"Sobrang nakakatuwa si Mar kasi very respectful siya... 'Yan ang isang bagay na nalaman ko tungkol sa kanya, consistent pala siya. Akala ko magbabago kasi malay mo, di ba? Pag mag-asawa na kayo, sinisigawan ka na, panay na ang utos sa iyo, pero hindi pala. Para akong donya," said the renowned broadcaster.
Korina Sanchez talks of wedded bliss with Senator Mar Roxas
Sunday, November 22, 2009
01:44 PM
Rating
With her stature as a highly respected and well-known broadcast journalist, di biro-biro ang mga ginawang pagsasakripisyo ni Korina Sanchez sa kanyang career nang pakasalan niya si Senator Mar Roxas.
Nag-file siya ng indefinite leave sa ABS-CBN News and Current Affairs, at tuluyang namaalam sa radio show nila ni Ted Failon sa DZMM, kung kaya't nagsara na ang Tambalang Failon at Sanchez. Pero mukhang lahat naman nito ay may magandang kinalabasan.
Sa interview sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) habang sinu-shoot ang bagong station ID ng ABS-CBN, masayang ikinuwento ng dating news anchor ang mga nararanasan niya ngayon bilang Korina Sanchez-Roxas.
"Sobrang nakakatuwa si Mar kasi very respectful siya. Parang nagkaroon kami ng bagong uri ng respeto sa isa't isa, parang lalo kaming demonstrative, lalo kaming nagsasabi sa isa't isa kung ano ang naiisip namin, you know, how much we appreciate each other. Talagang gigising 'yan at sasabihin sa akin, 'Alam mo, alam ko kung ano ng sinakripisyo mo para sa akin and ayokong nakakalimutan mo na alam ko yun,' and just today he told me that.
"Yan ang isang bagay na nalaman ko tungkol sa kanya, consistent pala siya. Akala ko magbabago kasi malay mo, di ba? Pag mag-asawa na kayo, sinisigawan ka na, panay na ang utos sa iyo, pero hindi pala. Para akong donya."
DOMESTIC DIVA. Ibinahagi rin sa amin ni Korina ang mga pagbabagong nakita niya sa sarili niya mula nang pumasok siya sa buhay may-asawa.
"I hate to say it pero lumalabas talaga yung pagka-domesticated ko bigla. Dati, wala akong pakialam sa bahay niya, may sarili akong bahay. Yung maganda, sa kanya makalat. Pero ngayon, di na puwede yun. Sinasabihan ko talaga yung mga kasama ko sa bahay, di na ngayon puwede 'yan, ayokong may kalat. Ang mga mesa basta nakitang walang laman, biglang papatungan ng kung anu-ano, di na puwede 'yan ngayon.
"'Saka pag sinabi kong may Christmas tree tayo ngayon, may Christmas tree na tayo ngayon. Di tulad dati na galit na galit siya, Nobyembre pa lang may Christmas tree na siya. Ngayon ako na ang busy sa mga Christmas decorations...
"Ngayon pa lang nagbabalot na ako ng mga regalo, mayroon na ako Christmas lists. Siguro mayroon na ako 40 gifts sa bahay at pamimigay na lang yun. Yung mga giveaways sa wedding na di umabot, can you imagine libo-libo yun, isa-isang pinapadala yun at may thank you card pa 'yan, so I'm very domesticated these days and I think until January domesticated ako."
SECOND HONEYMOON. Ito ang kauna-unahang Christmas nina Mar at Korina bilang mag-asawa, at this December din ay magse-second honeymoon sila. Ang first honeymoon nila ay ginawa sa Japan.
"Excited ako kasi ang balak namin sa Italy kami, kasi ito na yung totoong honeymoon namin kasi yung isa, honeymoon-honeymoon-an lang yun. Ang dami naming trabaho pareho. Bumalik kami agad after eight days and nasa Japan nga kami, nag-iisip pa rin yun ng mga nangyayari dito. Hopefully in December, pupunta kami sa mga lugar na di ko pa napupuntahan. It's going to be my first Christmas out of the country kung matutuloy kami."
Tinanong namin ang batikang broadcaster tungkol sa pagkakaroon ng anak at kung babalik pa siya sa isang daily show gaya ng TV Patrol.
"'Wag na muna nating pag-usapan 'yan, one miracle at a time. Regarding shows, pag-uusapan pa 'yan."
Talagang inaabangan ang mga station ID ng ABS-CBN tuwing may bagong lalabas. Masaya si Korina na parte pa rin siya ng station ID, bilang host ng lifestyle program niyang Rated K.
"Natutuwa ako na ang ABS-CBN, year in and year out, ang gusto talaga nilang ipakita ay pag-asa. Ginagawa nating inspirasyon sa bawat isang tao na bagama't mayroon tayong unos nung mga nakaraang buwan, walang kahit na anong bagyo pagdating sa mga Filipino. Kahit na ilang bagyo pa 'yan, ang pag-asa natin, lulutang at lulutang na parang salbabida."
- Korina Sanchez dismisses separation rumor with DOTC Secretary Mar Roxas
- Noli de Castro and Korina Sanchez return to TV Patrol; Julius Babao and Karen Davila join Ces Drilon in Bandila
- Korina Sanchez on Sen. Mar Roxas's failed VP bid: "Siyempre, para ka rin namatayan."
- Tears For Fears promoter apologizes to Korina Sanchez
- Korina Sanchez says she did not hear people booing her at the Tears For Fears concert
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just key in PEP ON and send to 4627. Available to all Sun, Globe, and Smart subscribers.
More News
- Louise delos Reyes and Enzo Pineda to go on Valentine date via Skype
- Jon Hall on his new romance: "I've had enough drama in my life...I just want a peaceful relationship. Wala nang sigawan or awayan."
- Mikael Daez keeps his shirt on in new series
- For Jennica Garcia, it's career first before love life
- Whitney Houston dead at 48
- Madonna slams M.I.A. for her "teenage" antics at Super Bowl
-
All About
Eugene Domingo: "I hope that the 'woman in the septic tank' gets to wear a gown and walk on the red carpet at the Kodak Theatre!"
-
TV Rating TNS
Three GMA-7 soaps aired their pilot episodes Monday.
-
Travels
Derek Ramsay and Angelica Panganiban in South Africa!
Angelica singles out this trip for bringing her and Derek closer.
-
Fashion
She reveals plan to put up a vintage store.
Most Popular
- Marian Rivera explains visit to taping of a TV5 show; comments on Iza Calzado's transfer to ABS-CBN
- Grace Lee on President Noynoy Aquino: "I like him."
- Kris Aquino: "Annulment is not a cause for joy. The truth is, it was a marriage that failed but it's a cause for optimism."
- Talent manager Shirley Kuan on columnist Dolly Anne Carvajal: "She can stick to her story. She has a story to tell, fine. But it's a lie."
- Hayden Kho, Jr. insists there is "NO infidelity issue" between him and Dra. Vicki Belo; apologizes to Nancy Castiglione
- Mark Bautista remains friends with Piolo Pascual after being involved in the actor's breakup with KC Concepcion
- PEP SPECIAL REPORT PART I: Why the marriage of Kris Aquino and James Yap was declared null and void
- Is it over between Dra. Vicki Belo and Hayden Kho, Jr?
- Part 2 Ynna Asistio to Annabelle Rama: "Bakit napakahirap na pakawalan kami kung talagang ayaw mo sa amin at ipinilit lang kami ng nanay ko sa iyo?"
- Director Mac Alejandre talks about his four-year contract with TV5 and reveals the real reason he left GMA-7
Advertisement

