginawang milagro??? kung makasalita ang iba dyan masyadong magaling!
as if ang ganda ganda ng mga image ng mga idolo, e, kaliwa't kanan din naman ang mga kinasangkutan...
kung mag on man sila kailangan bang pabuntis agad? halllerrrrrr...... sobrang cheap.............
daig mopa higad sa kati....
gawain ba ng matinung babae ang mag pa kimberly agad ........
loser...............
walang papatol syo..........
kung gawa gawa man ito ng kabila ay sore loser talaga kayo............
ngayon si mark naman ang ginagawan ng issue porket maganda ang ratings ng soap nila ni jen.... sinisira sya...
ganyan din ginawa nila kay aljur db me soap nun at pilit sinisiraan ,,
kay marian din ke dami nilang binato na issue ng nagrarate mga soap......
nakakatawa sila....................
grabeh.................
sayang naman UN mo, wag idamay si bro bad yan.. nakita mo ba ang ratings? mas mataas pa ang ratings ng IKAW SANA nila mark/jen kaysa iba dyan?
c Mark tlaga uNg dinidikitaN mO ah,para sUmikaT kah!
nGee,sbagAy sikaT kC c Mark e!!
IKAW sanA plAng pumapyaGpaG na!
...kHit gnagmIt Mo syA hoindi rIn mNiniwla aNG mGa taO!!
..ghuRl,sTyle Mo bUlOk!as iF nman papatul c MARk nG blah!blah! blah!