news

Claudine Barretto cuts her ties with ABS-CBN, moves to GMA-7

by Erwin Santiago posted on November 25, 2009  STATS: 6558 Views | 2106 Comments

 

After staying with ABS-CBN for 17 years, actress Claudine Barretto signed an exclusive two-year contract with GMA-7 today, November 25.

Photo By: Noel Orsal

Isa nang Kapuso ang aktres na si Claudine Barretto!

Matagal na ang usap-usapan tungkol sa paglipat diumano ni Claudine sa GMA-7, pero ngayon lang ito nagkaroon ng katotohanan nang pumirma ng two-year contract ang aktres sa Kapuso network. Naganap ang contract-signing kaninang hapon, November 25, sa GMA Network Center.

Kasamang dumating ni Claudine sa tanggapan ng GMA-7 ang kanyang mga magulang. Present naman sa contract signing ang top executives ng Kapuso network na sina Atty. Felipe Gozon (CEO and President), Mr. Jimmy Duavit (COO and Vice President), Anette Gozon Abrogar (GMA Films President), at Wilma Galvante (SVP for Entertainment TV).

Ayon kay Claudine, naging mabilis daw ang pangyayari kaugnay ng pagpirma niya ng kontrata sa GMA-7.

Kuwento niya, "Everything was really, really fast, itong pangyayaring 'to. Hindi kami talaga prepared. Like yesterday, sinabi, 'Okay, we'll sign na today.'"

Ano naman ang pakiramdam niya na isa na siyang Kapuso?

"Parang naninibago, pero I think nangunguna sa lahat ng nararamdaman ko ngayon yung excitement. At the same time, excited talaga ako dahil magaganda yung mga nakahilerang projects for me," sabi ni Claudine.

Masaya rin daw si Claudine dahil magkakaroon na siya ng pagkakataon na makasama ang kanyang mister na si Raymart Santiago, na napapanood sa Darna.

Ayon sa ulat ni Lhar Santiago para sa GMA News, hindi naging mahaba ang negosasyon para sa paglipat ni Claudine sa Kapuso network. Nagsimula raw ang lahat sa paggawa ng pelikula ng aktres sa Viva Films.

"Claudine has a movie with Viva, and then they offered us [GMA Films] to co-produce it. So, sabi namin, 'Wow, dream come true to have a movie with Claudine!' We never thought that we could do a movie with Claudine," lahad ng GMA Films president na si Ms. Anette.

Ang pagiging Kapuso ang ikalawang pinakamalaking hakbang na ginawa ni Claudine sa career niya ngayong taon. Una ay ang pagpirma niya ng two-picture contract sa Viva Films noong October 8. (CLICK HERE to read related story.)

GOODBYE ABS-CBN. Marami ang nagulat sa desisyong ito ni Claudine dahil 17 years ang inilagi niya sa ABS-CBN. Sa katunayan, isa si Claudine sa itinuturing na pinakasikat at pinakamalaking female stars ng Kapamilya network.

Noong nakaraang concert ng Star Magic sa Araneta Coliseum noong November 13 ay nandun pa Claudine. Sila ni Piolo Pascual ang naging finale ng show.

Pero may bulung-bulungan din na matagal-tagal na raw hindi maayos ang relasyon ni Claudine sa ABS-CBN, partikular na sa talent arm nitong Star Magic. Noong nakaraang taon pa ang huling teleserye na ginawa ni Claudine sa ABS-CBN, ang Iisa Pa Lamang, at mukhang nainip na ang aktres sa susunod niyang proyekto. Bagamat nagkaroon siya ng special guest appearance sa May Bukas Pa ngayong taon.

Nagsimula ang showbiz career ni Claudine bilang teen star noong 1992 sa pamamagitan ng youth-oriented TV show ng ABS-CBN na Ang TV at sa sitcom na Home Along Da Riles. Bagama't ang mga una niyang pelikula ay mula sa Seiko Films, naging exclusive contract star siya ng Star Cinema, ang film arm ng ABS-CBN.

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

2106 Comments

  • 1826  msTrue

    11/27/2009 | 02:05 PM
    oopss


    yes mukha nga me ibang insekto dito...

    ha ha ha.................

    lam mo ba oopss sa ibang site grabeh kung batikusin ng mga loser si claudine.

    sorry nalang sila wala na magagawa kasi naka pirma na ng 2yrs........umapila nalang sila pag nag expired ang kontrata.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1825  goodlooks

    11/27/2009 | 02:03 PM
    good luck claudine
    abangan na lang natin
    kung magniningning
    ang kanyang career
    tulad nina jolina,marvin,
    camille,patrick etc.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1824  msTrue

    11/27/2009 | 02:02 PM
    tignan nyo mga comments ng kapamilya sa ibang sites grabeh ang mga batikos nila kay claudine kasi naging kapuso na.......
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1823  oopss

    11/27/2009 | 02:01 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1822  goodlooks

    11/27/2009 | 02:01 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1821  milch

    11/27/2009 | 02:00 PM
    pretty clau gudluck
    ...
    hope u can do a movie project w/ judai!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1820  goodlooks

    11/27/2009 | 01:58 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1819  oopss

    11/27/2009 | 01:52 PM
    nasapol si jazzywags baboo na daw nyahaha..natauhan din..kung diko pa sinabi na ng a up ka lang ng message di aalis hahah..
    bye jazzywags! all smiles for you nyahahha..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1818  caljam

    11/27/2009 | 01:52 PM
    paano ba yan mga kapuso, eh di hindi nyo na lalaitin si claudine?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1817  sharekolang

    11/27/2009 | 01:45 PM
    hindi daw pikon si jazzychuchu pero puro xa exclamation point..haha..ok lang yan naiintindihan ka nmin part lang yan ng grieving period..DABDA kung baga..alam yan ng mga nurses dito..pakiexplain sa kanya..haha!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1816  oopss

    11/27/2009 | 01:43 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1815  bpaidoilnog

    11/27/2009 | 01:42 PM
    die hard kapalmuks
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1814  akobisaya

    11/27/2009 | 01:39 PM
    I'm kapamilya! pero....mukha atang madadagdagan na naman ang panonoorin kung shows sa GMA. dahil...kahit nasaan man yung idol namin....andyan parin kami para sumoporta....wag na mag-away-away PEPz.

    'yung nanglalait kay Ms.Clau dati....wag na natin hahalukayin pa.....we're just thankful na may trabaho ulit si Ms. Clau....ang hirap-hirap ng buhay ngayon......1 year is enough para mag-intay ng projects...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1813  msTrue

    11/27/2009 | 01:38 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1812  msTrue

    11/27/2009 | 01:34 PM
    and the sore loser goes to!!!!!!!!!!!!!!


    kapamilya network............

    and to kapamilyanatics.........
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1811  jazzywags

    11/27/2009 | 01:33 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1810  oopss

    11/27/2009 | 01:32 PM
    1613
    msTrue
    November 27, 2009
    13:21 PM oopss


    dagdag ko lang sa sinabi mo,,,,

    iba kasi ang gma malaki ang kinikita kumpara sa abs kaya kayang kaya ang malaking TF ni claudine.....
    ------
    korek ka jan sistur..naka memorize na yan automatically hahah..

    kaya nga yung isa dito di matanggap ang katotohanan..wala ng masabi inuult ulit lang para ma up ang message nya.

    for you jazzywags- your nothing but loser!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1809  msTrue

    11/27/2009 | 01:32 PM
    hoy jazzy

    ikaw ang hahalik sa mga paa ko!!!!!!!

    aho!!!!!!!!!!!!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1808  Case

    11/27/2009 | 01:32 PM
    kumusta naman ang mga paa ni Angel nung hinalikan nU??masarap ba?? ha ha ha!! kinain nU na yata sa sobrang tuwa nU sa paglipat nya a... ha ha ha!!!tinalo nya lahat ng nasa Abs na starlets. ha ha ha!! Angel... Reyna ng 2!! Wahahaha!!! kunin nu na c Claudine nu,, kung gus2 pa sa inU...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1807  jazzywags

    11/27/2009 | 01:28 PM
    yoohoo!!!! si Claudine ang bagong reyna ng GMA!!!! ang raming mawawalan ng racket bwahahaha!!!!!!

    mga kapusaksakan ng yayabang konting isip ha at wag yung panggagaya lang sa akin at binabaligtad nyo pa ako.

    todo lait kay clau noon todo puri naman ngayon. para kayong mga asong nakatanghod sa lahat ng mga gagawin nyang moves! kulang na lang maglaway kayo bwahahaha!!!!!

    the defining moments of GMA kapusaksakan ng yabang: doble kara. sa bagong singkong lalabas kayo ang bida!

    balimbing sa harap, ampalaya sa likod! whooopeeee!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About