news

Claudine Barretto cuts her ties with ABS-CBN, moves to GMA-7

by Erwin Santiago posted on November 25, 2009  STATS: 6544 Views | 2106 Comments

 

After staying with ABS-CBN for 17 years, actress Claudine Barretto signed an exclusive two-year contract with GMA-7 today, November 25.

Photo By: Noel Orsal

Isa nang Kapuso ang aktres na si Claudine Barretto!

Matagal na ang usap-usapan tungkol sa paglipat diumano ni Claudine sa GMA-7, pero ngayon lang ito nagkaroon ng katotohanan nang pumirma ng two-year contract ang aktres sa Kapuso network. Naganap ang contract-signing kaninang hapon, November 25, sa GMA Network Center.

Kasamang dumating ni Claudine sa tanggapan ng GMA-7 ang kanyang mga magulang. Present naman sa contract signing ang top executives ng Kapuso network na sina Atty. Felipe Gozon (CEO and President), Mr. Jimmy Duavit (COO and Vice President), Anette Gozon Abrogar (GMA Films President), at Wilma Galvante (SVP for Entertainment TV).

Ayon kay Claudine, naging mabilis daw ang pangyayari kaugnay ng pagpirma niya ng kontrata sa GMA-7.

Kuwento niya, "Everything was really, really fast, itong pangyayaring 'to. Hindi kami talaga prepared. Like yesterday, sinabi, 'Okay, we'll sign na today.'"

Ano naman ang pakiramdam niya na isa na siyang Kapuso?

"Parang naninibago, pero I think nangunguna sa lahat ng nararamdaman ko ngayon yung excitement. At the same time, excited talaga ako dahil magaganda yung mga nakahilerang projects for me," sabi ni Claudine.

Masaya rin daw si Claudine dahil magkakaroon na siya ng pagkakataon na makasama ang kanyang mister na si Raymart Santiago, na napapanood sa Darna.

Ayon sa ulat ni Lhar Santiago para sa GMA News, hindi naging mahaba ang negosasyon para sa paglipat ni Claudine sa Kapuso network. Nagsimula raw ang lahat sa paggawa ng pelikula ng aktres sa Viva Films.

"Claudine has a movie with Viva, and then they offered us [GMA Films] to co-produce it. So, sabi namin, 'Wow, dream come true to have a movie with Claudine!' We never thought that we could do a movie with Claudine," lahad ng GMA Films president na si Ms. Anette.

Ang pagiging Kapuso ang ikalawang pinakamalaking hakbang na ginawa ni Claudine sa career niya ngayong taon. Una ay ang pagpirma niya ng two-picture contract sa Viva Films noong October 8. (CLICK HERE to read related story.)

GOODBYE ABS-CBN. Marami ang nagulat sa desisyong ito ni Claudine dahil 17 years ang inilagi niya sa ABS-CBN. Sa katunayan, isa si Claudine sa itinuturing na pinakasikat at pinakamalaking female stars ng Kapamilya network.

Noong nakaraang concert ng Star Magic sa Araneta Coliseum noong November 13 ay nandun pa Claudine. Sila ni Piolo Pascual ang naging finale ng show.

Pero may bulung-bulungan din na matagal-tagal na raw hindi maayos ang relasyon ni Claudine sa ABS-CBN, partikular na sa talent arm nitong Star Magic. Noong nakaraang taon pa ang huling teleserye na ginawa ni Claudine sa ABS-CBN, ang Iisa Pa Lamang, at mukhang nainip na ang aktres sa susunod niyang proyekto. Bagamat nagkaroon siya ng special guest appearance sa May Bukas Pa ngayong taon.

Nagsimula ang showbiz career ni Claudine bilang teen star noong 1992 sa pamamagitan ng youth-oriented TV show ng ABS-CBN na Ang TV at sa sitcom na Home Along Da Riles. Bagama't ang mga una niyang pelikula ay mula sa Seiko Films, naging exclusive contract star siya ng Star Cinema, ang film arm ng ABS-CBN.

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

2106 Comments

  • 1626  lilac0808

    11/27/2009 | 07:45 AM
    at kahit na bawasan pa yan ng mga expenses eh importante pinilahan ng tao. Eh malaki nga ang kinita pero wala naman taong nanood,yun ang flop. Matatawang lang siyang malaki ang kinita kasi nga low budget movies siya,sabi nga sanegosyo tubong lugaw.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1625  lilac0808

    11/27/2009 | 07:42 AM
    ako base lang ako doon sa nakikita ko at di ako biased dahil gusto ko si ganito at gusto si ganire.

    Makikita mo naman siguro na mahahaba lagi ang pila ng sinehanpag showing sila at extended pa yan ng ilang days. Doon mo makikita na blockbusters talaga kahit walang declaration ng kita alam mo na kumita.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1624  kapusothebestno1

    11/27/2009 | 07:39 AM
    ung pinapakita na kita nila hndi pa un final marami pang bwas dun ung expenses nila sa movie at taxes kya wlang credibility ung pina palabas na income ng abs pero the fact is flop din ung movies nila.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1623  lilac0808

    11/27/2009 | 07:39 AM
    ang ibang business nga kahit malaki ang kinita , pinapaliitan para konti lang bayaran sa BIR.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1622  lilac0808

    11/27/2009 | 07:36 AM
    imposible naman kasi yong dahilan niyo na padding kasi, naka depende iyong tax ng kita sa BIR. Eh sino engot na businessman ang mag dedeclare ng lampas sa kita nila? Di ba?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1621  lilac0808

    11/27/2009 | 07:34 AM
    di ko alam kung bakit mas nag iincome iyong favorite station mo, di natin alam ang mga expenses nila kaya di ako makakasagot diyan.

    Pero ang kita ng movies ang makakapagpatunay na blockbusters lagi movies nila.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1620  kapusothebestno1

    11/27/2009 | 07:21 AM
    lilaco808 late k pla sa mga balita na pina pa tahimik lang ng abs station ang mga sinehan na flop din ung mga movies nila. kung blockbuster hit bkit tlo sila ng income sa gma at lubog ang abs sa bilyong2 utang
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1619  lilac0808

    11/27/2009 | 07:13 AM
    si dolphy at judy ann ni minsan ay walang flop movies noong kasikatan time niya, iyong hot na hot pa sila. Sijohn loyd naman flop lamg movies niya noong di pa siya gaanong kasikatan. Pero ng maging hot siya, puro block busters movies niya.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1618  Case

    11/27/2009 | 07:08 AM
    Kim Chiu- Gerald?!! Hottest stars??!! Tlaga!!ano daw??!!Buti cnb mo, kung hindi, hindi kp malalaman, kc ni minsan HINDI yan sumagi sa icp ko. HA ha ha!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1617  kapusothebestno1

    11/27/2009 | 07:03 AM
    basta gma rules philippine television.im from visayas and im proud to be kapuso.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1616  kapusothebestno1

    11/27/2009 | 06:59 AM
    lilaco808 marmi din nmang stars sa abs na flop din ang movies tulad nila johnloyd cris at marami pa dolphi judy ann pa ksi wla ng time manood ang mga tao ngayon crisis at busy.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1615  pearl101

    11/27/2009 | 06:58 AM
    ang balita ko ay nanay ang role ni claudine sa gma. laos na kasi siya kaya nanay role na lang. si angel, after a year or two ay luluhod na siya sa gma na tanggapin uli siya dahil ngayon pa lang may spot na siya sa freezer ng dos. kaya nga dapat don't burn bridges para magamit mo uli sa pagtulay pabalik.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1614  younisoman

    11/27/2009 | 06:54 AM
    wow daming comments love ka na talaga ng mga KAPUSO musta naman ang mga bitter KAPAMILYA PASALOVE naman kayo dyan,gaganda ng mga show ng GMA next year musta naman ang mga show ng KAPAMILYA next year ah meron nga pala yung mga inagiw at nilumot na show nila n matagal ng tapos pro next year pa lang ipapalabas ahahahahha,musta naman yung STAR NYO NGAYON pasko STAR pa rin ba o naging bulalakaw na lang bilis bumaksak,peace ....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1613  lilac0808

    11/27/2009 | 06:46 AM
    1428

    In fairness to angel, nakita ko naman sa news na madaming photographer ang kumukuha ng picture sa kanya. D naman totoo yang sinasabi mo na ni langaw walang lumipat , sobra ka naman. Liars go to hell.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1612  lilac0808

    11/27/2009 | 06:32 AM
    pagnagkataon, agb rating prime time bida,pero flop queen movie na rin. hehehe! Good luck claudine!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1611  lilac0808

    11/27/2009 | 06:30 AM
    claudine, tuluyan ng mananamlay ang career, may work nga pero hanggang mega manila na lang ang career niya magagaya din siya ng iba.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1610  ferdieblu

    11/27/2009 | 06:26 AM
    news black out na si Claudine sa ABS.
    ok yan para madali kang makalimutan ng mga kapamilya.
    para tuluyan knang malaos.


    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1609  jhoda

    11/27/2009 | 06:18 AM
    Ano kaya ang first project ni Claudine sa GMA? Dapat heavy drama!!! Sinong leading man nya? O baka naman gawin syang nanay dun?! Hello..wag naman sana.

    Basta gudluck Clau. Kapamilya still supports you! I will watch out for your movies! Goodluck!


    And finally guys, Judy Ann Santos vs Claudine Barretto sa next year sa parehong timeslot!

    Anong say nyo? Judy Ann vs Claudine! Ngayon pwede na kasi Magkaibang bakod sila!

    Who will win? Judy Ann or Claudine?!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1608  Aldrich18ofUSA

    11/27/2009 | 06:04 AM
    Tayong Dalawa made waves....yeah, pro hindi niya nalampasan ang waves ng Marimar noon... lol I think yung pinakamataas na ratings na nakuha ng TD is 39.1 sa AGB Mega Manila... yung finale... eh, we know naman na ang rating na yan ay wala lang sa Darna nung August na naglalaro sa 40's!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1607  Aldrich18ofUSA

    11/27/2009 | 06:01 AM
    I read this article, mga head wiriters dw ng isang higanteng istasyon... ngsisiresign na!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About