Isa nang Kapuso ang aktres na si Claudine Barretto!
Matagal na ang usap-usapan tungkol sa paglipat diumano ni Claudine sa GMA-7, pero ngayon lang ito nagkaroon ng katotohanan nang pumirma ng two-year contract ang aktres sa Kapuso network. Naganap ang contract-signing kaninang hapon, November 25, sa GMA Network Center.
Kasamang dumating ni Claudine sa tanggapan ng GMA-7 ang kanyang mga magulang. Present naman sa contract signing ang top executives ng Kapuso network na sina Atty. Felipe Gozon (CEO and President), Mr. Jimmy Duavit (COO and Vice President), Anette Gozon Abrogar (GMA Films President), at Wilma Galvante (SVP for Entertainment TV).
Ayon kay Claudine, naging mabilis daw ang pangyayari kaugnay ng pagpirma niya ng kontrata sa GMA-7.
Kuwento niya, "Everything was really, really fast, itong pangyayaring 'to. Hindi kami talaga prepared. Like yesterday, sinabi, 'Okay, we'll sign na today.'"
Ano naman ang pakiramdam niya na isa na siyang Kapuso?
"Parang naninibago, pero I think nangunguna sa lahat ng nararamdaman ko ngayon yung excitement. At the same time, excited talaga ako dahil magaganda yung mga nakahilerang projects for me," sabi ni Claudine.
Masaya rin daw si Claudine dahil magkakaroon na siya ng pagkakataon na makasama ang kanyang mister na si Raymart Santiago, na napapanood sa Darna.
Ayon sa ulat ni Lhar Santiago para sa GMA News, hindi naging mahaba ang negosasyon para sa paglipat ni Claudine sa Kapuso network. Nagsimula raw ang lahat sa paggawa ng pelikula ng aktres sa Viva Films.
"Claudine has a movie with Viva, and then they offered us [GMA Films] to co-produce it. So, sabi namin, 'Wow, dream come true to have a movie with Claudine!' We never thought that we could do a movie with Claudine," lahad ng GMA Films president na si Ms. Anette.
Ang pagiging Kapuso ang ikalawang pinakamalaking hakbang na ginawa ni Claudine sa career niya ngayong taon. Una ay ang pagpirma niya ng two-picture contract sa Viva Films noong October 8. (CLICK HERE to read related story.)
GOODBYE ABS-CBN. Marami ang nagulat sa desisyong ito ni Claudine dahil 17 years ang inilagi niya sa ABS-CBN. Sa katunayan, isa si Claudine sa itinuturing na pinakasikat at pinakamalaking female stars ng Kapamilya network.
Noong nakaraang concert ng Star Magic sa Araneta Coliseum noong November 13 ay nandun pa Claudine. Sila ni Piolo Pascual ang naging finale ng show.
Pero may bulung-bulungan din na matagal-tagal na raw hindi maayos ang relasyon ni Claudine sa ABS-CBN, partikular na sa talent arm nitong Star Magic. Noong nakaraang taon pa ang huling teleserye na ginawa ni Claudine sa ABS-CBN, ang Iisa Pa Lamang, at mukhang nainip na ang aktres sa susunod niyang proyekto. Bagamat nagkaroon siya ng special guest appearance sa May Bukas Pa ngayong taon.
Nagsimula ang showbiz career ni Claudine bilang teen star noong 1992 sa pamamagitan ng youth-oriented TV show ng ABS-CBN na Ang TV at sa sitcom na Home Along Da Riles. Bagama't ang mga una niyang pelikula ay mula sa Seiko Films, naging exclusive contract star siya ng Star Cinema, ang film arm ng ABS-CBN.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
1426 kinabog
TFC_AlZour
HAPONTASTIC pinapakain ng alikabok ang DRAMARAMA sa hapon ba yun? ahihihihi
___________
kinakain mo ba yung sinasabi mo? ahihihihihi
1425 mjay18
ang balita koh nga rin maganda tlga ang dramarama.. pati tatay koh nanonood sun.. hehehe.. pero gusto kong mkita if ever si Clau sa primetime.. para eksaktong nakauwi nkoh gling work..
1424 karen143
karen143
oo nga pala hindi kawalan ang Reyna noon ng ABS. Ang reyna na kasi ngayon ang ex-GMA star na si Angel. hihihi
nakita mo kung paano mamburo ang ABS ng big star nila like Dolphy, Maricel at paano hinahandle ang career ni JudyAnn?
Bea? Ann? Angel? Promising pa pala sila sa paningin mo after ng mga shows nila na hindi masyadong nagustuhan ng televiewers. Promise malalaos din sila at icoconsider ang GMA.
Si Kim promising kaso late bloomer na. tagal nya na rin sa showbiz. hihihhi
lahat namang stars malalaos teh..
regarding dolhpy ang maricel.. matanda na ang mga yan,, i guess ok lng nila na per yr ang project..they have enaf assets na.. no need for too much exposure.. ang sagwa nmn dba pag c maricel nag papacute pa sa primetime considering kung ano ang trend ngaun sa mga soaps...
at c kim.. di pa xa ganun ka tagal sa showbiz teh.. considering sa age nya now.. malaking achievemnt nya
1423 beall
i agree with you...
ang layo ng acting ni kim at kris bernal.
Hindi ko type si Kris B., but I appreciate her acting skill.
1422 kinabog
TFC_AlZour
ang mga talent nyo, veterans na..
Di na mapakinangan kaya ayan lagay na muna sa freezer hanggang magkusang lumabas at umalis sa poder ng istasyon nyo.
Talent? Sino ba ang homegrown ngayon ng ABS na marunong umarte at nabuild up ng ABS lately?
WALA
hihihihihihihi
1421 TFC_AlZour
1420 aldreyna
1419 kinabog
karen143
uu nmn.. kc mga yaya lng namin ang nanunuod ng dramarama.. :p
_______
LANG ang yaya? tatak kapamilya ka talaga.
Well salamat sa mga yaya na laging number 1 ang di matinag na dramarama sa hapon...hihihihihihi
1418 mjay18
anywayz..on topic ule! excited na akoh sa mga project ng Claudine.. hehehe first time koh sya mapapanood sa GMA.. wehehehe!!! curious! curious! curious!
1417 TFC_AlZour
1416 kinabog
karen143
oo nga pala hindi kawalan ang Reyna noon ng ABS. Ang reyna na kasi ngayon ang ex-GMA star na si Angel. hihihi
nakita mo kung paano mamburo ang ABS ng big star nila like Dolphy, Maricel at paano hinahandle ang career ni JudyAnn?
Bea? Ann? Angel? Promising pa pala sila sa paningin mo after ng mga shows nila na hindi masyadong nagustuhan ng televiewers. Promise malalaos din sila at icoconsider ang GMA.
Si Kim promising kaso late bloomer na. tagal nya na rin sa showbiz. hihihhi
1415 karen143
aldreyna
November 26, 2009
20:50 PM
Claudine...yan ang artista na hindi kelangan mag lagay ng nametag pag ng guest yan sa SOP..
karapat dapat kng e clap clap! bravo ka teh!
1414 swastika
1413 aldreyna
1412 karen143
bakbakan na sa claudine issue!
1411 karen143
1410 mjay18
ay so much! ganun tlga ang ABS.. pansin koh rin un.. hehehe..
KAREN143
uu! bakit? kalevel na ba nila sina Piolo and John Llyod? i think not.. kasi kung tlgang BIG stars sila.. they can even get an attention of a fan to other networks.. you know what i mean?
1409 karen143
1408 kinabog
karen143
minaliit ang dramarama sa hapon na matagal ng nagpapataob sa katapat na show ng naghihingalong network. hihihihi
1407 karen143
di ako plastic huh.. i never liked claudine after ng pagmumura nya sa asap nung natapilok xa..
and for me.. di talaga xa kawalan sa abs since wala nmn xang karir dun after sukob at iisa pa lamang..abs has more promising primer leading ladies now=judy ann.. bea.. ann..sarah...angel..kim chui..so? san pa lulugar ang isang claudine baretto?
tho i was amaze by her loyalty for 17 yrs.. but again.. she's not a loss for me!
more comments