Isa nang Kapuso ang aktres na si Claudine Barretto!
Matagal na ang usap-usapan tungkol sa paglipat diumano ni Claudine sa GMA-7, pero ngayon lang ito nagkaroon ng katotohanan nang pumirma ng two-year contract ang aktres sa Kapuso network. Naganap ang contract-signing kaninang hapon, November 25, sa GMA Network Center.
Kasamang dumating ni Claudine sa tanggapan ng GMA-7 ang kanyang mga magulang. Present naman sa contract signing ang top executives ng Kapuso network na sina Atty. Felipe Gozon (CEO and President), Mr. Jimmy Duavit (COO and Vice President), Anette Gozon Abrogar (GMA Films President), at Wilma Galvante (SVP for Entertainment TV).
Ayon kay Claudine, naging mabilis daw ang pangyayari kaugnay ng pagpirma niya ng kontrata sa GMA-7.
Kuwento niya, "Everything was really, really fast, itong pangyayaring 'to. Hindi kami talaga prepared. Like yesterday, sinabi, 'Okay, we'll sign na today.'"
Ano naman ang pakiramdam niya na isa na siyang Kapuso?
"Parang naninibago, pero I think nangunguna sa lahat ng nararamdaman ko ngayon yung excitement. At the same time, excited talaga ako dahil magaganda yung mga nakahilerang projects for me," sabi ni Claudine.
Masaya rin daw si Claudine dahil magkakaroon na siya ng pagkakataon na makasama ang kanyang mister na si Raymart Santiago, na napapanood sa Darna.
Ayon sa ulat ni Lhar Santiago para sa GMA News, hindi naging mahaba ang negosasyon para sa paglipat ni Claudine sa Kapuso network. Nagsimula raw ang lahat sa paggawa ng pelikula ng aktres sa Viva Films.
"Claudine has a movie with Viva, and then they offered us [GMA Films] to co-produce it. So, sabi namin, 'Wow, dream come true to have a movie with Claudine!' We never thought that we could do a movie with Claudine," lahad ng GMA Films president na si Ms. Anette.
Ang pagiging Kapuso ang ikalawang pinakamalaking hakbang na ginawa ni Claudine sa career niya ngayong taon. Una ay ang pagpirma niya ng two-picture contract sa Viva Films noong October 8. (CLICK HERE to read related story.)
GOODBYE ABS-CBN. Marami ang nagulat sa desisyong ito ni Claudine dahil 17 years ang inilagi niya sa ABS-CBN. Sa katunayan, isa si Claudine sa itinuturing na pinakasikat at pinakamalaking female stars ng Kapamilya network.
Noong nakaraang concert ng Star Magic sa Araneta Coliseum noong November 13 ay nandun pa Claudine. Sila ni Piolo Pascual ang naging finale ng show.
Pero may bulung-bulungan din na matagal-tagal na raw hindi maayos ang relasyon ni Claudine sa ABS-CBN, partikular na sa talent arm nitong Star Magic. Noong nakaraang taon pa ang huling teleserye na ginawa ni Claudine sa ABS-CBN, ang Iisa Pa Lamang, at mukhang nainip na ang aktres sa susunod niyang proyekto. Bagamat nagkaroon siya ng special guest appearance sa May Bukas Pa ngayong taon.
Nagsimula ang showbiz career ni Claudine bilang teen star noong 1992 sa pamamagitan ng youth-oriented TV show ng ABS-CBN na Ang TV at sa sitcom na Home Along Da Riles. Bagama't ang mga una niyang pelikula ay mula sa Seiko Films, naging exclusive contract star siya ng Star Cinema, ang film arm ng ABS-CBN.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
86 teamkapamilyathetrendsetter
I have a feeling na ipagtatapat to sa Juday soap next year.
85 slender
84 tonyp
83 icebox1234
82 travis05
81 slender
80 icebox1234
79 masabaw_gyud_uy
sabi nga ni maria..ayosin ninyo ang schedule.
malaking sampal ito sa mga kapams!!!!
78 Discerning_Viewer
77 lightband
76 mavidako
75 itchymouth
74 zama_jap
73 proud2vkapuso
SITCOM with RAYMART
TELESERYE with IZA CALZADO
TELESERYE team up with DINGDONG
TELEFANTASYA bilang isang SANGRE s ENCANTADIA
HOSTING JOB like s SOP
or bigyan ng sriling TALK SHOW
or MORNING TALK SHOW
AND THEN
MOVIES
72 mango_07
Hnd rn mllmtn ang paglipat ni Toni Gonzaga, Jake Cuenca, Christine Reyes, Maegan Young at mrme png iba.
Mgng ang halos pglipat n Regine Velasquez at Manny Pacquiao eh ngng headline dn.
Eh ang paglipat n Claudine eh ang mssbe ntng pnkamlkng pglpt ng isng KApamilya to Kapuso,pro hnd nmn ikngulat ng mrme.
71 secret2666
PINIRATA ng GMA.... alam ng GMA na may gagawin pa itong nsoap opera pero d talaga tinigilan ng GMA si claudine! hahahah! oh dba namimirata ang GMA.... ginawa nila yan para d matuloy ang GIMIK REUNION! hahah! nice move GMA. pero gudlak nalang sau CLAUDINE at sgurado makaktikim ka ng mga salita kay TANDANG ALFIE! hahah!
70 diamondareforever
69 mavidako
68 totoysipa
Oo nga, pusong pinoy, mag-isang reyna na si Judy Ann sa ABS-CBN. Kunsabagay, matagal nang walang hit project si Claudine mapa-TV or movie. Tama siguro na lumipat siya to reinvent herself.
67 fabjoms12
more comments