Isa nang Kapuso ang aktres na si Claudine Barretto!
Matagal na ang usap-usapan tungkol sa paglipat diumano ni Claudine sa GMA-7, pero ngayon lang ito nagkaroon ng katotohanan nang pumirma ng two-year contract ang aktres sa Kapuso network. Naganap ang contract-signing kaninang hapon, November 25, sa GMA Network Center.
Kasamang dumating ni Claudine sa tanggapan ng GMA-7 ang kanyang mga magulang. Present naman sa contract signing ang top executives ng Kapuso network na sina Atty. Felipe Gozon (CEO and President), Mr. Jimmy Duavit (COO and Vice President), Anette Gozon Abrogar (GMA Films President), at Wilma Galvante (SVP for Entertainment TV).
Ayon kay Claudine, naging mabilis daw ang pangyayari kaugnay ng pagpirma niya ng kontrata sa GMA-7.
Kuwento niya, "Everything was really, really fast, itong pangyayaring 'to. Hindi kami talaga prepared. Like yesterday, sinabi, 'Okay, we'll sign na today.'"
Ano naman ang pakiramdam niya na isa na siyang Kapuso?
"Parang naninibago, pero I think nangunguna sa lahat ng nararamdaman ko ngayon yung excitement. At the same time, excited talaga ako dahil magaganda yung mga nakahilerang projects for me," sabi ni Claudine.
Masaya rin daw si Claudine dahil magkakaroon na siya ng pagkakataon na makasama ang kanyang mister na si Raymart Santiago, na napapanood sa Darna.
Ayon sa ulat ni Lhar Santiago para sa GMA News, hindi naging mahaba ang negosasyon para sa paglipat ni Claudine sa Kapuso network. Nagsimula raw ang lahat sa paggawa ng pelikula ng aktres sa Viva Films.
"Claudine has a movie with Viva, and then they offered us [GMA Films] to co-produce it. So, sabi namin, 'Wow, dream come true to have a movie with Claudine!' We never thought that we could do a movie with Claudine," lahad ng GMA Films president na si Ms. Anette.
Ang pagiging Kapuso ang ikalawang pinakamalaking hakbang na ginawa ni Claudine sa career niya ngayong taon. Una ay ang pagpirma niya ng two-picture contract sa Viva Films noong October 8. (CLICK HERE to read related story.)
GOODBYE ABS-CBN. Marami ang nagulat sa desisyong ito ni Claudine dahil 17 years ang inilagi niya sa ABS-CBN. Sa katunayan, isa si Claudine sa itinuturing na pinakasikat at pinakamalaking female stars ng Kapamilya network.
Noong nakaraang concert ng Star Magic sa Araneta Coliseum noong November 13 ay nandun pa Claudine. Sila ni Piolo Pascual ang naging finale ng show.
Pero may bulung-bulungan din na matagal-tagal na raw hindi maayos ang relasyon ni Claudine sa ABS-CBN, partikular na sa talent arm nitong Star Magic. Noong nakaraang taon pa ang huling teleserye na ginawa ni Claudine sa ABS-CBN, ang Iisa Pa Lamang, at mukhang nainip na ang aktres sa susunod niyang proyekto. Bagamat nagkaroon siya ng special guest appearance sa May Bukas Pa ngayong taon.
Nagsimula ang showbiz career ni Claudine bilang teen star noong 1992 sa pamamagitan ng youth-oriented TV show ng ABS-CBN na Ang TV at sa sitcom na Home Along Da Riles. Bagama't ang mga una niyang pelikula ay mula sa Seiko Films, naging exclusive contract star siya ng Star Cinema, ang film arm ng ABS-CBN.






yan lang naman ang hinihingi nya
at ang ABS-CBN, kung talagang gusto pa nila si claudine, e nagawan ng paraan, kaso sa mga ipinapakitang behavior ni claudine lately like yung pang-aaway kay angel, primadonna sa set, pagtransfer ng walang paalam at kawalan ng loyalty, siguro napagtanto ng ABS-CBN na the least thing they could do is to allow her to do whatever she wants.
si Juday, kahanga-hanga ang loyalty kasi 2 years in the making ang soap niya at despite ang pangsasabotahe ng mga taga star magic kingdom, di pa rin sya lumipat, knowing na siya ang matagal ng hinihintay ng GMA. at saka mas professional talaga si Juday. ang ABS-CBN naman kasi, mas yun ang hinahanap nila, kasi they can easily make unknown stars to mega stars as long as they practice work ethics.
It her gma projects.tignan by mga now day claudine is wid gma,bigla nilsng nAalala c Juday kc abs man hnd confident na matatatapatan ni angel ang star power ni clau.may I cry 4 help 2loy cla k Juday ngaun.pero cguro naunahan lang ni claud c judAy pero if I know,mtagal na rin nya pinag iicpan lumipat pero ayaw nya msabihang gayA gaya. Pero gaya ni claud at same speech din na gus2 makasama asawa nyang dabarkads.watch out soon 4 juday on gma.lumAlabas nman tlaga c judAy sa gma e dabarkads nga xa e.
well in general, naging maganda ang trato ng kapamilya sa kanya, at kay juday, dont worry dahil yun project na nabinbin sa kanyA ay ipapalabas na noting na time bago di pa lilipat si clau eh mga 2 weeks before she did that crazy move eh kahit natagalan ipalabas yun aba tignan nyo kung ano ang result nn for sure blockbuster pa rin yun ewan ko lang dyan sa magiging soap dyan ni clau. well after all, it is the quality of the soap that is remarkable not its quantity na parang recycle na ang pagbibida ng mag artista pag natapos ang isan soap. the 2 years of freezing as you quot;qoutedquot; it, na sabi mo baket ang tagal pag pinalabas ay worth it. well i know you who is a kapuso fan i think will far understand that kasi gusto nyo palaging nakikita ang mga artista kahit na overexposed na sila at nakakasawa na. thye copntent of preservation ay nawawala na. yung tipong patatagalin mo lang para ang comeback nya ay very bright and elegant. hinihintay ko nalang po sagot mo pero wla argument ah sumago
Excuse lang mga die hard fan kapamilya ha. Huwag nyo itulad ang management ng station nyo sa GMA.
Naging reyna ba ang angelika, camille, jolina at heart nung lumipat? Not! isa lang sila sa mga hindi nawawalan ng projects dahil alaga pa rin nila ang homegrown talents nila.
Ang GMA may phenomenal stars, big stars, veteran stars, homegrown stars, starlets at new artists at lahat yan hindi nawawalan ng projects.
Sa ABS veteran, big star at pirated stars nalang meron kayo. asan na ang mga bagong homegrowns, star circle at star magic artist? They can no longer build a star. Tapos na ang panahon ng ABS. hihihihi
1. jolina magdangal
2. richard gomez - wala ng kumitang movie after transfer
3. patrick garcia
4. paolo contis
5. eugene domingo
6. eula valdez
7. jean garcia
at marami pang iba, take note kasikatan in terms of movie, endorsment at tv ang pinaguusapan dito
hehehehe... kasalanan ba ng gma kung wala ng maibigay na projects ang abs sa kanilang sikat na artista...
si juday nga... napabalita lang na lilipat before... grabeng panlalait na ang ginawa ng kapamilya...
ngaung umalis si clau...
si juday na lamang ang teleserye queen...
hehehehe
ang sikat sa gma7
mai ibang magbibida sa teleserye
kaysa naman paulit ulit
na lang ang bida
uhaw na uhaw ang gma7
sa mga sikat
gaya ni claudine...
ng mga kapusonegro
si claudine
dati naman
lahat ng kapamilya
nilalait nyo...
papanoorin ko sya...
yun lang... kapag balik sa sa kapamilya after 2yrs... ok lang... eh di HINDI ko na ulit sya papanoorin...