Isa nang Kapuso ang aktres na si Claudine Barretto!
Matagal na ang usap-usapan tungkol sa paglipat diumano ni Claudine sa GMA-7, pero ngayon lang ito nagkaroon ng katotohanan nang pumirma ng two-year contract ang aktres sa Kapuso network. Naganap ang contract-signing kaninang hapon, November 25, sa GMA Network Center.
Kasamang dumating ni Claudine sa tanggapan ng GMA-7 ang kanyang mga magulang. Present naman sa contract signing ang top executives ng Kapuso network na sina Atty. Felipe Gozon (CEO and President), Mr. Jimmy Duavit (COO and Vice President), Anette Gozon Abrogar (GMA Films President), at Wilma Galvante (SVP for Entertainment TV).
Ayon kay Claudine, naging mabilis daw ang pangyayari kaugnay ng pagpirma niya ng kontrata sa GMA-7.
Kuwento niya, "Everything was really, really fast, itong pangyayaring 'to. Hindi kami talaga prepared. Like yesterday, sinabi, 'Okay, we'll sign na today.'"
Ano naman ang pakiramdam niya na isa na siyang Kapuso?
"Parang naninibago, pero I think nangunguna sa lahat ng nararamdaman ko ngayon yung excitement. At the same time, excited talaga ako dahil magaganda yung mga nakahilerang projects for me," sabi ni Claudine.
Masaya rin daw si Claudine dahil magkakaroon na siya ng pagkakataon na makasama ang kanyang mister na si Raymart Santiago, na napapanood sa Darna.
Ayon sa ulat ni Lhar Santiago para sa GMA News, hindi naging mahaba ang negosasyon para sa paglipat ni Claudine sa Kapuso network. Nagsimula raw ang lahat sa paggawa ng pelikula ng aktres sa Viva Films.
"Claudine has a movie with Viva, and then they offered us [GMA Films] to co-produce it. So, sabi namin, 'Wow, dream come true to have a movie with Claudine!' We never thought that we could do a movie with Claudine," lahad ng GMA Films president na si Ms. Anette.
Ang pagiging Kapuso ang ikalawang pinakamalaking hakbang na ginawa ni Claudine sa career niya ngayong taon. Una ay ang pagpirma niya ng two-picture contract sa Viva Films noong October 8. (CLICK HERE to read related story.)
GOODBYE ABS-CBN. Marami ang nagulat sa desisyong ito ni Claudine dahil 17 years ang inilagi niya sa ABS-CBN. Sa katunayan, isa si Claudine sa itinuturing na pinakasikat at pinakamalaking female stars ng Kapamilya network.
Noong nakaraang concert ng Star Magic sa Araneta Coliseum noong November 13 ay nandun pa Claudine. Sila ni Piolo Pascual ang naging finale ng show.
Pero may bulung-bulungan din na matagal-tagal na raw hindi maayos ang relasyon ni Claudine sa ABS-CBN, partikular na sa talent arm nitong Star Magic. Noong nakaraang taon pa ang huling teleserye na ginawa ni Claudine sa ABS-CBN, ang Iisa Pa Lamang, at mukhang nainip na ang aktres sa susunod niyang proyekto. Bagamat nagkaroon siya ng special guest appearance sa May Bukas Pa ngayong taon.
Nagsimula ang showbiz career ni Claudine bilang teen star noong 1992 sa pamamagitan ng youth-oriented TV show ng ABS-CBN na Ang TV at sa sitcom na Home Along Da Riles. Bagama't ang mga una niyang pelikula ay mula sa Seiko Films, naging exclusive contract star siya ng Star Cinema, ang film arm ng ABS-CBN.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
1906 puckerlips143
1905 puckerlips143
nasaktan cguro ang exec ng dos but ayaw nila sirain si clau kc sila ang angpasikat dyan kaya they let her go kung san sya masaya.....goodluck clau..
1904 hearthyjhoe27
1903 djrw76
Think about it. If that's the case then you certainly can't blame her for feeling neglected and wanting to go where the work is. She dedicated her life and career in ABS-CBN for almost 18 years. If ABS-CBN is going to act like that 18 years never happened and that Claudine didn't help them in anyway, then good for Claudine for FINALLY stepping up and taking charge of her career.
Maybe the artistas there would think twice about what would happen to them once they reach the 5 or 10 yr mark of their careers. Make sure everything is in a binding contract and that the i's are dotted and the T's are crossed. That was Claudine's big mistake. Banking on loyalty with no written contract.
1902 nickjnv
let the televiewers enjoy!
1901 selina454
1900 kapamilyasuperbaduy
yan ba ang walang kina? pag finale?
halatang bitter lang mga kapalmilya dito...
wag mag alala kapusong claudine, supportado ka buong pamilya namin!
1899 paulinbai
1898 katharos
1897 kapusothebestno1
1896 moimoi102686
1895 fanhan
Im sure maninibago si Clau. She grew up in ABS. It's her home. And it's possible na after two years, babalik sya sa ABS. We don't know naman kung anong pinag-usapan sa bakuran ng ABS with Clau eh. Baka pinayagan lang while they can't give Claudine a project yet. But I like you Claudine, whether you are a Kapuso or Kapamilya.. she's really good. Sana GMA wont waste ur talent! Good luck!
1894 megortilla
i defense of misjasra, it will never happen because judy ann is now the teleserye queen of abs cbn. as in, sole teleserye queen po. at di yan gagaya kay clau na sabi sabi nga ng iba may working attitude daw at naghanap ng attention. yun po ay sabi ng iba na nakasaksi sa kanya. infact, why she still need to transfer to other network eh kailanman pag nagawa sya ng projects sa dos di naman sya binibigyan ng mga role na kontrabida and else where, she always have a good and remarkable role in every soap she made and thats because ganun sya kaimportante sa dos. kung gagawa sya they make sure it will make her a glistening star and not an outshine one. hai naku kawawa sya.
1893 rosen
1892 pangitkopangitkarin
1891 whimsical
1890 whimsical
1889 Case
1888 pinay123
mas maganda sa entertainment industriya na free agent lahat ng artista walang exclu-exclusive.
1887 jevin2
more comments