Isa nang Kapuso ang aktres na si Claudine Barretto!
Matagal na ang usap-usapan tungkol sa paglipat diumano ni Claudine sa GMA-7, pero ngayon lang ito nagkaroon ng katotohanan nang pumirma ng two-year contract ang aktres sa Kapuso network. Naganap ang contract-signing kaninang hapon, November 25, sa GMA Network Center.
Kasamang dumating ni Claudine sa tanggapan ng GMA-7 ang kanyang mga magulang. Present naman sa contract signing ang top executives ng Kapuso network na sina Atty. Felipe Gozon (CEO and President), Mr. Jimmy Duavit (COO and Vice President), Anette Gozon Abrogar (GMA Films President), at Wilma Galvante (SVP for Entertainment TV).
Ayon kay Claudine, naging mabilis daw ang pangyayari kaugnay ng pagpirma niya ng kontrata sa GMA-7.
Kuwento niya, "Everything was really, really fast, itong pangyayaring 'to. Hindi kami talaga prepared. Like yesterday, sinabi, 'Okay, we'll sign na today.'"
Ano naman ang pakiramdam niya na isa na siyang Kapuso?
"Parang naninibago, pero I think nangunguna sa lahat ng nararamdaman ko ngayon yung excitement. At the same time, excited talaga ako dahil magaganda yung mga nakahilerang projects for me," sabi ni Claudine.
Masaya rin daw si Claudine dahil magkakaroon na siya ng pagkakataon na makasama ang kanyang mister na si Raymart Santiago, na napapanood sa Darna.
Ayon sa ulat ni Lhar Santiago para sa GMA News, hindi naging mahaba ang negosasyon para sa paglipat ni Claudine sa Kapuso network. Nagsimula raw ang lahat sa paggawa ng pelikula ng aktres sa Viva Films.
"Claudine has a movie with Viva, and then they offered us [GMA Films] to co-produce it. So, sabi namin, 'Wow, dream come true to have a movie with Claudine!' We never thought that we could do a movie with Claudine," lahad ng GMA Films president na si Ms. Anette.
Ang pagiging Kapuso ang ikalawang pinakamalaking hakbang na ginawa ni Claudine sa career niya ngayong taon. Una ay ang pagpirma niya ng two-picture contract sa Viva Films noong October 8. (CLICK HERE to read related story.)
GOODBYE ABS-CBN. Marami ang nagulat sa desisyong ito ni Claudine dahil 17 years ang inilagi niya sa ABS-CBN. Sa katunayan, isa si Claudine sa itinuturing na pinakasikat at pinakamalaking female stars ng Kapamilya network.
Noong nakaraang concert ng Star Magic sa Araneta Coliseum noong November 13 ay nandun pa Claudine. Sila ni Piolo Pascual ang naging finale ng show.
Pero may bulung-bulungan din na matagal-tagal na raw hindi maayos ang relasyon ni Claudine sa ABS-CBN, partikular na sa talent arm nitong Star Magic. Noong nakaraang taon pa ang huling teleserye na ginawa ni Claudine sa ABS-CBN, ang Iisa Pa Lamang, at mukhang nainip na ang aktres sa susunod niyang proyekto. Bagamat nagkaroon siya ng special guest appearance sa May Bukas Pa ngayong taon.
Nagsimula ang showbiz career ni Claudine bilang teen star noong 1992 sa pamamagitan ng youth-oriented TV show ng ABS-CBN na Ang TV at sa sitcom na Home Along Da Riles. Bagama't ang mga una niyang pelikula ay mula sa Seiko Films, naging exclusive contract star siya ng Star Cinema, ang film arm ng ABS-CBN.






Eat Bulaga,
Daisy Siete,
Kaya Kong Abutin Ang Langit,
Tinik Sa Dibdib,
FAMILY FEUD to be hosted by Dingdong,
Ikaw Sana,magkakabalikan na ba sina Eliza at Michael?
24 Oras,
DARNA, ang book 2 at pagdating ng mga bagong villains sa katauhan nina Regine, Rochelle, Katrina, Akihiro, Jackie Rice, etc.Anong mga katauhan nila? Huling laban na nga ba ng lider ng natitirang Babaeng villains na si Linta? Matutulungan na nga ba ni Darna si Aleli? Ipagtatapat na ba ni loleng ang katotohanang anak ni Alicia si Narda? Lalaki na nga ba si Serpina?
Claudine continues to shine and remains a Queen!
hayaan na si claudine
kung saan sya masaya dun sya
mga kapamilya
wag natin gayahin ang ginawa
ng mga kapusonegro
na sobrang panlalait at kabastusan
k angel locsin dati
napakarami pa namang
magagaling at sikat
na kapamilya star
unlike sa gma7
uhaw na uhaw sa mga sikat
iilan lang ang sikat sa gma7
kaya halos sambahin nila si clau...
godbless and more power miss clau...
totoo ba lahat toh??? kasi E! News isa smga pinakasikat n showbiz channel s US. Cnbi ng E! news un??? dingdong 3rd's sexiest man alive??? iza npnuod q un echo ng hollywood ksma nga xa, at s emmys dn nga ata xa nanominate nun, pro d nla gnwang big deal. my tanung pa q last n tanung.
si LEA SALONGA ba galing sa syete dti p??? sna msagot nyo. bka dpa kc aq buhay nun eh. ndi rn aq mkpniwala s cnbi mo 1807, LEA SALONGA tga syete pla xa. sagutin nyo, info pls?? slamat.
Sabi nila quot;Claudine could not have been the Claudine right now if she had started and grew up in GMA,she is Claudine now because she was trained in ABSquot;, somehow it's a fact, but I think growing won't stop there. I wish she will learn a lot more in her new home. With her husband would perhaps be more interesting. I will miss watching you in TFC, but like any other peopl
ang alam ko pag ang isang artistang laos hindi na napapanood sa tv
si clau ang dami nya kayang commercial saka ang artistang laos hindi na napag uusapan pa
tingnan nyo yung laos na talaga wala masyado comment hahaha minsan 10 lang na comment 5 minsan wala haha