Isa na namang Kapamilya ang lumipat sa Kapuso network.
Ito ay si Carlo Guevara, ang hunky male star na nagsimula sa showbiz bilang winner ng Be Bench model search noong 2007 ng ABS-CBN.
"Freelance na ako. Hindi na ako naka-sign up sa ABS. Nag-freelance ako, tapos magsa-sign na ako ng contract sa GMA," banggit ni Carlo nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa It's Raining Men benefit show ng Pagcor-Pavilion sa Coral Ballroom ng Manila Pavilion.
Halos dalawang taon ding namalagi sa Dos si Carlo after his Be Bench victory.
"Automatically meron yung one year and two months contract sa ABS, nabuo ko yun," sabi niya.
Ayon kay Carlo, marami rin naman daw projects na naibigay sa kanya ang ABS-CBN noong nandun pa siya.
"Marami din silang shows na naibigay sa akin, nag-workshop pa ako. Then after nun, meron silang mga shows na ibinigay sa akin, hindi ako nawalan ng show."
Kaya bukod sa one year and a half niyang kontrata after winning sa Be Bench, pumirma ulit siya ng another six-month contract sa Kapamilya network. Nagtapos daw ang kontrata nito lamang October.
NOT BECAUSE OF DAIANA. Pero bakit lumipat sa GMA-7 si Carlo?
"Parang gusto ko na mas malawak yung natatrabaho ko. Mas malawak na puwede sa GMA, puwede sa ABS," sagot ng 20-year-old model turned actor.
Hindi kaya ang isang dahilan ng paglipat niya sa GMA-7 ay para magkasama na sila ng girlfriend niyang si Daiana Menezes, ang Brazilian beauty na isa sa co-hosts ng Eat Bulaga!?
"Hindi!" mabilis niyang tanggi. "Sa trabaho, wala naman kaming pakialaman sa trabaho, professional kami. May trabaho siya, may trabaho ako. Happy naman kami."
Seven months na ngayong November ang relasyon nina Carlo at Daiana.
Ngayong Nobyembre nakatakdang pumirma si Carlo sa GMA-7. Meron na rin daw nakahandang show na sasalihan niya sa Siete. Ilang years ang contract niya sa Kapuso network?
"Hindi ko pa alam. Siguro susubukan ko one year, ganun."






Im sure lahat naman nang actors bread and butter ang trabaho. For you to wait for a year is more than enough. You can't wait forever. Kumakain ka araw-araw at may pamilya ka diba? That's the main concern of the actors. Secondary nalang yang network wars na yan..
ang daming lumilipat sa 2... bakit kaya? bakalumipat na rin si CHARO??? LOL