Isa nang Kapuso ang aktres na si Claudine Barretto!
Matagal na ang usap-usapan tungkol sa paglipat diumano ni Claudine sa GMA-7, pero ngayon lang ito nagkaroon ng katotohanan nang pumirma ng two-year contract ang aktres sa Kapuso network. Naganap ang contract-signing kaninang hapon, November 25, sa GMA Network Center.
Kasamang dumating ni Claudine sa tanggapan ng GMA-7 ang kanyang mga magulang. Present naman sa contract signing ang top executives ng Kapuso network na sina Atty. Felipe Gozon (CEO and President), Mr. Jimmy Duavit (COO and Vice President), Anette Gozon Abrogar (GMA Films President), at Wilma Galvante (SVP for Entertainment TV).
Ayon kay Claudine, naging mabilis daw ang pangyayari kaugnay ng pagpirma niya ng kontrata sa GMA-7.
Kuwento niya, "Everything was really, really fast, itong pangyayaring 'to. Hindi kami talaga prepared. Like yesterday, sinabi, 'Okay, we'll sign na today.'"
Ano naman ang pakiramdam niya na isa na siyang Kapuso?
"Parang naninibago, pero I think nangunguna sa lahat ng nararamdaman ko ngayon yung excitement. At the same time, excited talaga ako dahil magaganda yung mga nakahilerang projects for me," sabi ni Claudine.
Masaya rin daw si Claudine dahil magkakaroon na siya ng pagkakataon na makasama ang kanyang mister na si Raymart Santiago, na napapanood sa Darna.
Ayon sa ulat ni Lhar Santiago para sa GMA News, hindi naging mahaba ang negosasyon para sa paglipat ni Claudine sa Kapuso network. Nagsimula raw ang lahat sa paggawa ng pelikula ng aktres sa Viva Films.
"Claudine has a movie with Viva, and then they offered us [GMA Films] to co-produce it. So, sabi namin, 'Wow, dream come true to have a movie with Claudine!' We never thought that we could do a movie with Claudine," lahad ng GMA Films president na si Ms. Anette.
Ang pagiging Kapuso ang ikalawang pinakamalaking hakbang na ginawa ni Claudine sa career niya ngayong taon. Una ay ang pagpirma niya ng two-picture contract sa Viva Films noong October 8. (CLICK HERE to read related story.)
GOODBYE ABS-CBN. Marami ang nagulat sa desisyong ito ni Claudine dahil 17 years ang inilagi niya sa ABS-CBN. Sa katunayan, isa si Claudine sa itinuturing na pinakasikat at pinakamalaking female stars ng Kapamilya network.
Noong nakaraang concert ng Star Magic sa Araneta Coliseum noong November 13 ay nandun pa Claudine. Sila ni Piolo Pascual ang naging finale ng show.
Pero may bulung-bulungan din na matagal-tagal na raw hindi maayos ang relasyon ni Claudine sa ABS-CBN, partikular na sa talent arm nitong Star Magic. Noong nakaraang taon pa ang huling teleserye na ginawa ni Claudine sa ABS-CBN, ang Iisa Pa Lamang, at mukhang nainip na ang aktres sa susunod niyang proyekto. Bagamat nagkaroon siya ng special guest appearance sa May Bukas Pa ngayong taon.
Nagsimula ang showbiz career ni Claudine bilang teen star noong 1992 sa pamamagitan ng youth-oriented TV show ng ABS-CBN na Ang TV at sa sitcom na Home Along Da Riles. Bagama't ang mga una niyang pelikula ay mula sa Seiko Films, naging exclusive contract star siya ng Star Cinema, ang film arm ng ABS-CBN.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
106 diamondareforever
105 sharekolang
104 zama_jap
Basta ako clau and mark together again..sa teleserye lang ha!..hindi sa totoong buhay dahil pamilyadong tao na itong dalawa..
103 slender
basta ok namn paglipat...walang problema iiwanan at walang nakahang na projects..so bakit ka mag aantay kung hnd mo namn alam kung mei inaantay ka nga ba or wala...
102 diamondareforever
101 beall
Paano naging ingrata eh wala naman siya project dun sa kabila, di bah?
isa lang naman ang real inggrata ...di bah????
100 itchymouth
99 mango_07
98 abbriex
97 hermosa546
96 rasherd01
95 steelwings
Susunod na raw si Judy Ann Santos at Bayani Agbayani! Hndi raw tatapusin ang MBP kasi for sure, collapse na ABSCBN! Hahaha!
94 hunthers57th
93 prettyp
TAMA LANG ANG DESISYON MO, KASI OBVIOUS NAMAN BUSY ANG TINUTURING MO KAPAMILYA FOR 17 YEARS SA PAMBOBOLA....HEHEHE...
WELCOME TO KAPUSO, CLAUDINE!!!
ENJOY YOUR STAY:-
92 steelwings
Susunod na raw si Judy Ann Santos at Bayani Agbayani! Hndi raw tatapusin ang MBP kasi for sure, collapse na ABSCBN! Hahaha!
91 tonyp
90 skyward
89 cartridge
88 diamondareforever
87 masabaw_gyud_uy
claudine-marian
dingdong at mark anthony.
cgurado butata na naman ang mga kapamilya show.
more comments