Isa nang Kapuso ang aktres na si Claudine Barretto!
Matagal na ang usap-usapan tungkol sa paglipat diumano ni Claudine sa GMA-7, pero ngayon lang ito nagkaroon ng katotohanan nang pumirma ng two-year contract ang aktres sa Kapuso network. Naganap ang contract-signing kaninang hapon, November 25, sa GMA Network Center.
Kasamang dumating ni Claudine sa tanggapan ng GMA-7 ang kanyang mga magulang. Present naman sa contract signing ang top executives ng Kapuso network na sina Atty. Felipe Gozon (CEO and President), Mr. Jimmy Duavit (COO and Vice President), Anette Gozon Abrogar (GMA Films President), at Wilma Galvante (SVP for Entertainment TV).
Ayon kay Claudine, naging mabilis daw ang pangyayari kaugnay ng pagpirma niya ng kontrata sa GMA-7.
Kuwento niya, "Everything was really, really fast, itong pangyayaring 'to. Hindi kami talaga prepared. Like yesterday, sinabi, 'Okay, we'll sign na today.'"
Ano naman ang pakiramdam niya na isa na siyang Kapuso?
"Parang naninibago, pero I think nangunguna sa lahat ng nararamdaman ko ngayon yung excitement. At the same time, excited talaga ako dahil magaganda yung mga nakahilerang projects for me," sabi ni Claudine.
Masaya rin daw si Claudine dahil magkakaroon na siya ng pagkakataon na makasama ang kanyang mister na si Raymart Santiago, na napapanood sa Darna.
Ayon sa ulat ni Lhar Santiago para sa GMA News, hindi naging mahaba ang negosasyon para sa paglipat ni Claudine sa Kapuso network. Nagsimula raw ang lahat sa paggawa ng pelikula ng aktres sa Viva Films.
"Claudine has a movie with Viva, and then they offered us [GMA Films] to co-produce it. So, sabi namin, 'Wow, dream come true to have a movie with Claudine!' We never thought that we could do a movie with Claudine," lahad ng GMA Films president na si Ms. Anette.
Ang pagiging Kapuso ang ikalawang pinakamalaking hakbang na ginawa ni Claudine sa career niya ngayong taon. Una ay ang pagpirma niya ng two-picture contract sa Viva Films noong October 8. (CLICK HERE to read related story.)
GOODBYE ABS-CBN. Marami ang nagulat sa desisyong ito ni Claudine dahil 17 years ang inilagi niya sa ABS-CBN. Sa katunayan, isa si Claudine sa itinuturing na pinakasikat at pinakamalaking female stars ng Kapamilya network.
Noong nakaraang concert ng Star Magic sa Araneta Coliseum noong November 13 ay nandun pa Claudine. Sila ni Piolo Pascual ang naging finale ng show.
Pero may bulung-bulungan din na matagal-tagal na raw hindi maayos ang relasyon ni Claudine sa ABS-CBN, partikular na sa talent arm nitong Star Magic. Noong nakaraang taon pa ang huling teleserye na ginawa ni Claudine sa ABS-CBN, ang Iisa Pa Lamang, at mukhang nainip na ang aktres sa susunod niyang proyekto. Bagamat nagkaroon siya ng special guest appearance sa May Bukas Pa ngayong taon.
Nagsimula ang showbiz career ni Claudine bilang teen star noong 1992 sa pamamagitan ng youth-oriented TV show ng ABS-CBN na Ang TV at sa sitcom na Home Along Da Riles. Bagama't ang mga una niyang pelikula ay mula sa Seiko Films, naging exclusive contract star siya ng Star Cinema, ang film arm ng ABS-CBN.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
1566 spiker26
1565 nickjnv
sa kabilang banda nagbubunyi ang mga kapuso dahil nakakabig sila.
ang panalo dito ay lahat ng tv viewers na may better choice...
pasalove nlang mga kapatid.
1564 kapusothebestno1
1563 nethguzman
1562 kapusothebestno1
1561 nethguzman
1560 PhilEntPortal
Gudnyt...
1559 ChattermanNiceGuyJp
1558 skyward
cholesterol!..waaahhh..
abangan nyo c angel na hahalik sa feet ni WG...
1557 exodus2009
1556 PhilEntPortal
wahahaha isa ka pang barbero. lol puro ka panggogoyo. non sense mga kutserong pinagsa2bi mu. lol. si welma ha2likan ni Angel?? weewww.. amoy SARDINAS kya si Welma.. yakk.. wahahahaha
1555 PhilEntPortal
1554 skyward
kht ano pang sabihin mo LOSER na talaga ang abs, abangan nyo c Angel babalik na daw sa Kapuso at hahalik daw sa feet ni wilma galvante..waahhh..
1553 kapamilyasuperbaduy
nagkakamatayan na nga at lahat sa maguindanao iniintriga pa ang paglipat ni claudine? ang babaw nyo mga kapalmilya hah!
wag mag alala claudine buong pamilya namin all out support sa yo!
1552 PhilEntPortal
ok kw bhla bsta ko andito for abscbn.. galing mu i like u kapamilya! wahahaha
cge kw leader ku for now! wahahahha
G-unggong
M-andaraya
A-kong Kapusonegrong taga Mega Tondo!
wahahahha
1551 pinoypower99
1550 PhilEntPortal
Puro ka panggogoyo! Mga kwentong kutsero mo nka2twa you make ur self bitter. lol.. asan ang prove pki labas nga? lol.. pki labas na rin ung kita ng Both stations since 2003 ung gwa2 nyo ni Manilaphils.. wahahaha.. Sa Barber shop ka n lng mgreklamo. wahahahaha
1549 jazzywags
pero may bago kaming nadiskubre! hindi lang pala sila ampalaya! balimbing din!
1548 memayz
1547 PhilEntPortal
Mga Bitter magre2act lol.
more comments