news

Claudine Barretto cuts her ties with ABS-CBN, moves to GMA-7

by Erwin Santiago posted on November 25, 2009  STATS: 6595 Views | 2106 Comments

 

After staying with ABS-CBN for 17 years, actress Claudine Barretto signed an exclusive two-year contract with GMA-7 today, November 25.

Photo By: Noel Orsal

Isa nang Kapuso ang aktres na si Claudine Barretto!

Matagal na ang usap-usapan tungkol sa paglipat diumano ni Claudine sa GMA-7, pero ngayon lang ito nagkaroon ng katotohanan nang pumirma ng two-year contract ang aktres sa Kapuso network. Naganap ang contract-signing kaninang hapon, November 25, sa GMA Network Center.

Kasamang dumating ni Claudine sa tanggapan ng GMA-7 ang kanyang mga magulang. Present naman sa contract signing ang top executives ng Kapuso network na sina Atty. Felipe Gozon (CEO and President), Mr. Jimmy Duavit (COO and Vice President), Anette Gozon Abrogar (GMA Films President), at Wilma Galvante (SVP for Entertainment TV).

Ayon kay Claudine, naging mabilis daw ang pangyayari kaugnay ng pagpirma niya ng kontrata sa GMA-7.

Kuwento niya, "Everything was really, really fast, itong pangyayaring 'to. Hindi kami talaga prepared. Like yesterday, sinabi, 'Okay, we'll sign na today.'"

Ano naman ang pakiramdam niya na isa na siyang Kapuso?

"Parang naninibago, pero I think nangunguna sa lahat ng nararamdaman ko ngayon yung excitement. At the same time, excited talaga ako dahil magaganda yung mga nakahilerang projects for me," sabi ni Claudine.

Masaya rin daw si Claudine dahil magkakaroon na siya ng pagkakataon na makasama ang kanyang mister na si Raymart Santiago, na napapanood sa Darna.

Ayon sa ulat ni Lhar Santiago para sa GMA News, hindi naging mahaba ang negosasyon para sa paglipat ni Claudine sa Kapuso network. Nagsimula raw ang lahat sa paggawa ng pelikula ng aktres sa Viva Films.

"Claudine has a movie with Viva, and then they offered us [GMA Films] to co-produce it. So, sabi namin, 'Wow, dream come true to have a movie with Claudine!' We never thought that we could do a movie with Claudine," lahad ng GMA Films president na si Ms. Anette.

Ang pagiging Kapuso ang ikalawang pinakamalaking hakbang na ginawa ni Claudine sa career niya ngayong taon. Una ay ang pagpirma niya ng two-picture contract sa Viva Films noong October 8. (CLICK HERE to read related story.)

GOODBYE ABS-CBN. Marami ang nagulat sa desisyong ito ni Claudine dahil 17 years ang inilagi niya sa ABS-CBN. Sa katunayan, isa si Claudine sa itinuturing na pinakasikat at pinakamalaking female stars ng Kapamilya network.

Noong nakaraang concert ng Star Magic sa Araneta Coliseum noong November 13 ay nandun pa Claudine. Sila ni Piolo Pascual ang naging finale ng show.

Pero may bulung-bulungan din na matagal-tagal na raw hindi maayos ang relasyon ni Claudine sa ABS-CBN, partikular na sa talent arm nitong Star Magic. Noong nakaraang taon pa ang huling teleserye na ginawa ni Claudine sa ABS-CBN, ang Iisa Pa Lamang, at mukhang nainip na ang aktres sa susunod niyang proyekto. Bagamat nagkaroon siya ng special guest appearance sa May Bukas Pa ngayong taon.

Nagsimula ang showbiz career ni Claudine bilang teen star noong 1992 sa pamamagitan ng youth-oriented TV show ng ABS-CBN na Ang TV at sa sitcom na Home Along Da Riles. Bagama't ang mga una niyang pelikula ay mula sa Seiko Films, naging exclusive contract star siya ng Star Cinema, ang film arm ng ABS-CBN.

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

2106 Comments

  • 46  s3riously

    11/25/2009 | 08:28 PM
    Okay lang, laos na naman yan.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 45  tuberong_tagalog

    11/25/2009 | 08:27 PM
    welcome to kapuso network, claudine

    sana magkaroon kayo ng project ni Mark Anthony Fernandez, for old time's sake hehehe
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 44  mzkhen28

    11/25/2009 | 08:26 PM
    Pero teka kala ko ba ang GMA hindi namimirata?? Eh may teleserye dapat na gagawin si Clau sa dos! tsk tsk tsk!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 43  mango_07

    11/25/2009 | 08:26 PM
    Sana Kumita mga pelikula m sa GMA films.hehhe
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 42  pusongpinoy111213

    11/25/2009 | 08:26 PM
    it would be nice if the first soap opera of ms. claudine will be a team up with MARK ANTHONY FERNANDEZ...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 41  totallyfab

    11/25/2009 | 08:25 PM
    Aba di mabuti at least magkakaroon ng artista ang GMA magaling umarte! Ah Claudine paki workshop muna rin sila!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 40  shofaokz

    11/25/2009 | 08:25 PM
    sa inyo n c claudine pinag-sawaan na ng abs-cbn..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 39  mzkhen28

    11/25/2009 | 08:25 PM
    Choosy si Claudine sa mga projects na binibigay sa kanya ng DOS!

    Wala naman syang kontrata sa Star Magic! So okay lang na lumipat sya!

    Goodluck!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 38  timelessmusicss

    11/25/2009 | 08:24 PM
    Walang projects sa kabila, frozen delights, kaya lumipat sa KAPUSO.

    Kawawa naman yung ibang artists ng GMA, for sure matatabunan na naman sila ni CLaudine.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 37  travis05

    11/25/2009 | 08:24 PM
    Welcome sa Kapuso Network! I'm sure,mag eenjoy si Claudine dahil magaganda mga projects na ibibigay sa kanya at hindi sya pababayaan ng GMA7.Sana telefantasya ibigay sa kanya,o mas maganda,isa sya sa mga sanggre sa pagbabalik ng pinakatinutukang telefantasya,ang Encantadia.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 36  zama_jap

    11/25/2009 | 08:24 PM
    welkam and gudlak...si juday na ang susunod..yun ang hinihintay ko!..mag da diet ako pag si juday ang lilipat!..LOL
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 35  offshore

    11/25/2009 | 08:24 PM
    next na ba si JUDAY?

    sino na lang matitirang reyna ng dos?

    si Kris? sino pa ba? hahahahha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 34  beall

    11/25/2009 | 08:24 PM
    let's see....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 33  mzkhen28

    11/25/2009 | 08:23 PM
    Goodluck Claudine!

    Kahit kapamilya ako mas type ko sa GMA ka! Mas magkakaroon ka ng projects dyan!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 32  lightband

    11/25/2009 | 08:23 PM
    Hindi sya kagandahan dyan sa picture, she looks like Rose Bud. Welcome sa GMA...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 31  certifiedkapamilyainkorea

    11/25/2009 | 08:23 PM
    malamang malalaos din e2 tulad ni jolina dati,c jolina noong nsa ABS p kumikita ang mga movie nya at nagkakaroon ng awards ang mga album nya pro noong lumipat sya ,wla na asan n sya ngyon,,,,,,?malamang tulad din e2 ni jolina mataba n ska lumipat lalong wla ng carrer,malamang d rin kikita ang mga movie nya...trhanksss peace
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 30  nyleg1623

    11/25/2009 | 08:23 PM
    welcome to kapuso
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 29  jevin2

    11/25/2009 | 08:22 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 28  samathamarie

    11/25/2009 | 08:22 PM
    omg! mame-mention kaya ang balitang ito sa snn???

    pano kaya magre-react ang big bosses ng abs. tsaka sa mr. manahan....

    halatang napabayaan kasi ito since mag-asawa at magka-baby. baka naman nainis kasi kapuso ang pinakasalan.

    hayyy... lipat-lipat. sana mapabuti ka sa GMA.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 27  pusongpinoy111213

    11/25/2009 | 08:22 PM
    masaya na siguro si alfie lorenzo at nag iisang reyna na ng abs cbn si juday.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About