Isa nang Kapuso ang aktres na si Claudine Barretto!
Matagal na ang usap-usapan tungkol sa paglipat diumano ni Claudine sa GMA-7, pero ngayon lang ito nagkaroon ng katotohanan nang pumirma ng two-year contract ang aktres sa Kapuso network. Naganap ang contract-signing kaninang hapon, November 25, sa GMA Network Center.
Kasamang dumating ni Claudine sa tanggapan ng GMA-7 ang kanyang mga magulang. Present naman sa contract signing ang top executives ng Kapuso network na sina Atty. Felipe Gozon (CEO and President), Mr. Jimmy Duavit (COO and Vice President), Anette Gozon Abrogar (GMA Films President), at Wilma Galvante (SVP for Entertainment TV).
Ayon kay Claudine, naging mabilis daw ang pangyayari kaugnay ng pagpirma niya ng kontrata sa GMA-7.
Kuwento niya, "Everything was really, really fast, itong pangyayaring 'to. Hindi kami talaga prepared. Like yesterday, sinabi, 'Okay, we'll sign na today.'"
Ano naman ang pakiramdam niya na isa na siyang Kapuso?
"Parang naninibago, pero I think nangunguna sa lahat ng nararamdaman ko ngayon yung excitement. At the same time, excited talaga ako dahil magaganda yung mga nakahilerang projects for me," sabi ni Claudine.
Masaya rin daw si Claudine dahil magkakaroon na siya ng pagkakataon na makasama ang kanyang mister na si Raymart Santiago, na napapanood sa Darna.
Ayon sa ulat ni Lhar Santiago para sa GMA News, hindi naging mahaba ang negosasyon para sa paglipat ni Claudine sa Kapuso network. Nagsimula raw ang lahat sa paggawa ng pelikula ng aktres sa Viva Films.
"Claudine has a movie with Viva, and then they offered us [GMA Films] to co-produce it. So, sabi namin, 'Wow, dream come true to have a movie with Claudine!' We never thought that we could do a movie with Claudine," lahad ng GMA Films president na si Ms. Anette.
Ang pagiging Kapuso ang ikalawang pinakamalaking hakbang na ginawa ni Claudine sa career niya ngayong taon. Una ay ang pagpirma niya ng two-picture contract sa Viva Films noong October 8. (CLICK HERE to read related story.)
GOODBYE ABS-CBN. Marami ang nagulat sa desisyong ito ni Claudine dahil 17 years ang inilagi niya sa ABS-CBN. Sa katunayan, isa si Claudine sa itinuturing na pinakasikat at pinakamalaking female stars ng Kapamilya network.
Noong nakaraang concert ng Star Magic sa Araneta Coliseum noong November 13 ay nandun pa Claudine. Sila ni Piolo Pascual ang naging finale ng show.
Pero may bulung-bulungan din na matagal-tagal na raw hindi maayos ang relasyon ni Claudine sa ABS-CBN, partikular na sa talent arm nitong Star Magic. Noong nakaraang taon pa ang huling teleserye na ginawa ni Claudine sa ABS-CBN, ang Iisa Pa Lamang, at mukhang nainip na ang aktres sa susunod niyang proyekto. Bagamat nagkaroon siya ng special guest appearance sa May Bukas Pa ngayong taon.
Nagsimula ang showbiz career ni Claudine bilang teen star noong 1992 sa pamamagitan ng youth-oriented TV show ng ABS-CBN na Ang TV at sa sitcom na Home Along Da Riles. Bagama't ang mga una niyang pelikula ay mula sa Seiko Films, naging exclusive contract star siya ng Star Cinema, ang film arm ng ABS-CBN.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
926 supertalino_superganda
By the way, baket po hnde na SOP Rules? Bat nawala RULES at kelan pa?
925 4dlynx
Kasi para kang regular employee, imagine kahit wala kang show may salary kang matatanggap. Guaranteed ang pay mo kahit para kang estatwa basta wag ka lang lilipat sa kalabang station. Yan din ang reason kung bakit ang laki ng expenses ng ABS.
924 hearthyjhoe27
923 aniston
Jolina is not exactly a big star when she transferred to GMA. She was going downhill na rin nun. Be objective lang.
922 hearthyjhoe27
921 level_up
920 musheegal
We love you Clau!!!!!!!!!!!
919 hearthyjhoe27
918 sarilingopinyon
917 Aldrich18ofUSA
Ganun naman dw ang pag trato nila sa kabila eh, lol... sabi nga ng ibang stars, BRING ur OWN FOOD, and BRING ur own MUG and COFFEE... lol
KAPAMILYA nga! bagay na bagay sa tagline nila, hahahhahahaha
916 hearthyjhoe27
915 Aldrich18ofUSA
HEAVY DRAMA ang gsto ko kay Claudine or bka sya yung REYNA sa Encantadi: the Second Saga!
ABANGAN na lng natin... Love Claudine, Mark, Marian at Dingdong in one show!!! abangan ko si Claudine sa SOP... im sure BONGGA toh!
914 an2ni
affected! hahahaha!
913 hearthyjhoe27
totoo ba ito???
912 hearthyjhoe27
sbe ni alfie dpt dw c juday mtgal ng s yete eh. kso mataas dw tlga magoffer si banker, kya sungab nmn c tito alfie, syng dw ang money eh. heheh triple.
911 jacko143
910 4dlynx
forceblader66
6
November 26, 2009
10:53 AM
----------------------------------------------
Tama ka, magstudio tour kayo sa GMA 7 para makita nyo ung values na pinapairal ng management nila. Walang executive elevators dun, lahat nakapila kung gustong sumakay ng elevator even Mr. Gozon.
Sa ABS-CBN hindi ganyan, sa kanila pinaiiral ang distance ng star sa mga hindi stars.
Ngayon sabihin nyo kung mali ako... Yan ang tunay na cultures ng dalawang network. Kahit itanong nyo sa mga employees nila.
909 hearthyjhoe27
908 Aldrich18ofUSA
SUSAN ROCES, CHRISTOPHER de LEON, yung Bench Model Winner, RYAN AGONCILLO, at CLAUDINE BARRETTO.
Susunod na raw sina Bayani Agbayani at Maricel Soriano!
GO KAPUSO! Ang mga tao na ito ay mga SURVIVORS ng ICE AGE sa kabila...
907 archeryrich
Oh,siya si Judy Ann kelan naman lilipaT?!
more comments