news

Claudine Barretto cuts her ties with ABS-CBN, moves to GMA-7

by Erwin Santiago posted on November 25, 2009  STATS: 6588 Views | 2106 Comments

 

After staying with ABS-CBN for 17 years, actress Claudine Barretto signed an exclusive two-year contract with GMA-7 today, November 25.

Photo By: Noel Orsal

Isa nang Kapuso ang aktres na si Claudine Barretto!

Matagal na ang usap-usapan tungkol sa paglipat diumano ni Claudine sa GMA-7, pero ngayon lang ito nagkaroon ng katotohanan nang pumirma ng two-year contract ang aktres sa Kapuso network. Naganap ang contract-signing kaninang hapon, November 25, sa GMA Network Center.

Kasamang dumating ni Claudine sa tanggapan ng GMA-7 ang kanyang mga magulang. Present naman sa contract signing ang top executives ng Kapuso network na sina Atty. Felipe Gozon (CEO and President), Mr. Jimmy Duavit (COO and Vice President), Anette Gozon Abrogar (GMA Films President), at Wilma Galvante (SVP for Entertainment TV).

Ayon kay Claudine, naging mabilis daw ang pangyayari kaugnay ng pagpirma niya ng kontrata sa GMA-7.

Kuwento niya, "Everything was really, really fast, itong pangyayaring 'to. Hindi kami talaga prepared. Like yesterday, sinabi, 'Okay, we'll sign na today.'"

Ano naman ang pakiramdam niya na isa na siyang Kapuso?

"Parang naninibago, pero I think nangunguna sa lahat ng nararamdaman ko ngayon yung excitement. At the same time, excited talaga ako dahil magaganda yung mga nakahilerang projects for me," sabi ni Claudine.

Masaya rin daw si Claudine dahil magkakaroon na siya ng pagkakataon na makasama ang kanyang mister na si Raymart Santiago, na napapanood sa Darna.

Ayon sa ulat ni Lhar Santiago para sa GMA News, hindi naging mahaba ang negosasyon para sa paglipat ni Claudine sa Kapuso network. Nagsimula raw ang lahat sa paggawa ng pelikula ng aktres sa Viva Films.

"Claudine has a movie with Viva, and then they offered us [GMA Films] to co-produce it. So, sabi namin, 'Wow, dream come true to have a movie with Claudine!' We never thought that we could do a movie with Claudine," lahad ng GMA Films president na si Ms. Anette.

Ang pagiging Kapuso ang ikalawang pinakamalaking hakbang na ginawa ni Claudine sa career niya ngayong taon. Una ay ang pagpirma niya ng two-picture contract sa Viva Films noong October 8. (CLICK HERE to read related story.)

GOODBYE ABS-CBN. Marami ang nagulat sa desisyong ito ni Claudine dahil 17 years ang inilagi niya sa ABS-CBN. Sa katunayan, isa si Claudine sa itinuturing na pinakasikat at pinakamalaking female stars ng Kapamilya network.

Noong nakaraang concert ng Star Magic sa Araneta Coliseum noong November 13 ay nandun pa Claudine. Sila ni Piolo Pascual ang naging finale ng show.

Pero may bulung-bulungan din na matagal-tagal na raw hindi maayos ang relasyon ni Claudine sa ABS-CBN, partikular na sa talent arm nitong Star Magic. Noong nakaraang taon pa ang huling teleserye na ginawa ni Claudine sa ABS-CBN, ang Iisa Pa Lamang, at mukhang nainip na ang aktres sa susunod niyang proyekto. Bagamat nagkaroon siya ng special guest appearance sa May Bukas Pa ngayong taon.

Nagsimula ang showbiz career ni Claudine bilang teen star noong 1992 sa pamamagitan ng youth-oriented TV show ng ABS-CBN na Ang TV at sa sitcom na Home Along Da Riles. Bagama't ang mga una niyang pelikula ay mula sa Seiko Films, naging exclusive contract star siya ng Star Cinema, ang film arm ng ABS-CBN.

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

2106 Comments

  • 2066  iza_marian7

    12/01/2009 | 03:42 PM
    puro oa, overrated at so-so nalang ang natira sa dos, kasi naman sobrang cost-cutting dahil lugi, di na nga nakabayad da bilyong loans, 16.6 decrease pa ng kita.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 2065  orangecountykid

    12/01/2009 | 03:25 PM
    Ms Baretto made a professional decision. It seems to her that there are no new projects going her way with ABS CBN so she took the first opportunity to jump ship to GMA. I do not know whatever happened to the plan of a teleserye with her sister Gretchen because I thoguht it was almost a done deal except for a few contract details. Then the story disappeared for months until this. I think the contract dispute was about money. If she can get more from GMA, go ahead and do it. No explanation required.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 2064  bumblebeeboy

    12/01/2009 | 03:04 PM
    sa wakas may masasabi na ring STAR ang mga kapuso!

    congratz sa inyo!

    -kapamilya 4-ever
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 2063  meichi19852008

    12/01/2009 | 02:20 PM
    korak k kinabog
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 2062  landstown

    12/01/2009 | 12:19 PM
    congrats claudine
    congrats gma7
    ang gaganda at ang gagaling ng stars ng gma7.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 2061  nethguzman

    12/01/2009 | 03:54 AM
    Isang super bonggang welcome sayo Miss Clau. You have so much to give, so much talent to showcase. Since mas preferred nila ang magshowcase ng asong puti na puro hubaran ang alam, it's best for you talaga to move to where you belong! Super excited na kaming makita ka uli sa tv at sa big screen Miss Clau! Kayo ni Mark!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 2060  eagles_eye1982

    12/01/2009 | 01:06 AM
    Well what claudine did is just an example that there was no permanent in the world of showbiz.... what is ur worst enemy today will be ur best ur best frends in the future!!! who know Marian riverra will be transferred in the near future, impossible right? that was the same thing that people said about Ms barreto.. IMPOSSIBLE she started with abs but look at now?!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 2059  got_punk

    11/30/2009 | 11:54 PM
    ohhhhhhhhh myyyyyyy goshhhh...why oh why,bat ka lumipat clau,bakit juice ko parang ang hirap paniwalaan na lumipat na nga cya,d ko kayang panoorin c clau sa GMA,at d ko na tlga cya makikita sa TV tfc kasi ang meron sa min,ngayon hati na ang reyna ng teleserye hang swerte naman ng GMA,clua bakitttttttttttttt!!!!!! :
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 2058  czeska221

    11/30/2009 | 11:19 PM
    move on na lng people, okay claudine went to GMA, so what dba? its her decision, wla xang trabaho sa dos, at may pamilya na...c angel lalaos din, lahat lalaos, panapanahon lng. simply shows lng na JUDAY have more worth to ABS than claudz, i think for a reason na merong magandang ugali xa, u know marunong makibagay, mapagkumbaba, okay lng sa kanya kng may mga sumisikat na new stars, hindi xa kasi insecure, hindi xa na threatened kahit minsan. or kung na insecure man okay lng sa kanya accepted nya kasi na ganyan talaga ang showbiz...plus okay lng kng wlang trabaho kasi daming pera, nag ipun kasi mula bata pa, marunong kasi magdala ng buhay... more than 20 years in her craft ha...at versatile xa, she explored other things beyond her profession actor. mapa action, comedy, drama, hay naku, gifted ka talaga. claudz, best of luck to u in ur new network.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 2057  happyme

    11/30/2009 | 08:58 PM
    Oh nice words princesskc I know that your a fan of Kc and mega palagi kita nakita doon thank you!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 2056  blankdah

    11/30/2009 | 08:14 PM
    for me hndi nmn big deal cguro ng abs na nwala c claudine..bkit? cclaudine lng bah ang dahilan kung bakit no.1 ang abs WORLDWIDE as in hndi lng etro mnila ha worldwide!..given na yung mgaling c claudine pru agree aq dun sa mga nagsasabi na insecure na talaga xa sa mga artista sa abs..haller! e kumapra bah ang acting ni kim chiu at kris bernal! hahahaha LOL! khit hndi aq fan ni kim chiu i can really say that abs trained her to be the best bakit may johnny mnahan ban ang gma? wala! khit nga sa stge design ng mga shows nila npaka dry! ewan kung sino ang stage director nila mukhng wlang taste...and to think abs is more on ORIGINAL story!!! as in orig... yeah may remake rin sila pru d lahat ng mga shows nila hndi kagaya sa iba... cguro pag nakita na tlga ni claudine na paunti2 na xang malalaos sa gma hay naku babalik rin yun!..wawa d na xa mkikila worldwide.. :so sad for her! gudluck sa bugbugan na trabaho becoz for xur khit 2 months pa lng natpos ang old show meron na kaagd hndi mn lng hinahayaan na mag rest and
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 2055  jevin2

    11/30/2009 | 07:38 PM
    a
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 2054  akobisaya

    11/30/2009 | 06:45 PM
    careermuna

    ahhh......... ganun vah!?pero parang hindi ata nagcoincide yung narinig ko.....anyways....TIN must be lucky, na pinili siya ng dos over Ms. Clau na hindi naman kaila na halos box office hits yung movie niya.

    salamat sa info....pagtugma-tugmain ko pa yung nakalat kung balita.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 2053  careermuna

    11/30/2009 | 06:25 PM
    sabi sabi,.,.dapat nga si KRISTIN HERMOSA ang lilipat sa 2010,.sa gma7 kas sya yung nililigawan ng 7,.pero mas pinayagan daw ng 2 si claudine lumipat ..,kase nga daw may star power si TIN at iba ang dating ni TIN sa tao...dapat nga may tv sereis pa si claudine wid DEREK RAMSEY a GRETCHEN BARETO dibagt;??si ROXANNE GUINOO na daw ang ipapalit,.....si KRISTIN HERMOSA kase after ng super lakas na DMII,.sila ni PIOLO at JON AVILA ang magtatambal,...hearsay!!!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 2052  mooplace

    11/30/2009 | 05:01 PM
    win win win, Prizes worth P17,000
    Its easy and its free join Mooplace. Enter the holiday photo competition upload your most impressive photo to wow the judges.

    P10,000 - 1st prize winner
    P5,000 - 2nd prize winner
    P2,000 - 3rd prize winne
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 2051  Case

    11/30/2009 | 03:21 PM
    Xspring. Hello my dear,,mas baliw naman ang ngsasabing worldclass at sosyal abs,,hahaha!!! Hahaha!!!sosyal daw pero abs ang pinapanood.hahahaha!!!hahahahaha!! To think na wala man Lang cla mapakain sa taping. Hahahaha!!! Ano un sosyal na walang PEra.haha!! Hello sosyal b manood ng abs??hahahahaha!!kinasosyal nun??cheap db
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 2050  Case

    11/30/2009 | 03:11 PM
    Ang galing ng abs...my sikat na cla....c angel locsin .ang reyna nilang flopsina.kapalmilya,,kiss angel locsin's feet.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 2049  00chloe004

    11/30/2009 | 02:52 PM
    mismogizmo

    patingin ka sa psychiatrist, anlala na ng problema mo sa pag-iisip

    hahaha...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 2048  mismogizmo

    11/30/2009 | 01:19 PM
    Ang galing naman ng GMA, may sikat na sila. Galing na rin kay Claudine na minadali siyang mag-sign ng papers. LOL. Supalpal iyong mga kapuso na mahilig gumamit ng word na pirata. Nakakahiya.

    Pero hindi ba ninyo napansin, ok lang sa ABS kahit after na nag-asawa siya, nanganak, tumaba. Binigyan siya ng teleserye, isinama sa US tour, sa Grand Ball ba iyon, sa last concert sa araneta few days ago at iyong naka line up na teleserye nila ng ate niya. And then few days lang at nagpapirata na siya. Kung sa GMA ito, naglabasan na ang katakut-takot na paninira. At malalaman na natin kung bakit kinasusuklaman siya at ayaw siyang pumunta sa libing ni Rico Y. Pero hindi ugali ng ABS. Hopefully hindi siya magaya sa kina Jolina, Pops, Richard G., Regine V. at iba pa na nalaos.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 2047  iza_marian7

    11/30/2009 | 01:13 PM
    Stairway to Heaven, magkakahiwalay na nga ba sina Jenna at Cholo?
    Fullhouse,
    Shinning Inheritance, Sino nga ba ang tunay na gusto ni Yna? Si Francis o Yuan?
    Ripley's Belive It or Not- Monday by Chris Tiu
    OC to The Max - Tuesday
    Wow Hayop- Wednesday
    SRO -Thursday
    Bubble Gang- Friday
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About