news

Claudine Barretto cuts her ties with ABS-CBN, moves to GMA-7

by Erwin Santiago posted on November 25, 2009  STATS: 6557 Views | 2106 Comments

 

After staying with ABS-CBN for 17 years, actress Claudine Barretto signed an exclusive two-year contract with GMA-7 today, November 25.

Photo By: Noel Orsal

Isa nang Kapuso ang aktres na si Claudine Barretto!

Matagal na ang usap-usapan tungkol sa paglipat diumano ni Claudine sa GMA-7, pero ngayon lang ito nagkaroon ng katotohanan nang pumirma ng two-year contract ang aktres sa Kapuso network. Naganap ang contract-signing kaninang hapon, November 25, sa GMA Network Center.

Kasamang dumating ni Claudine sa tanggapan ng GMA-7 ang kanyang mga magulang. Present naman sa contract signing ang top executives ng Kapuso network na sina Atty. Felipe Gozon (CEO and President), Mr. Jimmy Duavit (COO and Vice President), Anette Gozon Abrogar (GMA Films President), at Wilma Galvante (SVP for Entertainment TV).

Ayon kay Claudine, naging mabilis daw ang pangyayari kaugnay ng pagpirma niya ng kontrata sa GMA-7.

Kuwento niya, "Everything was really, really fast, itong pangyayaring 'to. Hindi kami talaga prepared. Like yesterday, sinabi, 'Okay, we'll sign na today.'"

Ano naman ang pakiramdam niya na isa na siyang Kapuso?

"Parang naninibago, pero I think nangunguna sa lahat ng nararamdaman ko ngayon yung excitement. At the same time, excited talaga ako dahil magaganda yung mga nakahilerang projects for me," sabi ni Claudine.

Masaya rin daw si Claudine dahil magkakaroon na siya ng pagkakataon na makasama ang kanyang mister na si Raymart Santiago, na napapanood sa Darna.

Ayon sa ulat ni Lhar Santiago para sa GMA News, hindi naging mahaba ang negosasyon para sa paglipat ni Claudine sa Kapuso network. Nagsimula raw ang lahat sa paggawa ng pelikula ng aktres sa Viva Films.

"Claudine has a movie with Viva, and then they offered us [GMA Films] to co-produce it. So, sabi namin, 'Wow, dream come true to have a movie with Claudine!' We never thought that we could do a movie with Claudine," lahad ng GMA Films president na si Ms. Anette.

Ang pagiging Kapuso ang ikalawang pinakamalaking hakbang na ginawa ni Claudine sa career niya ngayong taon. Una ay ang pagpirma niya ng two-picture contract sa Viva Films noong October 8. (CLICK HERE to read related story.)

GOODBYE ABS-CBN. Marami ang nagulat sa desisyong ito ni Claudine dahil 17 years ang inilagi niya sa ABS-CBN. Sa katunayan, isa si Claudine sa itinuturing na pinakasikat at pinakamalaking female stars ng Kapamilya network.

Noong nakaraang concert ng Star Magic sa Araneta Coliseum noong November 13 ay nandun pa Claudine. Sila ni Piolo Pascual ang naging finale ng show.

Pero may bulung-bulungan din na matagal-tagal na raw hindi maayos ang relasyon ni Claudine sa ABS-CBN, partikular na sa talent arm nitong Star Magic. Noong nakaraang taon pa ang huling teleserye na ginawa ni Claudine sa ABS-CBN, ang Iisa Pa Lamang, at mukhang nainip na ang aktres sa susunod niyang proyekto. Bagamat nagkaroon siya ng special guest appearance sa May Bukas Pa ngayong taon.

Nagsimula ang showbiz career ni Claudine bilang teen star noong 1992 sa pamamagitan ng youth-oriented TV show ng ABS-CBN na Ang TV at sa sitcom na Home Along Da Riles. Bagama't ang mga una niyang pelikula ay mula sa Seiko Films, naging exclusive contract star siya ng Star Cinema, ang film arm ng ABS-CBN.

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

2106 Comments

  • 1386  angeleeaiko

    11/26/2009 | 08:01 PM
    NOW si PILO na ang REYNA ng ABS!!!!!!!!!!!!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1385  angeleeaiko

    11/26/2009 | 08:01 PM
    malaking SAMPAL SA ABS ITO HAHAHAHAH
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1384  karen143

    11/26/2009 | 08:00 PM
    aldreyna..

    sa paglipat nya sa gma..=dramarama sa hapon! ahahaha!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1383  ClickHere1

    11/26/2009 | 07:57 PM
    sana si angel locsin na lang kinuha ng GMA.. for sure gusto ng bumalik ni angel sa dati niyang tahanan...

    if angel will move back to GMA and combine her powers with marian, naku lulubog na sa utang ang dos-por-dos!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1382  aldreyna

    11/26/2009 | 07:56 PM
    sa paglipat ni clau sa GMA..kawawa yung mga ibang starlets masasapawan lng...hahahaha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1381  mjay18

    11/26/2009 | 07:54 PM
    korak!

    anyway.. curious akoh sa mga projects ni Claudine sa GMA.. hehehehe.. excited..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1380  skyward

    11/26/2009 | 07:52 PM
    Big stars c kim chu at gerard??? dko nga kilala mga yon..naririnig ko lang mga pangalan nila minsan lang pero dko kabisado itsura nila.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1379  KOPITA

    11/26/2009 | 07:50 PM
    Kahit ang tagal na ni claudine sa dos?bago loyalty future muna nakabakante siya sayang nga nmn ang panahon d nmn siya bumabata,kelangan talaga sa panahon ngaun kayod ng kayod para mkaipon lalo na sa showbiz...wise descision claudine
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1378  coteazur

    11/26/2009 | 07:47 PM
    gma ang takbuhan nang mga LAOS
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1377  kinabog

    11/26/2009 | 07:38 PM
    Kelan naging big stars ito?
    Kim chiu?
    gerald anderson?

    natawa ako dun.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1376  angelicapril

    11/26/2009 | 07:38 PM
    ,grave talaga taung mga Pilipino...wa namang kamalay malay si Ms. Angel ditoh peroh nasasali parin at natitira ng bo0o0nggang bongga...ne wa nga kong nakikitang Angel Locsin na word sa article na toh...tsk tsk tsk...let us all be fair...thanks :D
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1375  reynolds

    11/26/2009 | 07:34 PM
    sana magkaroon siya ng maraming projects sa GMA. di naman siya kawalan since matagal na siyang walang project meaning in doubt ang ABS kung magri-rate ang soap niya. siguro for 2 yrs mapapakinabanagan ng GMA si Claud pero lalamya din yan tulad ni jolens... i bet nanggagalaiti sa galit yung GMA talents kasi may nag-overtake sa pila kung sino mabibigyan ng projects. in the end ABS ata maghahari sa loob mismo ng GMA....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1374  pusongpinoy111213

    11/26/2009 | 07:28 PM
    ang situation ni angel and claudine e mag kaiba, si angel pagod na pagod na daw kasi sunod sunod ang project gustong mg rest kaya lumipat sa abs cbn. si claudine naman walang work kaya lumipat.

    sa GMA BUSY ANG MGA TAO DUN DAMING GINAGAWA.

    SA ABS CBN PETIKS MGA TAO DUN, KAYA PEDENG MAG PAHINGA.

    ang abs cbn. nag hihintay na lang ng bagong concept sa ibang networks then gagayahin.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1373  poipoi0331

    11/26/2009 | 07:27 PM
    never in my life na inisip ko na magiging kapuso ang mga artists na to:

    Kim chiu
    gerald anderson
    Judy ann santos
    CLAUDINE BARRETO
    sarah geronimoDi xa sa gma nagsimula, sa dos po


    Why? Because they are big stars of dos. At nagulat talaga ako kay clau, di ko alam kung bakit niya ginawa un. Grabe, Ang reyna ng dos, umalis, grabe, nashoshock padin ako
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1372  dracula258

    11/26/2009 | 07:16 PM
    ngapala..

    abs cbn mahilig mag brain wash..

    yakz..

    i remember nung lumipat c angel sa dos poor dos..

    inungkat tlga ng the buzz na c angel daw may sex videos..

    helow!!! nasa gma pa c angel eh meron na nun taz ssbhin nla boy at kris na naglabasan daw ung scandal..

    cla lng nman umungkat...

    kaya c angel inakala na gma may gawa nun..

    hahaha..

    langyah..

    mga kapamilya looossserrr everrrr..

    ayw lng kc nla na umalis pa sa knla c angel..

    toinkss..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1371  akosigotti

    11/26/2009 | 07:10 PM
    ayan atleast may artista na ang gma ngayon.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1370  dracula258

    11/26/2009 | 07:10 PM
    hahaha..

    cnicngit nio d2 mga flop na movies..

    eh ung

    LOVE ME AGAIN NGA hnd man lng umabot ng 5million..

    hahahha..

    angel piolo na un..

    hahha..

    from, susan roces-claudine barreto-bayani agbayani...

    cnu pa kya susunod..


    A B A N G A N.....

    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1369  4dlynx

    11/26/2009 | 07:08 PM
    Si Claudine ang face ng Star Magic... bakit sya pinabayaang umalis???
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1368  just_fan

    11/26/2009 | 07:08 PM
    ang paglipat lipat ng mga yan, way of making names lang sila! si claudine? naku sinira lang niya record niya... tignan lang natin kung pumatok siya sa gma... naku... claudine... lumipat ka sa second priority lang na status... reyna ka na bumaba ka pa sa pagiging alipin! good luck nalang! baka hanapin mo ang quality na abs lang ang nakakagawa!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1367  malayKo

    11/26/2009 | 06:52 PM
    Sa LAHAT ng mga LUMIPAT...
    ONLY ANGEL ang hirap ng makabalik pa sa pinanggalingang istasyon! Bakit kaya? Not a good example ang naging way nia ng paglipat...

    At sa lahat ng lumipat, xa lang talaga ang nabansagang inggrata. To name a few na nakakabalik naman 0r welcome pa rin sa pinanggalingang network
    -Angelika dela Cruz
    -Heart
    -Camille Prats
    -Jolina
    -Cristine Reyes
    -Jake Cuenca
    -Glaiza
    -Bayani
    -Toni G.
    -Sarah G.
    -Anne C.
    etc etc...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About