news

Claudine Barretto cuts her ties with ABS-CBN, moves to GMA-7

by Erwin Santiago posted on November 25, 2009  STATS: 6800 Views | 2106 Comments

 

After staying with ABS-CBN for 17 years, actress Claudine Barretto signed an exclusive two-year contract with GMA-7 today, November 25.

Photo By: Noel Orsal

Isa nang Kapuso ang aktres na si Claudine Barretto!

Matagal na ang usap-usapan tungkol sa paglipat diumano ni Claudine sa GMA-7, pero ngayon lang ito nagkaroon ng katotohanan nang pumirma ng two-year contract ang aktres sa Kapuso network. Naganap ang contract-signing kaninang hapon, November 25, sa GMA Network Center.

Kasamang dumating ni Claudine sa tanggapan ng GMA-7 ang kanyang mga magulang. Present naman sa contract signing ang top executives ng Kapuso network na sina Atty. Felipe Gozon (CEO and President), Mr. Jimmy Duavit (COO and Vice President), Anette Gozon Abrogar (GMA Films President), at Wilma Galvante (SVP for Entertainment TV).

Ayon kay Claudine, naging mabilis daw ang pangyayari kaugnay ng pagpirma niya ng kontrata sa GMA-7.

Kuwento niya, "Everything was really, really fast, itong pangyayaring 'to. Hindi kami talaga prepared. Like yesterday, sinabi, 'Okay, we'll sign na today.'"

Ano naman ang pakiramdam niya na isa na siyang Kapuso?

"Parang naninibago, pero I think nangunguna sa lahat ng nararamdaman ko ngayon yung excitement. At the same time, excited talaga ako dahil magaganda yung mga nakahilerang projects for me," sabi ni Claudine.

Masaya rin daw si Claudine dahil magkakaroon na siya ng pagkakataon na makasama ang kanyang mister na si Raymart Santiago, na napapanood sa Darna.

Ayon sa ulat ni Lhar Santiago para sa GMA News, hindi naging mahaba ang negosasyon para sa paglipat ni Claudine sa Kapuso network. Nagsimula raw ang lahat sa paggawa ng pelikula ng aktres sa Viva Films.

"Claudine has a movie with Viva, and then they offered us [GMA Films] to co-produce it. So, sabi namin, 'Wow, dream come true to have a movie with Claudine!' We never thought that we could do a movie with Claudine," lahad ng GMA Films president na si Ms. Anette.

Ang pagiging Kapuso ang ikalawang pinakamalaking hakbang na ginawa ni Claudine sa career niya ngayong taon. Una ay ang pagpirma niya ng two-picture contract sa Viva Films noong October 8. (CLICK HERE to read related story.)

GOODBYE ABS-CBN. Marami ang nagulat sa desisyong ito ni Claudine dahil 17 years ang inilagi niya sa ABS-CBN. Sa katunayan, isa si Claudine sa itinuturing na pinakasikat at pinakamalaking female stars ng Kapamilya network.

Noong nakaraang concert ng Star Magic sa Araneta Coliseum noong November 13 ay nandun pa Claudine. Sila ni Piolo Pascual ang naging finale ng show.

Pero may bulung-bulungan din na matagal-tagal na raw hindi maayos ang relasyon ni Claudine sa ABS-CBN, partikular na sa talent arm nitong Star Magic. Noong nakaraang taon pa ang huling teleserye na ginawa ni Claudine sa ABS-CBN, ang Iisa Pa Lamang, at mukhang nainip na ang aktres sa susunod niyang proyekto. Bagamat nagkaroon siya ng special guest appearance sa May Bukas Pa ngayong taon.

Nagsimula ang showbiz career ni Claudine bilang teen star noong 1992 sa pamamagitan ng youth-oriented TV show ng ABS-CBN na Ang TV at sa sitcom na Home Along Da Riles. Bagama't ang mga una niyang pelikula ay mula sa Seiko Films, naging exclusive contract star siya ng Star Cinema, ang film arm ng ABS-CBN.

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

2106 Comments

  • 2106  andie_lab_stars

    04/29/2010 | 09:27 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 2105  andie_lab_stars

    04/29/2010 | 08:58 PM
    Ano ba yan!
    Ano bang nakukuha ng ibang tao sa mga paninira na yan?

    Nakakapagtaka ah?

    Hayaan niyo na lang kasi si Claudine!
    Inaano ba niya kayo?

    Nakakahighblood.

    Eh!!!!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 2104  nanette1316

    04/27/2010 | 09:24 PM
    Iba talaga kapag sinabaing Claudine...

    Lakas ng impact sa tao...

    Ang daming violent reactions...

    Pero syempre mas madaming compliments...
    Hahaha...

    Claudine is the best!!!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 2103  iloveclau_693

    04/27/2010 | 08:15 PM
    Hahaha.

    Wala bang medyo kapani-paniwalang issue dyan?

    Sus naman....

    Basta lang masiraan si Claudine ah?
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 2102  andie_lab_stars

    04/27/2010 | 12:07 AM
    Ako din Agree! Hehehe. Claudine has the right to decide kung saan siya mas magiging functional...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 2101  josh135

    04/26/2010 | 11:02 PM
    Very well said miami_245......

    I agree sa sinabi mo.
    So true.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 2100  miami_245

    04/21/2010 | 09:58 PM
    Nakadepende lang naman sa oppurtunities na makikita sa isang station ang mga artists eh. Ang mahalaga dun, they can compete and show their talents kahit saan man sila mapunta. Just like Claudine. Dapat lang na ipakita niya ung galing niya sa pag-arte kung saan may oppurtunity. At I'm sure naman na nasa mabuti siyang kamay with The Kapuso.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 2099  le_chic

    04/11/2010 | 12:27 AM
    this statement is so uncalled for: quot;babaeng eto walang loyalty...para yong ginawa nya kay rico yan...bf na nya may iba pa pala aside from rico....parang higad...masyadong makati....lolzquot;

    in the first place, you don't know claudine personally to judge her like this. oh well, i guess some people wala talagang magawa other than manira ng mga tao na kinakainsecuran nila.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 2098  the_persnickety_fan

    04/10/2010 | 07:05 PM
    i don't know why some people make such a big deal out of this. i mean, claudine is a great actress, it's only right that she will look for opportunities that would make use of her talent. it is the loss of abs-cbn definitely.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 2097  sephy

    12/28/2009 | 10:43 AM
    pag kapamilya ang lumipat silent lang pero pag kapuso gagawa pa ng ingay para talagang sumikat, kaya nga lumipat e di naman sikat...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 2096  iamrye

    12/16/2009 | 11:03 AM
    Lets just respect her decision.......
    I still love her kahit san pa sya, pero syempre...kapamilya pa din tayo!!!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 2095  freemind24

    12/13/2009 | 04:31 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 2094  keen_observerKSA

    12/13/2009 | 03:49 PM
    babaeng eto walang loyalty...para yong ginawa nya kay rico yan...bf na nya may iba pa pala aside from rico....parang higad...masyadong makati....lolz
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 2093  Degrees_of_Freedom

    12/13/2009 | 11:25 AM
    exciting to! ano kaya primetime soap nila ni mark? cgurado, todo diet at exercise na yung si claudine kaya ala pang guestings... hehehe!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 2092  superheaded

    12/12/2009 | 05:58 PM
    HUMINTO NA NGA KAYO SA KAKAKOMENTO PARA A-ASINSO ANG BUHAY NYO..NAUBOS LANG ANG ORAS NYO SA KAKABASA NG BUHAY ARTISTA.. MAG-TRABAHO NALANG KAYO NOH!!XOXOXO
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 2091  jdcamz

    12/08/2009 | 01:25 PM
    she will do bituin and jewel in the palace...rumored project
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 2090  jdcamz

    12/08/2009 | 01:16 PM
    jolina will transfer to abs
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 2089  sexylhenz

    12/07/2009 | 05:02 PM
    naku bakit ka lumipat?sayang fav actress pa naman kita from the start..gusto ko lahat ng abs teleserye mo...sana di u na lumipat...dahil sa ginawa mo di kana sikat at magiging second choice kana lang palagi..Pag abs palagi ka bida..kahit may asawa kana at mga anak magiging bida ka pa din..Both u and Juday luv ko kayo at masaya ako pag napapanuod ko kayo..ABS CBN ang galing nila maghubog ng artista, lahat pupuede..sayaw, drama, kanta at kung ano anu pa...Hindi sa minamaliit ko ang GMA, maganda din naman GMA iyon nga lang pagdating sa artist nila kulang pa sa mga ibubuga...Magagaling ang GMA officials, iyong mga artist lang ang babadoy at kulang pa umarte....Mabibilang molang sa kanila ang magaling talaga...Unlike abs cbn halos lahat magagaling at may mga AWARDS.....like angel locsin! saan ba siya nagkaaward di ba sa ABS?so it really means na magaling ang abs magturo sa mga artist...k walang kukuntra its all my opinion...just be true to ourself nalang dahil iyon ang totoo......
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 2088  tagapagtanggol

    12/07/2009 | 12:38 PM
    1881

    sana tigilan mo nang mag english, i'm certain pag nabasa ito ng english teacher mo, ipapatawag ang parents mo dahil hindi ka natuto. baka bawain ng school mo yung diploma mo, ok?
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 2087  californiagirl21

    12/06/2009 | 03:39 PM
    gud bye claudine im not gonna see u anymore my TV is exclusively for TFC...just dont say bad things,stop and look back...so u can still see what you headed for.i know and i feel in your heart this is only a career move.and u have obligations,bills,mortgage to take care of.gud luck.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About