After staying with ABS-CBN for 17 years, actress Claudine Barretto signed an exclusive two-year contract with GMA-7 today, November 25.

Photo: Noel Orsal

Ilan sa mga pelikulang nagawa niya sa Star Cinema ay ang mga sumusunod: Home Along Da Riles The Movie Part 1 (1993), May Minamahal (1994), Oki Doki Doc The Movie (1995), Radio Romance (1996), Pare Ko (1996), Mangarap Ka (1996), Madrasta (1996), Calvento Files (1997), Flames The Movie (1997), Dahil Mahal Na Mahal Kita (1998), Mula Sa Puso The Movie (1999), Anak (2000), Got 2 Believe (2002), Kailangan Kita (2002), Milan (2004), Nasaan Ka Man (2005), at Dubai (2005).

Ang huling pelikulang ginawa ni Claudine ay ang Sukob noong 2006, kung saan nakasama niya si Kris Aquino.

Pero higit na kinilala si Claudine sa pagganap niya sa mga ginawa niyang teleserye sa ABS-CBN. Ang ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod: Mula Sa Puso (1997), Saan Ka Man Naroroon (1999), Sa Dulo ng Walang Hanggan (2001), Marina (2004), Ikaw ang Lahat Sa Akin (2005), Walang Kapalit (2007), Maligno (2008), at ang pinakahuli ay ang Iisa Pa Lamang noong nakaraang taon.

Sa paglipat ni Claudine sa GMA-7, hindi na matutuloy ang planong pagsasama nila sa teleserye ng kapatid niyang si Gretchen Barretto sa ABS-CBN.