Nang hingan naman ng mensahe para sa nagkakalat ng mga balita laban kay Krista, ito ang sinabi niya: "Thank you for the publicity. Good or bad publicity is still publicity. And please watch Wapakman."
WHO IS KRISTA? Si Krista ang panganay na anak ng aktor na si Mat Ranillo III sa dating modelo na si Linda Tupaz.
Siya ay nagtapos ng Interdisciplinary Studies sa Ateneo de Manila University noong 2007. Madalas daw siyang makasama sa Dean's List dahil sa matataas niyang marka.
Isinunod ang palayaw ng 23-year-old actress—na ang tunay na pangalan ay Cristalle Lauren Tupaz Ranillo—kay Kristo, na madalas gampanan noon ng kanyang amang si Mat sa pelikula at entablado.
Katulad ng kanyang ama ay nagpakita rin ng interes sa showbiz si Krista. Nagsimula siya sa teenybopper roles sa ilang palabas sa GMA-7, gaya ng Lira at Rio del Mar. Naging bahagi rin siya ng sitcom na Kool Ka Lang, at ng mga soap opera na Ang Iibigin ay Ikaw at Forever In My Heart.
Nawala sa sirkulasyon si Krista nang magdesisyon siyang pagtuunan nang husto ang kanyang pag-aaral sa Ateneo. Pagkatapos ng apat na taon ay nagbalik siya sa showbiz, this time bilang isang sexy actress. Ni-launch siya sa sexy film na Paupahan noong 2008, kasabay ng pagpu-pose niya sa men's magazine na FHM. Naging kolumnista rin siya ng isa pang men's magazine, ang Maxim.
Sa kanyang pagbabalik ay nagdesisyon din siyang lumipat sa ABS-CBN. Ang una niyang proyekto sa Kapamilya network ay ang afternoon series na Pieta, kung saan naging leading lady siya ni Ryan Agoncillo.
Mapapanood si Krista sa pelikulang Wapakman, na pinagbibidahan ni Manny Pacquiao. Dito sa pelikulang ito pinaniniwalaang nagkalapit sina Krista at Manny.
Si Krista ang calendar girl ng Ginebra San Miguel para sa 2010.
Nakabalik na ng Pilipinas si Manny noong Biyernes, November 20, kasama ang kanyang asawang si Jinkee at ang kanyang entourage. Wala pang balita kung nakabalik na rin si Krista sa bansa. Kumpirmadong nagpunta si Krista at ang kanyang pamilya sa U.S. noong panahong nandoon din si Manny. Isa sa dahilan daw ng pagpunta ni Krista sa U.S. ay para suportahan si Manny sa laban nito kay Miguel Cotto.






Tahimik ang mga Ranillo. Nagpapalamig. Pinapatay ang issue.Hahayaan na alng mamatay ang issue .
Wala kasing mailusot!!
Kasi kahit di siputin ang mga engagements dito, me tagabayad na sa mga demanda? Kapal ninyo. Nagbubuhay hari at reyna kayo sa perang dapat kina Jinkee at mga anak!!!
Its easy and its free join Mooplace. Enter the holiday photo competition upload your most impressive photo to wow the judges.
P10,000 - 1st prize winner
P5,000 - 2nd prize winner
P2,000 - 3rd prize winne
ay day dami mong worst karma ang nakapila sau, good luck.
mukhang ang ama ang puno't dulo ah...
nagkautang utang daw ang ama kay de mesa tapos si krista ang pinambayad
balak bumalik sa pulitika, si krista pa rin ang pambayad...
Bravo! Totally agree with your comments! What's sad is that yung baho ng relatives niya nakal-kal ng mga tao ngayon and sinasabi na may pinagmanahan. Kasi naman kung gagawa ka ng ganyan patago sana at matuto kang lumugar diba. Pero ganyan talaga eh feeling siguro ni Krista, Manny and I against the world!
I hope Jinkee will focus on Manny at ng mga needs nito. Huwag muna yang negosyo negosyo chuva na yan! Have time with him. Kasi minsan kahit gaano ka pa ka ganda eh kung hindi mo naman nabibigyan ng attention asawa mo wala rin!
krista - pac u