Isa nang Kapuso ang aktres na si Claudine Barretto!
Matagal na ang usap-usapan tungkol sa paglipat diumano ni Claudine sa GMA-7, pero ngayon lang ito nagkaroon ng katotohanan nang pumirma ng two-year contract ang aktres sa Kapuso network. Naganap ang contract-signing kaninang hapon, November 25, sa GMA Network Center.
Kasamang dumating ni Claudine sa tanggapan ng GMA-7 ang kanyang mga magulang. Present naman sa contract signing ang top executives ng Kapuso network na sina Atty. Felipe Gozon (CEO and President), Mr. Jimmy Duavit (COO and Vice President), Anette Gozon Abrogar (GMA Films President), at Wilma Galvante (SVP for Entertainment TV).
Ayon kay Claudine, naging mabilis daw ang pangyayari kaugnay ng pagpirma niya ng kontrata sa GMA-7.
Kuwento niya, "Everything was really, really fast, itong pangyayaring 'to. Hindi kami talaga prepared. Like yesterday, sinabi, 'Okay, we'll sign na today.'"
Ano naman ang pakiramdam niya na isa na siyang Kapuso?
"Parang naninibago, pero I think nangunguna sa lahat ng nararamdaman ko ngayon yung excitement. At the same time, excited talaga ako dahil magaganda yung mga nakahilerang projects for me," sabi ni Claudine.
Masaya rin daw si Claudine dahil magkakaroon na siya ng pagkakataon na makasama ang kanyang mister na si Raymart Santiago, na napapanood sa Darna.
Ayon sa ulat ni Lhar Santiago para sa GMA News, hindi naging mahaba ang negosasyon para sa paglipat ni Claudine sa Kapuso network. Nagsimula raw ang lahat sa paggawa ng pelikula ng aktres sa Viva Films.
"Claudine has a movie with Viva, and then they offered us [GMA Films] to co-produce it. So, sabi namin, 'Wow, dream come true to have a movie with Claudine!' We never thought that we could do a movie with Claudine," lahad ng GMA Films president na si Ms. Anette.
Ang pagiging Kapuso ang ikalawang pinakamalaking hakbang na ginawa ni Claudine sa career niya ngayong taon. Una ay ang pagpirma niya ng two-picture contract sa Viva Films noong October 8. (CLICK HERE to read related story.)
GOODBYE ABS-CBN. Marami ang nagulat sa desisyong ito ni Claudine dahil 17 years ang inilagi niya sa ABS-CBN. Sa katunayan, isa si Claudine sa itinuturing na pinakasikat at pinakamalaking female stars ng Kapamilya network.
Noong nakaraang concert ng Star Magic sa Araneta Coliseum noong November 13 ay nandun pa Claudine. Sila ni Piolo Pascual ang naging finale ng show.
Pero may bulung-bulungan din na matagal-tagal na raw hindi maayos ang relasyon ni Claudine sa ABS-CBN, partikular na sa talent arm nitong Star Magic. Noong nakaraang taon pa ang huling teleserye na ginawa ni Claudine sa ABS-CBN, ang Iisa Pa Lamang, at mukhang nainip na ang aktres sa susunod niyang proyekto. Bagamat nagkaroon siya ng special guest appearance sa May Bukas Pa ngayong taon.
Nagsimula ang showbiz career ni Claudine bilang teen star noong 1992 sa pamamagitan ng youth-oriented TV show ng ABS-CBN na Ang TV at sa sitcom na Home Along Da Riles. Bagama't ang mga una niyang pelikula ay mula sa Seiko Films, naging exclusive contract star siya ng Star Cinema, ang film arm ng ABS-CBN.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
1926 soapier
JUDAY: SOAP OPERA QUEEN
CLAUDINE: TELESERYE QUEEN
MARIAN: PRIMETIME QUEEN!!!
ohhh diba??? para everybody happy!!!
1925 Case
1924 louey_bolton
1923 banky
you said pera at pera lang ang tiningnan ni angel locsin sa paglipat nya? Bakit si Claudine ba, di ba pera din, cos wala na sya work sa ABSCBN and she has a family to support, di ba? so she has to transfer to GMA to have income di ba? pareho lang. ABSCBN has many offers kay Claudine? I dont believe it, parang wala na nga eh, that is why she transferred. Now we know that Angel transferred to ABS cos she wanted to do good projects, projects with quality and will enhance her acting ability. And she got it, now she is truly a good actress. You can deny it, pero she became a good actress sa paglipat nya, not to mention the nominations she got from the award giving bodies including iemmys. Secondly, if Angel transferred dahil sa pera? Moreso si Claudine, dahil wala sya work sa ABSCBN.
1922 blueapple
1921 banky
1920 losersinparis
1919 lostris
1918 happyme
1917 louey_bolton
1916 happyme
Claudine said:wala akong bitterness sa kanila in fact im thankful and grateful sa kanila for loving me and taking care of me!walang bad blood so pede pa sya bumalik!from the very start naman eh wala contract si Clau sa ABS puro verbal lang kasi ganyan sya ka loyal!malaki ang counter offer ng ABS meron lang tla bagay na hindi nasusunduan nila which is the movie!bad terms kasi now ang viva at SS baka lilipat din si sarah nyan!tingnan natin!
1915 winterlad
napanood nio SNN, sbi c juday daw ang teleserye queen. huh? ngaun lang nla alam yan? i mean bakit nung anun pa clau, d nila msabi sabi yan? anung meon?
paorder nga ng AMPALAYA!!!
1914 vetsin01
1913 vetsin01
Please lang claudine kelangan bang magpabaya sa kusina ones you become a Mother wag!!!!!!!!!daig ka pa ngayon ni juday super sexy ang lola mo.....
1912 geraldethel
1911 southerngirl
1910 bonprix
1909 bonprix
1908 Syete
bakit ikaw, payat?
at kung payat ka, baket, me pera ka ba?
at kung me pera ka, bakit artista ka ba?
tigilan mo ang paghahasik ng sama ng loob mo.. hehe.. bitter!
1907 bostongirl
Tambok...papayat ka muna...
more comments