Arnold: Ang sweet niyo namang dalawa [Manny at Jinkee]... Manny, okay na kayong mag-asawa, 'no?
Manny: Okay naman kami, wala kaming problema.
Arnold: Alam mo ba nung wala ka rito, biktima ka ng tsismis. Alam mo ba 'yon?
Manny: [tumawa muna siya bago sumagot] Grabe, ganun talaga, e! Sana banggitin naman nila yung ano, pag may tsismis, banggitin nila yung Wapakman. Panoorin nila yung Wapakman sa film festival!
Arnold: Jinkee, kamusta ka na?
Jinkee: Okay naman.
Biniro ni Arnold si Jinkee na hindi na niya ito paiiyakin kaya ang tungkol sa mga bata na lang ang tinanong niya. Kaso lang, hindi marinig ni Jinkee sa override ang tanong ni Arnold kaya hindi niya ito nasagot.
Suzi Entrata-Abrera: Manny, may chance ka pa bang makapagbakasyon, kasama yung family mo na kayo lang para makapag-spend time together?
Mnany: Meron, meron... Magbabakasyon kami after siguro ng school ng mga bata para naman magkaroon kami ng time sa isa't isa, lahat, sa mga bata, bonding with the kids, with the family.
Suzi: Ano ang paborito ninyong gawin? Kayo ba ay sa beach o ano ba?
Manny: Siguro maligo sa dagat. 'Yan ang pinaka-the best.
Drew Arellano: Hindi ba, usually, may mga artista o basketball players, katulad na lang ng roster ng Boston Celtics last time, na pumunta sa dugout mo at nakisaya sa pagkapanalo mo over Oscar dela Hoya? Meron bang pumunta na artista dun sa dugout nang tinalo mo si Cotto?
Manny: Meron naman, meron naman... Nakalimutan ko lang yung mga pangalan pero... [Natawa ang mga host sa sinabi na ito ni Manny kaya maging ang boskingero ay natawa na rin.] May mga pumunta, lalo na sa fight, ang daming pumuntang mga artista.
Lyn Ching: Manny, ano yung feeling mo na yung mga artista, well, yung mga Hollywood stars na mismo ang talagang nagsasabi na, 'Wow, Paquiao is No. 1!"? Hollywood na, sila na ang lumalapit sa 'yo, umiidolo sa 'yo? What do you say?
Manny: Masayang-masaya ako. I'm very happy for that kasi yung mga fans ni Dela Hoya dati, sa akin na sila nagtsi-cheer ngayon, kasi nagretiro naman si Dela Hoya. And then, talagang sinusuportahan nila ako, sumisigaw pa sila, like Mark Wahlberg.
Lyn: Meron ka bang Hollywood stars na gustung-gusto mo talagang makasama, kundi man sa pelikula ay sa dugout pa lang, o makasama papunta sa ring?
Manny: Hindi ko na sila banggitin kasi baka magselos naman yung ibang mga kakilala ko [tumawa siya ulit].
Lyn: Napansin ko, pagbababa pa lang ni Jinkee mula sa escalator, talagang lahat kami dito napamangha na, 'Wow, ang seksi ng misis mo!'
Manny: Ang ganda ng asawa ko! [Nang marinig ni Jinkee ang sagot ng asawa ay napangiti lang ito.]
Lyn: So, does this mean after Queen Elizabeth, magkakaroon ka pa ng maybe prinsipe naman ang tawag niyo?
Jinkee: Palakihin muna namin si Queen Elizabeth bago namin sundan! Kasi maliit pa, e, magwa-one year old pa lang this coming December.
Lyn: May big party ka bang nakahanda para kay Queen Elizabeth? Dito niyo ba ise-celebrate o sa ibang bansa?
Manny: Siyempre, malaki 'yon pag sa birthday niya. Di ko alam, baka dito sa Pilipinas.
Drew: Nabalitaan namin na baka magkaroon ka daw ng pelikula with Rocky himself, Sylvester Stallone. Totoo ba ito?
Manny: [Natawa muna si Manny bago sumagot.] Hindi, may mga kumausap sa akin bago ako umalis. May kumausap sa akin for a reality show sa Amerika.
Lyn: Anong reality show? Based sa boxing o real life?
Manny: Hindi ko pa alam. Basta ano lang, reality show lang ang pinag-usapan namin. Nag-meeting kami bago ako umalis.
Lyn: Paano kung sabihin nila, 'Manny, make a movie here in Hollywood'? Papayag ka ba ?
Manny: 'No problem!' [Natatawang sagot niya.]
Suzi: Sino naman ang gusto mong maging leading lady sa international, kung sakaling Hollywood?
Manny: Ay, hindi na mahalaga sa akin yun. Maganda lang yung maipakita nating performance sa Amerika.






Ano pa ba naman ang iingatan niya sa anak na si Krista? SOLVED na ang problem with Pacman's money.
Ang mga Bit-Ka, marunong humawak iyan ng lalaki para masipsip ang lahat ng para sa asawa at anak. Eh pamilya kaya ng negosyante ang ina ng Krista, nalugi nga lang ng husto! Kaya sana , marunong din si Pacqauio na mag kontrol ng yaman niya. Baka magising na lang siya na nasa pamilya Ranillo na ang mga pera niya at siya ay poor na. Hahanap na naman ang Krista at Mat ng bagong biktima niyan!!
gusto namen MANKEE!! go MANKEE!!
LOL
u need to seek professional help...