Isa nang Kapuso ang aktres na si Claudine Barretto!
Matagal na ang usap-usapan tungkol sa paglipat diumano ni Claudine sa GMA-7, pero ngayon lang ito nagkaroon ng katotohanan nang pumirma ng two-year contract ang aktres sa Kapuso network. Naganap ang contract-signing kaninang hapon, November 25, sa GMA Network Center.
Kasamang dumating ni Claudine sa tanggapan ng GMA-7 ang kanyang mga magulang. Present naman sa contract signing ang top executives ng Kapuso network na sina Atty. Felipe Gozon (CEO and President), Mr. Jimmy Duavit (COO and Vice President), Anette Gozon Abrogar (GMA Films President), at Wilma Galvante (SVP for Entertainment TV).
Ayon kay Claudine, naging mabilis daw ang pangyayari kaugnay ng pagpirma niya ng kontrata sa GMA-7.
Kuwento niya, "Everything was really, really fast, itong pangyayaring 'to. Hindi kami talaga prepared. Like yesterday, sinabi, 'Okay, we'll sign na today.'"
Ano naman ang pakiramdam niya na isa na siyang Kapuso?
"Parang naninibago, pero I think nangunguna sa lahat ng nararamdaman ko ngayon yung excitement. At the same time, excited talaga ako dahil magaganda yung mga nakahilerang projects for me," sabi ni Claudine.
Masaya rin daw si Claudine dahil magkakaroon na siya ng pagkakataon na makasama ang kanyang mister na si Raymart Santiago, na napapanood sa Darna.
Ayon sa ulat ni Lhar Santiago para sa GMA News, hindi naging mahaba ang negosasyon para sa paglipat ni Claudine sa Kapuso network. Nagsimula raw ang lahat sa paggawa ng pelikula ng aktres sa Viva Films.
"Claudine has a movie with Viva, and then they offered us [GMA Films] to co-produce it. So, sabi namin, 'Wow, dream come true to have a movie with Claudine!' We never thought that we could do a movie with Claudine," lahad ng GMA Films president na si Ms. Anette.
Ang pagiging Kapuso ang ikalawang pinakamalaking hakbang na ginawa ni Claudine sa career niya ngayong taon. Una ay ang pagpirma niya ng two-picture contract sa Viva Films noong October 8. (CLICK HERE to read related story.)
GOODBYE ABS-CBN. Marami ang nagulat sa desisyong ito ni Claudine dahil 17 years ang inilagi niya sa ABS-CBN. Sa katunayan, isa si Claudine sa itinuturing na pinakasikat at pinakamalaking female stars ng Kapamilya network.
Noong nakaraang concert ng Star Magic sa Araneta Coliseum noong November 13 ay nandun pa Claudine. Sila ni Piolo Pascual ang naging finale ng show.
Pero may bulung-bulungan din na matagal-tagal na raw hindi maayos ang relasyon ni Claudine sa ABS-CBN, partikular na sa talent arm nitong Star Magic. Noong nakaraang taon pa ang huling teleserye na ginawa ni Claudine sa ABS-CBN, ang Iisa Pa Lamang, at mukhang nainip na ang aktres sa susunod niyang proyekto. Bagamat nagkaroon siya ng special guest appearance sa May Bukas Pa ngayong taon.
Nagsimula ang showbiz career ni Claudine bilang teen star noong 1992 sa pamamagitan ng youth-oriented TV show ng ABS-CBN na Ang TV at sa sitcom na Home Along Da Riles. Bagama't ang mga una niyang pelikula ay mula sa Seiko Films, naging exclusive contract star siya ng Star Cinema, ang film arm ng ABS-CBN.






at ang pinakamasakit na part is when ABS doest even care na pumirma xa sa Viva kaya nasaktan c dabiana...
at least wala ng kaagaw c juday sa pagiging reyna....
napakasakit kuya eddie...
GMA RULES...
GMA RULES...
ABSCBNs starbuilder power already ended! Kumbaga ABSCBN is the past. GMA7 is the reigning starbuilder netwrk! Wg n magmalaki ang mga kapams kasi history n lng ABSCBN glorious years. GMA7 keeps making history nowadays! Mag move on na kasi kyo mga kpams!
Si Marian Rivera nga lng e hnd nyo mapataob! As in hnd natinag ng mga cnasabi nyong sikat na artsta s dos c Marian. Hala ibubuking pa ni tito alfie ang mismanagement ng ABSCBN.
you're sooo great clau..
Welcome home..
This is where you belong..
Goodluck...
GMA RULES...
i believe what you said, the people's loyalty belongs to the network.
i know someone who was the number one defender of angel locsin, when she left for abs, he hated her to high heavens. now he supports marian rivera, and when asked what will he do if ever marian will switch to abs, he told me, i will also hate her like i hate angel locsin now.
Hindi lang sila. nakalimutan mo si Sunshine Dizon.
Isama pa ang starlets na nagpapakain ng alikabok sa kabilang istasyon
Katrina Halili
Nadine Samonte
Yasmien Kurdi
Glaiza De Castro
Iwa Motto
Isabel Oli
Camille Pratts
Lovi Poe
Pauleen Luna
Maxeen Magalona
Ehra Madrigal
Sheena Halili
Chynna Ortaleza
Bianca King
Arci Munoz
Whos next? Hindi na kmi magtataka kung pati si Maricel Soriano lumipat n rn. Claudine is claudine, she remains ABSCBNs Queen of Star Magic! Si Angel, hnd na sya queen kundi starlet ng ABSCBN! Dahil mas bonggang Reyna na ngun si Marian Rivera!
Nalampasan nya ung narating ni Angel d2 s GMA7. Nobody can replace Claudine s ABSCBN, buti pa GMA7, ang bilis nkahanap ng kapalit ni Angel!
This is a blackout news for ABSCBN kasi lalong mapapahiya lng nmn sla! Common sense! Kelan b nagreport ang ABSCBN ng totoo? At least s GMA7, lam mong updated mga news nla s showbz.
Kapams pretendng to be ok! Hahaha! Lapit n rn yn c Juday! Tatapucn n lng nya kontrata nya s paltos laos dos!
regarding angel's transfer to abs from gma, there is a much deeper reason why she left, remember she was the queen of gma back then, and it's true that she declared that she will not leave gma because of that but she took a big risk and switched, have you ever asked yourselves why will she throw all of that away?
i was like you before, hurt and angry at her decision, but when i found out the true reason, i began to understand, too bad i'm not at liberty to tell.
believe what you want to believe but let me tell you this, angel is a good person.