Isa nang Kapuso ang aktres na si Claudine Barretto!
Matagal na ang usap-usapan tungkol sa paglipat diumano ni Claudine sa GMA-7, pero ngayon lang ito nagkaroon ng katotohanan nang pumirma ng two-year contract ang aktres sa Kapuso network. Naganap ang contract-signing kaninang hapon, November 25, sa GMA Network Center.
Kasamang dumating ni Claudine sa tanggapan ng GMA-7 ang kanyang mga magulang. Present naman sa contract signing ang top executives ng Kapuso network na sina Atty. Felipe Gozon (CEO and President), Mr. Jimmy Duavit (COO and Vice President), Anette Gozon Abrogar (GMA Films President), at Wilma Galvante (SVP for Entertainment TV).
Ayon kay Claudine, naging mabilis daw ang pangyayari kaugnay ng pagpirma niya ng kontrata sa GMA-7.
Kuwento niya, "Everything was really, really fast, itong pangyayaring 'to. Hindi kami talaga prepared. Like yesterday, sinabi, 'Okay, we'll sign na today.'"
Ano naman ang pakiramdam niya na isa na siyang Kapuso?
"Parang naninibago, pero I think nangunguna sa lahat ng nararamdaman ko ngayon yung excitement. At the same time, excited talaga ako dahil magaganda yung mga nakahilerang projects for me," sabi ni Claudine.
Masaya rin daw si Claudine dahil magkakaroon na siya ng pagkakataon na makasama ang kanyang mister na si Raymart Santiago, na napapanood sa Darna.
Ayon sa ulat ni Lhar Santiago para sa GMA News, hindi naging mahaba ang negosasyon para sa paglipat ni Claudine sa Kapuso network. Nagsimula raw ang lahat sa paggawa ng pelikula ng aktres sa Viva Films.
"Claudine has a movie with Viva, and then they offered us [GMA Films] to co-produce it. So, sabi namin, 'Wow, dream come true to have a movie with Claudine!' We never thought that we could do a movie with Claudine," lahad ng GMA Films president na si Ms. Anette.
Ang pagiging Kapuso ang ikalawang pinakamalaking hakbang na ginawa ni Claudine sa career niya ngayong taon. Una ay ang pagpirma niya ng two-picture contract sa Viva Films noong October 8. (CLICK HERE to read related story.)
GOODBYE ABS-CBN. Marami ang nagulat sa desisyong ito ni Claudine dahil 17 years ang inilagi niya sa ABS-CBN. Sa katunayan, isa si Claudine sa itinuturing na pinakasikat at pinakamalaking female stars ng Kapamilya network.
Noong nakaraang concert ng Star Magic sa Araneta Coliseum noong November 13 ay nandun pa Claudine. Sila ni Piolo Pascual ang naging finale ng show.
Pero may bulung-bulungan din na matagal-tagal na raw hindi maayos ang relasyon ni Claudine sa ABS-CBN, partikular na sa talent arm nitong Star Magic. Noong nakaraang taon pa ang huling teleserye na ginawa ni Claudine sa ABS-CBN, ang Iisa Pa Lamang, at mukhang nainip na ang aktres sa susunod niyang proyekto. Bagamat nagkaroon siya ng special guest appearance sa May Bukas Pa ngayong taon.
Nagsimula ang showbiz career ni Claudine bilang teen star noong 1992 sa pamamagitan ng youth-oriented TV show ng ABS-CBN na Ang TV at sa sitcom na Home Along Da Riles. Bagama't ang mga una niyang pelikula ay mula sa Seiko Films, naging exclusive contract star siya ng Star Cinema, ang film arm ng ABS-CBN.






dapat on your own ka...kasi kung makonsensiya ka, hindi ibang tao ang madidisturb kundi ikaw rin ang susufer...
feel ko wala pa ring peace of mind c angel ngayon... magpapasko na naman, kahit pagbati nalang sa mga bosses ng GMA7 ang gagawin niya...
Ay sus ang plastik ng comment mo na si Mark Anthony fernandez ang pinanood ng nagpunta ang Darna cast sa Japan hahaha.
Isang kalokohan pinagsasabi mo dahil si Marian ang bida hahaha.
Walang facts sa sinabi mo dahil pinatunayan na ni Marian na magaleng siyang arista.
No.1 ang Marimar, Dyesebel. ABHST despite pang matured ang galeng nya dun.
Yung mga awards awards na yan lalo na paggaling sa KBP at PMPC kaduda duda hehehe.
Marian can act naturally in drama at comedy.
Marian kayang makipagsabayan kay Claudine. ang problema lang sa local awards yung iba nalalagyan. Tingnan nyo ang PMPC hello sino ba mas marami nominations jan mga kapamilya. why kasi may execs ng dos dati nanjan na at staff ng the buzz.
hehehe
abangan na lang natin
kung magniningning ang
kanyang career sa gma7
tulad nina jolina,marvin,
patrick,pauleen,camille etc.
goodlooks
di naman kasi pinirata yan eh. yung kay angel iba yun - PIRATA yun at active na active pa siya sa gma nun. ano ka ba? puwede ba mag-isip ka naman ha, badlooks?
bago ka mag comment ng ganyan basahin mo muna yung mga comment ng kapwa mo kapamilya na ganun ganun nalang libakin si claudine para di ka mag mukhang engoters sa mga sinasabi mo.
JULEY
November 26, 2009
15:22 PM welcome!syo claudine and goodluck sana makatrabaho mo agad si gandang marian.
Salamat sa pagWELCOME
k CLAUDINE!!! Pero un idea n i-include o pagsamahin sa isang project kaagad k Marian eh wag n muna...magworkshop muna c Marian for 2-3 yrs para d xa malamon ni Clau-Clau ng buong-buo walang nguyaan as in lululunin xa ng parang sa ANACONDA. HEHEHEHE...PEACE im just stating the facts....
for claudine gudlak...she just wanna experience working with different people...and to be able to work finally with her husband...natatabunan na kasi siya sa abs..dami kasi dun mga reyna...at least sa gma, si MR lang ang kalaban niya...oops I forgot andyan din pala si Rhian...wait, there's more si Gng. A. Rama...
sana balikan nyo yung mga comment nyo
dati k angel locsin
para makita nyo kung gaano kayo kabastos,
walang modo at asal iskwater
ang point ko...
kami mga kapamilya
hindi namin gagawin yan k claudine
khit lumipat sya ng biglaan
wala kang mababasa ditong comment
from kapamilya na below the belt...
Pinirata I'm sure.
Tapos nafrozen, bumalik sa GMA na tinaggap pa rin naman nila.
Sa ABS yes maraming big stars kasi ung iba mga veteran stars na like Shawie, Kris, etc.
Sa GMA ang Darna namayagpag sa U.S.A at ngayon naman sa Japan marami watch na mga pinoys hehhe. Ang Marimar at Dyesebel ay magkaroon ng airing sa ibang asian countries nabili na ang rights.
Dingdong Dantes - 3rd sexiest man in the world by Hollywood E! foreigners ang pumili.
Manny - sobrang kilala sa buong mundo, hindi lang ng mga pinoys!!!!!!
So ang certified sikat mga kapuso hehehe
2008 int'l awards
GMA and QTV - 24 awards
ABS - 2 awards
So tama desisyon ni Claudine mapabilang sa tunay na sikat at No. 1 na network hehehe.
drake1
may point ka diyan.
gma mas makatotohanan kaya nga serbisyong totoo, walang pinapanigan, walng kasinungalingan...
sa kabila: panig sa __________, panig __________. may pinapanigan pa rin hehehe...