news

Claudine Barretto cuts her ties with ABS-CBN, moves to GMA-7

by Erwin Santiago posted on November 25, 2009  STATS: 6577 Views | 2106 Comments

 

After staying with ABS-CBN for 17 years, actress Claudine Barretto signed an exclusive two-year contract with GMA-7 today, November 25.

Photo By: Noel Orsal

Isa nang Kapuso ang aktres na si Claudine Barretto!

Matagal na ang usap-usapan tungkol sa paglipat diumano ni Claudine sa GMA-7, pero ngayon lang ito nagkaroon ng katotohanan nang pumirma ng two-year contract ang aktres sa Kapuso network. Naganap ang contract-signing kaninang hapon, November 25, sa GMA Network Center.

Kasamang dumating ni Claudine sa tanggapan ng GMA-7 ang kanyang mga magulang. Present naman sa contract signing ang top executives ng Kapuso network na sina Atty. Felipe Gozon (CEO and President), Mr. Jimmy Duavit (COO and Vice President), Anette Gozon Abrogar (GMA Films President), at Wilma Galvante (SVP for Entertainment TV).

Ayon kay Claudine, naging mabilis daw ang pangyayari kaugnay ng pagpirma niya ng kontrata sa GMA-7.

Kuwento niya, "Everything was really, really fast, itong pangyayaring 'to. Hindi kami talaga prepared. Like yesterday, sinabi, 'Okay, we'll sign na today.'"

Ano naman ang pakiramdam niya na isa na siyang Kapuso?

"Parang naninibago, pero I think nangunguna sa lahat ng nararamdaman ko ngayon yung excitement. At the same time, excited talaga ako dahil magaganda yung mga nakahilerang projects for me," sabi ni Claudine.

Masaya rin daw si Claudine dahil magkakaroon na siya ng pagkakataon na makasama ang kanyang mister na si Raymart Santiago, na napapanood sa Darna.

Ayon sa ulat ni Lhar Santiago para sa GMA News, hindi naging mahaba ang negosasyon para sa paglipat ni Claudine sa Kapuso network. Nagsimula raw ang lahat sa paggawa ng pelikula ng aktres sa Viva Films.

"Claudine has a movie with Viva, and then they offered us [GMA Films] to co-produce it. So, sabi namin, 'Wow, dream come true to have a movie with Claudine!' We never thought that we could do a movie with Claudine," lahad ng GMA Films president na si Ms. Anette.

Ang pagiging Kapuso ang ikalawang pinakamalaking hakbang na ginawa ni Claudine sa career niya ngayong taon. Una ay ang pagpirma niya ng two-picture contract sa Viva Films noong October 8. (CLICK HERE to read related story.)

GOODBYE ABS-CBN. Marami ang nagulat sa desisyong ito ni Claudine dahil 17 years ang inilagi niya sa ABS-CBN. Sa katunayan, isa si Claudine sa itinuturing na pinakasikat at pinakamalaking female stars ng Kapamilya network.

Noong nakaraang concert ng Star Magic sa Araneta Coliseum noong November 13 ay nandun pa Claudine. Sila ni Piolo Pascual ang naging finale ng show.

Pero may bulung-bulungan din na matagal-tagal na raw hindi maayos ang relasyon ni Claudine sa ABS-CBN, partikular na sa talent arm nitong Star Magic. Noong nakaraang taon pa ang huling teleserye na ginawa ni Claudine sa ABS-CBN, ang Iisa Pa Lamang, at mukhang nainip na ang aktres sa susunod niyang proyekto. Bagamat nagkaroon siya ng special guest appearance sa May Bukas Pa ngayong taon.

Nagsimula ang showbiz career ni Claudine bilang teen star noong 1992 sa pamamagitan ng youth-oriented TV show ng ABS-CBN na Ang TV at sa sitcom na Home Along Da Riles. Bagama't ang mga una niyang pelikula ay mula sa Seiko Films, naging exclusive contract star siya ng Star Cinema, ang film arm ng ABS-CBN.

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

2106 Comments

  • 126  masabaw_gyud_uy

    11/25/2009 | 08:59 PM
    lalong daus-dos ang dos laos sa pag-lipat ni Ms. Claudine Baretto sa gma7.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 125  MrsFBI

    11/25/2009 | 08:58 PM
    patay ang mga staff ng GMA nito.panigurado sasakit ulo nila. hahaha pustah nagpaparty ang mga staff ng ABS ngayon.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 124  penshoppe

    11/25/2009 | 08:58 PM
    Sige, bahala ka...

    dyan ka lulubog sa syete.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 123  beall

    11/25/2009 | 08:58 PM
    am not a fan of her, but i wish her good for GMA.hehehehe

    Anyway, I have heard a rumor that George and Cecil would be stopped coz' Ryan Agoncillo is now regular in EAT Bulaga..

    Is it true?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 122  happy_pinoy

    11/25/2009 | 08:57 PM
    slender

    tama ka marami ang may negative comments pag may lumilipat. sa panahon ngaun kailangan ng trabaho para mabuhay. kahit sa company setting ganyan di ang nagyayari, pag may nakita na mas magandang trabaho lumilipat din. pag mas malaki ang kita sa abroad aalis.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 121  chikadora101

    11/25/2009 | 08:57 PM
    Naku, mukhang mas pinaboran ng ABS si Angel Locsin kesa kay Claudine. Simula nung nagkaroon ng issue yang si Angel at Claudine, parang lalong nanamlay ang career ni Clau. Pero I like them both.. goodluck na lang sa kanila pareho!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 120  myn1015

    11/25/2009 | 08:57 PM
    I kinda foresee na lilipat nga tong si claudine. kaya am not surprise at all. sana lang maging leskyon ito sa abs-cbn na kelangan nilang pahalagahan ang amg taong nagpayaman sa kanila.. pero kasi ang bali balita, eh talagang ino operan si claudine ng mga projects, talagang ito ang tumatanggi, kasi minsan daw eh ayaw sa mga makakatrabaho nya. magaling sha sa magaling. sa palagay ko din nagrerebelde ito sa abs. na parang pinapakita nya sa abs na eto ang pinakawalan nyo. nalulungkot ako sa paglipat nya kasi gusto ko sha sa abs, pero may pamilya sha na kelangan buhayin kelangan nya mag trabaho.ang hirap kasi sa abs, ang tagal bago sundan ang mga artistang magagaling. puro sila re invention, pero sa bagay nga naman talagang ganya. tulad nila bea alonzo eh wala pang kasunod. may mali talaga sa pamamalakd ng abs pagdating sa mga talents nila. di nako magugulat kung malalaki pang pangalan ang magsiilipat sa gma, at siguro dun lang maalarma ang abs. sabi nga nila malalaman mo ang halaga ng tao pag wala na to.. pero wo
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 119  happychick

    11/25/2009 | 08:57 PM
    goodluck na lang...hopefully kumita pa din movie nya :
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 118  magandaako11

    11/25/2009 | 08:57 PM
    gudluck clau ikw lang pinapanood ko sa abs at c juday atleast now magiging visible kana ulit sa tv.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 117  spryperk

    11/25/2009 | 08:57 PM
    naging posible na ang Claudine-Mark Anthony Fernandez balik tambalan! excited!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 116  tvj671

    11/25/2009 | 08:56 PM
    kapag palubog na ang bangka eh di kailangan mo lumipat sa barko para sigurado.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 115  ericalee

    11/25/2009 | 08:56 PM
    hindi kawalan si claudine sa ABS....

    ok lang un.. ganun lang talga ang buhay... babalik ka din!! hahahah
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 114  zama_jap

    11/25/2009 | 08:55 PM
    Mark Anthony Welcome mo naman si claudine!!...Waaaa!! kilig kilig ako talaga grabe..gusto kong sumigaw ng DARNA!!!..hahahahaha!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 113  hotshot0017

    11/25/2009 | 08:55 PM
    goodluck clau
    finally meron nang masasabing BIG STAR ang KAPUSO....

    from your all kapamilya
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 112  rachel_1967

    11/25/2009 | 08:54 PM
    ANO BA KAYO KAILANGAN NYA NG DATUNG
    MAHIRAP ANG WALANG KASIGURADUHANG SHOWS OR MOVIE.lumalaki na kaya ang pamilya nya.at least nagpaalam sya ng maayos.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 111  mango_07

    11/25/2009 | 08:54 PM
    Alm k n kng bkit lumipat c Claudine, dhil cguro hnd sya cnma sa 2nd version ng Kapamilya Christmas SID.hehehe
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 110  slender

    11/25/2009 | 08:53 PM
    wait lang...may nagconfirm na ba na executives ng 2 na mei teleserye silang gagwen ng sister nya?

    kase as far as i know, galing yong info na yon kei greta...i just dont know with claudine...ang inaantay kong magsalita dati yong abs mismo na mei nakalinyang teleserye silang magkapatid..

    Kse kung meron talagang project na ganun...so i dont think magtatransfer si claudine..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 109  lightband

    11/25/2009 | 08:53 PM
    beall
    Korek isa lang ang certified ingrata. At tsaka nag paalam ng maayos si Claudine sa Dos, hindi katulad ng iba dyan...ang tamaan bukol....hahahahah
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 108  zama_jap

    11/25/2009 | 08:52 PM
    GMA Clau and Mark Please!!!!!...waaahhh!! kilig ang drama ko!..LOL
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 107  travis05

    11/25/2009 | 08:52 PM
    Sya dapat ang maging diwata ng tubig o mas kilalang Alena sa pagbabalik ng pinakapremyadong telefantasya sa kasaysayan ng Philippine TV,Ang Encantadia.That would be a very big hit again,kasama sina Iza Calzado,Sunshine Dizon at Diana Zubiri. Just remember,ako unang nag suggest sa GMA network nyan a.Hehehe.GO GMA! Please,grant our request about Encantadia!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About