Isa nang Kapuso ang aktres na si Claudine Barretto!
Matagal na ang usap-usapan tungkol sa paglipat diumano ni Claudine sa GMA-7, pero ngayon lang ito nagkaroon ng katotohanan nang pumirma ng two-year contract ang aktres sa Kapuso network. Naganap ang contract-signing kaninang hapon, November 25, sa GMA Network Center.
Kasamang dumating ni Claudine sa tanggapan ng GMA-7 ang kanyang mga magulang. Present naman sa contract signing ang top executives ng Kapuso network na sina Atty. Felipe Gozon (CEO and President), Mr. Jimmy Duavit (COO and Vice President), Anette Gozon Abrogar (GMA Films President), at Wilma Galvante (SVP for Entertainment TV).
Ayon kay Claudine, naging mabilis daw ang pangyayari kaugnay ng pagpirma niya ng kontrata sa GMA-7.
Kuwento niya, "Everything was really, really fast, itong pangyayaring 'to. Hindi kami talaga prepared. Like yesterday, sinabi, 'Okay, we'll sign na today.'"
Ano naman ang pakiramdam niya na isa na siyang Kapuso?
"Parang naninibago, pero I think nangunguna sa lahat ng nararamdaman ko ngayon yung excitement. At the same time, excited talaga ako dahil magaganda yung mga nakahilerang projects for me," sabi ni Claudine.
Masaya rin daw si Claudine dahil magkakaroon na siya ng pagkakataon na makasama ang kanyang mister na si Raymart Santiago, na napapanood sa Darna.
Ayon sa ulat ni Lhar Santiago para sa GMA News, hindi naging mahaba ang negosasyon para sa paglipat ni Claudine sa Kapuso network. Nagsimula raw ang lahat sa paggawa ng pelikula ng aktres sa Viva Films.
"Claudine has a movie with Viva, and then they offered us [GMA Films] to co-produce it. So, sabi namin, 'Wow, dream come true to have a movie with Claudine!' We never thought that we could do a movie with Claudine," lahad ng GMA Films president na si Ms. Anette.
Ang pagiging Kapuso ang ikalawang pinakamalaking hakbang na ginawa ni Claudine sa career niya ngayong taon. Una ay ang pagpirma niya ng two-picture contract sa Viva Films noong October 8. (CLICK HERE to read related story.)
GOODBYE ABS-CBN. Marami ang nagulat sa desisyong ito ni Claudine dahil 17 years ang inilagi niya sa ABS-CBN. Sa katunayan, isa si Claudine sa itinuturing na pinakasikat at pinakamalaking female stars ng Kapamilya network.
Noong nakaraang concert ng Star Magic sa Araneta Coliseum noong November 13 ay nandun pa Claudine. Sila ni Piolo Pascual ang naging finale ng show.
Pero may bulung-bulungan din na matagal-tagal na raw hindi maayos ang relasyon ni Claudine sa ABS-CBN, partikular na sa talent arm nitong Star Magic. Noong nakaraang taon pa ang huling teleserye na ginawa ni Claudine sa ABS-CBN, ang Iisa Pa Lamang, at mukhang nainip na ang aktres sa susunod niyang proyekto. Bagamat nagkaroon siya ng special guest appearance sa May Bukas Pa ngayong taon.
Nagsimula ang showbiz career ni Claudine bilang teen star noong 1992 sa pamamagitan ng youth-oriented TV show ng ABS-CBN na Ang TV at sa sitcom na Home Along Da Riles. Bagama't ang mga una niyang pelikula ay mula sa Seiko Films, naging exclusive contract star siya ng Star Cinema, ang film arm ng ABS-CBN.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
1686 jazzywags
1685 jazzywags
kapuso, sit! kapuso, lay! kapuso, go outside! bwahaha! parang mga asong sunud sunuran na ngayon kay Claudine.
bow sila siguro ngayon ng bow sa bawat salitang bibitiwan ni Clau.
No doubt si Claudine ang bagong reyna ng GMA!
Mabuhay ka Claudine!
1684 Case
1683 Case
1682 Case
1681 Case
1680 happyme
1679 Case
1678 lilac0808
Di ba noong sila ni mark, medyo di maganda image niyan?
1677 PhilEntPortal
May sinabi bang ayaw??? kitid tlga pag utak Kapusonegro. lol Ang ayaw ng Kapamilya ang Ugaling Squatter. But di lhat ng squatter ay may ugaling gnun. wahahaha... engot Bopologs tlga si Case! lol
1676 Case
1675 happyme
1674 california09
I agree, sumikat lang ang dalawang yan kasi sa kilig factor nila with their tandeam. Papano nyan ngayon may mga asawa na sila, so really it's not going to be the same hit when they were singles. Ganyan lang yan, imagine mo nga itambal sya kay mark?? talaga makilig ka pa nyan? or even ka dong? hahaha... parang sorry claudine you don't have choice but to accept the nanay role... lol
1673 Case
1672 kapuso_believer
wag mo cla masyado awayin, bka mastroke cla
1671 reynolds
di naman kawalan si Claudine, kadami pang magagaling sa dos, tsaka her limelight is over na. tapos na yung peak niya, tumaba na nga eh. sa dos naku karami pang magiging lead role. si eula valdez asan na pala....
1670 california09
1669 kapuso_believer
1668 lupine
1667 Case
more comments