Sa media launch ng isang product, nakapanayam ng Startalk ang SiS host na si Janice de Belen. Naging sentro ng usapan ang nai-post niya sa kanyang Facebook account.
Diumano'y naglalaman ito ng mga pagkukulang ng dating asawang si John Estrada bilang ama ng kanilang apat na anak.
Ayon kay Janice, "Whenever you analyze what it means, it will always be the same thing."
Dugtong pa niya, "Okay, this is not the first time that this has happened. This is the second time. But I think Facebook is such a big network and it's like a headline, di ba? Like a tabloid na what you post there, people pick it up, 'Talaga?!' So, it is a major impact.
"Pero, like I've said, I was thinking aloud and I think I'm allowed to do that."
Partikular na binatikos ni Janice ang diumano'y kawalan ng suporta ni John sa kanilang mga anak.
"I believe in what I'm fighting for. Isa lang ang sasabihin ko. Kung hindi ko kayang ipaglaban ang mga anak ko, sino ang maglalaban sa kanila? And once again, I stand by what I posted.
"If I have to re-post it again, I will re-post it again."
JOHN RESPONDS. On the other hand, isinulat naman ni Dolly Anne Carvajal sa kanyang column sa isang diyaryo noong November 17 ang buwelta ni John sa mga pinagsasabi ni Janice tungkol sa kanya. Ang mismong girlfriend daw ni John na si Priscilla Meirelles ang nag-udyok kay John na magsalita para ipagtanggol ang sarili laban daw sa ginawang paglalampaso ni Janice rito sa show na SiS.
Ayon kay John, hindi raw totoong wala siyang suportang ibinibigay sa kanyang mga anak. Ang mga bata pa nga raw ang nagpakalma sa ama na pagpasensiyahan na lang ang ina. Baka lang daw wala ito sa mood.
Dagdag pa sa column ni Dolly, baka lang daw extra-sensitive si Janice dahil nagpakasal nang biglaan si Igi Boy, ang anak niya kay Aga Muhlach.






hay naku!
At bakit sa facebook pa.
May ibig sabihin karin lalo at kabe break mu;ang at kaka engage lang ni john.
You don't need to go the facebook, samantalang puede ka naman mag reklamo sa court,di ba namannnnnnnnnnnnn.
Kaya nexts time ha,no buntis na okey.
aral na yan sa dami nang ank nyo...
dun sa mga binibigyan ng excuse si John sana isipin nyo muna mabuti bago kayo mag post.
porke ba hindi nagugutom ang mga anak nila wala nang responsibilidad si John na sustentuhan ang mga anak nya?
Janice seems to be a considerate person, siguro naman kung nakikita nya na John is doing his best to provide for his kids, hindi sya magsasalita ng ganyan. Di ba sasama ang loob nya kung nakikita nya yung tatay ng mga anak nya kondoto branded ang mga suot tapos nabasa ko pa one time sa Yes Mag na he has a bicycle worth Php70,000
me nag post pa na kasi maagang nag asawa si John, 18 yo. well, he's not 18 anymore.
This is probably the result of having gotten married too early. John was only 18 when he married Janice. Barely an adult. He was really like a fish out of the water. He was a very young probinsiyano trying to carve a career in modeling and acting in Manila when Janice got pregnant. He never really had the chance to live the life of a swinging bachelor. Kaya hayan, ngayon pa bumabawi.
Although there are some who marry early or have a shot gun wedding and go on to have successful married lives, meron pa din na hindi nagtatagumpay. Kasama na diyan ang marriage nilang dalawa. Sad but true.
walang kwenta si John!
Susunod automatic na kakaltasin ang child support nya sa sweldo. Ke ayaw o gusto nya.
Sa Pinas, kailangan pang magwala ang mga nanay ng mga anak na hindi sinusuportahan ng ama.
Pag ayaw parin pwede silang makulong.
Dapat ganito din dyan sa 'Pinas.