Pagkatapos humingi ng paumanhin ng Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao sa pamilya Ranillo dahil sa pagkakaugnay niya kay Krista Ranillo, nagbigay naman ng official statement ang manager ng aktres na si Arnold Vegafria.
Sa ipinadalang pahayag ni Vegafria sa PEP (Philippine Entertainment Portal) kahapon, November 23, pinuri ng talent manager ang ginawang paumanhin ni Manny sa pamilya ni Krista. (CLICK HERE to read related story.) Umaasa rin ang manager ni Krista na sa pamamagitan ng "denial" na ito ni Manny ay matigil na raw ang isyu na nag-uugnay sa boksingero at sa aktres.
Wala rin daw basehan ang mga balitang ito tungkol kina Krista at Manny na nagdulot ng matinding pighati sa Ranillo family.
Narito ang kabuuan ng official statement ni Vegafria:
"I'm glad that Manny took the initiative in issuing an apology to the Ranillo family, who has been suffering from anguish because of all the unfounded rumors linking him to Krista. I also hope that his denial will finally put the issue to rest. For what he just did, I commend Manny for being not just a legendary boxing hero but a true gentleman even outside the ring."
Bago man ang pahayag na ito ni Vegafria ay nauna nang nagsalita ang mga kamag-anak ni Krista upang ipagtanggol ang aktres. Sa magkakahiwalay na pagkakataon at paraan ay nagbigay ng kani-kanilang pahayag ang ama ni Krista na si Mat Ranillo III, ang kanyang lola na si Gloria Sevilla, at ang kanyang tiyahin na si Suzette Ranillo. Lahat sila ay nagsabing hindi muna dapat hinuhusgahan ng mga tao si Krista dahil hindi naman daw nila alam ang katotohanan sa isyung ito. (CLICK HERE to read related story.)
THE RUMORED AFFAIR. Hindi maitatangging natabunan ng balita tungkol kina Manny at Krista ang pagwawagi ng Pambansang Kamao kontra kay Miguel Cotto ng Puerto Rico noong November 14 (U.S. time) sa Las Vegas, Nevada. Bago pa man kasi sumabak sa ring si Manny ay mainit na ang usap-usapan sa kanila ni Krista, na sinasabing nagsimula nang magkasama sila sa pelikulang Wapakman.
Marami nang kuwento ang lumabas sa lahat ng klase ng media tungkol sa diumano'y relasyon nina Manny at Krista.
Nariyan ang pagsasabay raw nila sa eroplano papunta at pabalik ng Hong Kong noong September 2009. Sa isang interview ay inamin ni Krista na nagkita sila ni Manny sa Hong Kong, pero magkaibigan lamang daw sila ni Pacman.
THE BAGUIO SIGHTINGS. Nabalita rin ang pagpunta ni Krista sa training ni Manny sa Baguio noong buwan ng Oktubre. At napatunayan ito sa mga naglalabasang mga litrato ngayon sa Internet blogsites kung saan makikita na magkasama nga sina Manny at Krista.
Kasama sa mga litratong lumabas ang ilang kuha kung saan magkatabi sina Manny at Krista habang nasa isang mesa at kumakain. Makikita rin sa mga larawang ito ang ama ni Krista na si Mat Ranillo III.
Pinaniniwalaang parehong araw kinunan ang mga litratong ito nina Manny at Krista, pati na ang kuha kasama si Mat. Sinasabi ring kuha ang mga naturang larawan sa Camp John Hay at Baguio Cathedral.
Sa dahilan kung bakit nandun din sa Baguio si Mat, may reports na lumabas na may balak na namang pasukin ng aktor ang mundo ng pulitika at hinihingi raw nito ang tulong ni Manny.
Magkasama rin sina Manny at Krista nang mamahagi ng relief goods ang Pambansang Kamao para sa mga nasalanta ng bagyong Ondoy. Patunay nito ang mga larawan na naka-post sa Facebook account ng isang singer-actress na kasama rin nila sa relief operation.
KRISTA IN U.S. Kumpirmado rin ang pagpunta ni Krista at ng kanyang pamilya sa U.S., partikular na sa Los Angeles at sa Las Vegas, noong mga panahong nandun din si Manny para sa kanyang laban kay Cotto. Sinabi ng kampo ni Krista na nagpunta ang aktres sa U.S. upang magbigay ng suporta kay Manny sa kanyang boxing match at para na rin sa pagpapaopera ng bunsong kapatid nito na si Trixie.
Lalong umigting ang balitang may namamagitan diumano kina Manny at Krista nang lumabas ang isang video sa YouTube. Makikita sa video habang paalis ang sasakyan ni Manny pagkatapos ng guesting niya sa talk show na Jimmy Kimmel Live sa Los Angeles. Kitang-kita na may kasamang babae si Manny sa loob ng sasakyan ngunit tinakpan ng babae ang kanyang mukha para hindi makunan ng kamera. Pinaniniwalaan ng marami na si Krista Ranillo ang kasamang babae ni Manny sa loob ng sasakyan. (CLICK HERE to read related story.)






It will never be a big deal in the USA because Manny doesn't live in the States.I think Tiger Woods has also become the favorite topic 24/7 in the USA,from tabloid magazines, SNL,cable news, and message boards regarding with his infedelity and it's getting worst because all the women that he had an affair with are all coming out. We tend to be fascinated with the life of the rich and famous. Most of the people who gives their opinion in this websitePEPloves Manny and family specially Jinkee.They just really hate Krista!! This message board is all about Krista.I hope Krista would say something and just get it over with..
Wala kasing mailusot!!
Kasi kahit di siputin ang mga engagements dito, me tagabayad na sa mga demanda? Kapal ninyo. Nagbubuhay hari at reyna kayo sa perang dapat kina Jinkee at mga anak!!!
To quash false rumors, issue a statement IMMEDIATELY, at hindi iyong NO COMMENT na statements. That is basic PR. You should be fired, for ineptness.
Next, you should have ADVISED your client, to avoid being seen in public with the married man, or whomever she is rumored to be romantically linked. If your intention is to use the romantic angle as a marketing tool, you failed miserably. People do not support cheating. Not only is the film going to flop, Manny's political chances are now diminised.
manny needs to keep his pants zipped. krista needs to stop golddigging. but bahala sila kung yan ang gusto nila and accept the consequences.
Itong si God fearing Kristang - lantarang -kulang na lang magpa-posas kay Manny at baka maiwan siya. Pati nga ang father niya kasakasama para siguro hindi makawala ang Manny from them. Grabe ang man to man guarding nila para lang madikit kay Manny for the longest time possible.
Well - time is up...tapos na ang mga pa-Chanel Chanel mo ...dahil palagay ko if someone sees them outside - baka sigawan pa....sa sobrang inis ng tao sa babaeng ito.
You should see the picture Ricky Lo used in his column at the Philippine Star...I actually thought it was not possible for her to look any worse.
Ganyan talaga, yung kulang sa looks - dinadaan sa kapal ng balat and usually sila pa ang matapang - LOL.....
Wala siyang respeto sa sarili niya kaya parang self mutilation ang ginagawa niya. As Jinkee said - bata pa siya...pero I dont think there would be a decent man na magiging serioso sa kanya....Mud sticks and grabe and dumi na dumikit sa kanya at sa pamilya niya. Well it was their choice - walang namilit...sila nga ang nagpipilit ano!
Eh ano yong parang asong sunod ng sunod ang bata mo 'tol. Unfounded pa rin ba yon.
Mabuti pa wag na kayong magsalita kasi wala namang naniniwala sa inyo.
i did not say krista is doing the right thing or should pursue rich, married men.
i am simply defending krista from people condemning her for her involvement with pacman.
let's not forget even if krista initiated the whole thing, pacman could have ignored and deflects krista's actions. if pacman truly values the sanctity of his marriage to jinkee, he could have say to krista, quot;sorry i'm married with childrenquot;, obviously he did not.
i have to work, now i'm back. let's change the scenario.
what if krista fell to someone other than manny? sabihin nating hindi mayaman, will you still feel the same about krista? more than likely not. am i correct or not? the bottom line here is the fact that manny has a lot of money and he choose krista. what ever amount manny spent on krista, is manny's business. those business class trip, hotel accomodations in vegas and even shopping money, if there was any, is simply part of the deal. and i believe all of those expenses is simply part of fringe benefits for allowing manny in krista's life.