Ganadong-ganado si Dingdong Dantes nang mag-taping siya para sa bago niyang hosting job sa Family Feud noong Huwebes ng gabi, Nobyembre 19, sa GMA-7. Sa November 30 ang una niyang labas sa naturang game show kunsaan pinalitan niya si Richard Gomez. Hindi niya inakala na isang araw ay tatayo siya bilang host nito.
"Natatandaan ko pa kasi ang time na naglaro kami sa Family Feud. Team Dyesebel pa kami noon. Muntik na kaming manalo that time. Kaya napapangiti ako kasi hindi ko inakala na balang araw I would be experiencing this bilang game show host na.
"Alam ko na nakapag-establish na si Richard Gomez sa show na ito and that is a tough act to follow. Kaya ginagawa ko rin ang mga ginagawa rin ni Goma. I am being natural and I am enjoying every minute of the show," ngiti ni Dong.
EXIT DINGDONG, ENTER DENNIS. Dahil sa Family Feud ay kinailangang mag-exit si Dingdong sa StarStruck kunsaan four years din siyang naging host. Malungkot man kay Dingdong na umalis sa talent search ay nabigyan naman ang iba ng pagkakataong mag-host nito, at si Dennis Trillo ang napili ng network na pumalit kay Dingdong.
"Para sa akin, magandang replacement for me si Dennis Trillo," diin ni Dingdong.
"With all his achievements as an actor, musician and his charm, he's qualified to be a host of StarStruck. Alam ko na may mga hindi uma-agree pero bigyan naman natin ng chance ang iba, lalo na sa tulad ni Dennis na deserving naman sa mga ginagawa niya.
"Hindi rin mawawala ang i-compare ang type of hosting niya sa type ng hosting ko. It cannot be helped talaga. May kanya-kanya kaming paraan ng pag-host kasi doon lumalabas ang personalidad ng bawat isa sa amin.
"I know that Dennis will be good at it. Nakikita ko naman kay Dennis yung dedication niya sa kanyang mga trabaho. Kaya let's all give him a chance at suportahan natin ang pagpasok ni Dennis sa StarStruck V."
HEAVENLY RATING FOR STAIRWAY. Ang isa pang ikinatutuwa ni Dingdong ay ang patuloy na pagtaas sa ratings ng Stairway To Heaven. Ilang beses na ngang naungusan nito ang Darna ni Marian Rivera. Ilang linggo na lang kasi ang natitira para sa series nila ni Rhian Ramos kaya lalong inaabangan ang mga magagandang eksena nila.
"Masaya kaming lahat sa set kasi yung mga pinaghirapan namin for the past two months nga ay nakikita na namin ang magandang resulta. Natutuwa kami sa patuloy na pagsuporta ng marami sa Stairway To Heaven, lalo na nga't we are nearing yung end pero matagal pa naman. Namnamin pa nila ang mga malalaki at magagandang eksena namin ni Rhian sa show.
"Siyempre ay una naming pinasasalamatan diyan ay ang GMA-7 para sa pagtiwala nila sa aming lahat sa series na ito. Without their help, wala tayong mapapanood na Stairway To Heaven, di ba? Tapos ay lahat na ng involve sa show who worked so hard day and night para mabigyan tayo ng magandang show.
"And of course, not to forget, salamat sa Diyos kasi kung hindi dahil sa Kanya, wala lahat ng ito sa amin. Kaya we give back to Him all the glory. Kung ano ang success ng mga shows namin sa GMA-7, it's all because of the Lord. Kaya maraming, maraming salamat sa Kanya," ngiti ni Dong.
Inaanyayahan ni Dingdong ang lahat ng kabataan na samahan siya sa isang malaking youth gathering ng Ayos Na! movement sa Sunday, November 22, sa Risen Garden na malapit sa Quezon City Hall. Si Dingdong ang youth representative ng Advocates of Youth and Students for Noynoy Aquino (Ayos Na!).
Magkakaroon din ng mini-concert kunsaan tampok sina Frencheska Farr, Geoff Taylor, Aljur Abrenica, Kris Bernal, OJ Mariano, Josh Santana, at marami pang iba.






saying kind words pala..haha
I agree with Carla's hosting style lastnight, para siyang nagbabasa..haha
if ganyan ang thinking ng lahat ng viewers like you, it just means, we have no room for improvement na.
Manangdi is right, they already have severals talents kuno, where are they now? are the talents properly maximized?
Instead we should encourage our local writers to show their craft as well. Mas makakatulong pa yan sa industriya.
kung gustong ipasok si drew arellano as host sa starstruck then better na mawala si raymond gutierrez.. drew is a way better host than him..
engmany
November 22, 2009
12:42 PM Nabago na plugging GMA PinoyTV telenovelas..dati kasi kung di mo raw gusto manood ng baduy manood ka ng sa kanila...na-realize nila na puro nga pala kabaduyan telenovelas nila...kaya baka walang manood...binago nila na kung mababaw daw kaligayahan mo nood ka sa kanila..TUMPAK...mababaw lang kaligayahan ng mga nanonood sa kanila...
___________________
uyyyy, nanonood siya at updated pa
hahahaha!
OO nga remake mga shows ng GMA pero ang mga remake na yon ang nagpapataob sa shows ng kabila. Bat mo bina bother ang mga remake shows ng GMA, tinatangkilik naman at inienjoy ng mga tao?? Ganyan lang talaga ang business kung ano ang in yon ang focus.
di ba dapat we should give much more importance to talent. dennis is very much talented and the most versatile among the gma leading men. whether drama, action, musicalhe plays the guitar and the drums aside from his much improved singing, comedy he doesn't mind playing the astroboy role in bubble gang with tight fitting costume and the hilarious hair of astroboy, haha!... and now hosting.... way to go dennis!!
as for those who want drew as replacement. there is no doubt that drew is a very good in hosting but please remember that the one who should replace dd as host in ss5 should be of same level as an artista 0 isang tunay na actor na tinitangala ang talino ng mga tao..si drew kasi di niya ka-level si dd as an artista... so perhaps another show for drew na lang as host but not in ss5 to replace dong
i applaud dingdong and dennis for being supportive of each other. kasi meron previous pep article si dennis na pinupuri niya si dingdong and now dingdong in this article is also praising dennis.. eh si richard guttierrez kaya? di ko pa nabasang pinuri nya si dd or dt ah... hehe.
Kaya mo yan Dennis! Goodluck sa iyo at agree ako kay Dong na karapat dapat ka!